17

235 11 0
                                    


Pumunta na kami ni Renzo sa resto kung saan kumakain sina Jin dahil sa pagdating ni Nicole.

"Oh. V san ka galing kanina? Teka sino yan?" sunud sunod na tanong ni Kim.

"Ang gwapo naman nya" sabi ni Ana.

"Boyfriend mo?" tanong naman ni Kirt.

Paano ba naman kasi nakaakbay sa akin si Renzo, nakahawak pa ako sa bewang nya dahil nga inaalalayan nya ako.

"Haha. Hmm pwede din" nagkatinginan kami ni Renzo at sabay na natawa.

"Pre, kamusta naman" tanong ni kuya Tristan sa kanya. "Upo kayo kakain na tayo"

"Ok lang naman pre. Laki ng pinagbago mo ah haha"

"Syempre gwapings pa rin ako. Ilang araw ka na dito? Bakit parang hindi kita nakikita?" tanong ni kuya sa kanya.

"Hmm mga 4 days na akong nandito. Pakilala mo naman mga kasama mo pre"

"Ah sorry. Ito nga pala si Kirt, Louie, Jin and Nicole. Tapos si Ana at Kim."

"Hello sa inyo" sabi ni Renzo. Binati din naman sya nina Louie.

Nagkwentuhan lang sila.

Napatingin ako kay Jin at Nicole. Nakikinig lang sila kay Renzo at kay kuya.

Sasabihin ko na mamaya kay Jin na gusto ko sya. Na mahal ko sya. Hindi pa naman sila ni Nicole eh.
"V. Ok ka lang?" nabalik ako sa ulira ng tanungin ako ni Kim.

Nakatingin na sa akin ang lahat.

"Ah o-oo bakit? May problema ba?" sabi ko sa kanila. Nagtataka naman ako bakit sila nakatingin sa akin lahat.

"Bakit ka umiiyak?" tanong naman ni Ana.

Napansin kong blured na pala ang mata ko dahil sa luha ko.

"E-excuse me" sabi ko at tumayo na.

Renzo's POV

Tumayo si V at tumakbo sa kung saan. Tatayo na sana yung babaeng katabi nya.

"Ako na hahabol sa kanya" sabi nung Jin.

Patayo na sana sya kaya lang pinigilan sya nung kasama nya. Nicole ata name.

"Ako na" sabi ko at tumakbo na.

May nadaanan akong mini club dito. Rinig na rinig ko ang ingay mga hiyawan, kantahan mula dito sa labas.

Pumasok naman ako agad doon. Baka sakaling makita si V.

At hindi nga ako nagkamali. Nakatungo lang sya sa isang table doon.

"Anong problema mo V?" Nagulat sya sa akin at napabulagta.

"Renzo? Bakit ka pa sumunod. Pano mo nalaman na andito ako?" sabi nya sa akin. Namumula na mata nya. Kita ko yun sa dim light na nakatapat sa amin.

"Baka may dugo yang paa mo kaya nagiwan ng bakas" tinignan ko ang paa nya.

Tsk. Tumakbo ng walang slippers. Ano bang klaseng utak meron toh.

"Magsalita ka na" sabi ko sa kanya. Nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Masakit sugat ko. Huhu" sabi lang nya.

Kita ko naman sa kanya na nasasaktan sya. Hindi naman magkakaganyan si V sa maliit na bagay lang. Kilala ko sya.

"Kilala kita V my baby. Sige na" napatingin ako sa kanya, tulala lang sya.

"Alam mo hindi ka dapat magkaganyan sa isang lalake. Dami pa dyan s tabi tabi. Mas gwapo sa kanya. Yung mamahalin ka din tulad ng pagmamahal mo sa kanya." sabi ko na lang.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon