V's POV
Hinintay naming lumubog ang araw at umuwi na kami.
Nakamotor naman ang mga mag couple at nag taxi naman kami ni Renzo.
Pupunta daw sila sa bahay ngayon dahil umuwi sina Mom at Dad para sa debut ko. Sasali daw sila sa pag paplano. Haha naku naman.
Napatingin naman ako kay Renzo.
"Salamat ah?" nasabi ko na lang at napatingin sya sakin.
"Huh? Saan naman?" sabi nya na parang nag mamaang maangan pa.
"Haha suuus. Salamat sa pagpapasaya mo sakin ngayong araw hehe" sabi ko at nag blush pa ata ako.
Ngumiti naman sya tapos hinawakan nya yung magkabila kong pisnge.
"Basta ikaw. Hindi kita iiwan V." sabi pa ni Renzo at papalapit ng papalapit ang mukha nya sa mukha ko.
.
.
. 3
.
.
.
. 2
.
.
.
.
. 1"Ma'am, Sir andito na po tayo." sabi nung driver nung taxi.
Napatigil naman si Renzo at natawa na lang kaming dalawa.
Pag dating namin sa may pinto ng bahay namin ang ingay sa loob.
Nauna na din dito sina Kim at Ana.
At pagpasok namin
"Waahhhhh. V babyyy. Na miss kitaaa. Ang ganda ganda ganda naman ng anak kong to" bungad sa akin ni Mommy.
Nakita ko naman ang violet na violet na gown, sandals, tiara, bracelet, kwintas, at earings na isusuot ko sa debut ko. =___________=
"Ang ganda ng gown mo V. Kakainggit ka naman" sabi ni Ana na hinahawak hawakan ang gown ko.
"Oo nga V. Pasukat ng sandals moo" excited na sabi ni Kim
"Hep hep hep. That's only for my daughter hihi." sabi ni Mom at may inabot pang cash si Mami dun sa dalawa.
"Oh hayan. Mag shopping kayong girls bukas. Kasama ka V ahh??! Friday na bukass. Excited na ko sa birthday mo anak. Kailangan maaga kayong umuwi kasi mga 5pm dadating yung photographer natin at pipicturan ka. Pati yung mga gagamitin mo sa debut. Okay~" sabi ni Mom at tumawa tawa pa.
"Ang bongga ah?" sabi bigla ni Renzo.
Hhaaayy. Napapabuntong hininga na lang ako. Ayaw ko pa naman ng gantong ka grande na birthday.
"Teka Mom, asan si Dad?" tanong ko.
"Andun sya sa kwarto. Nagpapahinga hehe" at natawa naman sina Kirt at Louie pati nadin si Renzo.
Ano namang nakakatawa sa pag papahinga ni Dad??
Magtatanong na sana ko kaya lang. . .
"Teka V? Asan yung kuya mo??" tanong ni Mom.
Ayyy. Pu*e ng tinapang kambeng naman oohhh!!! Sabi na nga ba ehh. Na kanina parang may kulang. Aiisstt.
"Ayy. Sht oo nga pala V. Kasama namin kuya mo sa paghanap sayo kanina?!" sabi ni Kirt.
Tinignan ko naman ang cellphone ko at nalowbat na ito. Nakuu. Siguro nalowbat kakatawag ni kuya sakin. Tsk. Naman oohh?!!
Ano?! Ngayon sya naman hahanapin namin?? Ganon?
Tristan's POV
Nag hiwa hiwalay na kami sa paghahanap namin kay V. Bwisit talaga yang si Jin na yan.
Wag lang syang magpapakita sa akin at baka mapatay ko sya. Bwisit.
Napunta ako sa isang Mall at hinanap ko sya. Paikot ikot na ko don at hindi ko parin sya mahanap. Tinatawagan ko na sya ayaw nya talagang sumagot. Ki ng *na naman yun ohh.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionApat na lalake at isang babae. One of the boys nga! Mainlove kaya si girl sa apat na: *The Playful Trickster *The Stoic Cool Guy *The Dogged Nice Guy *The Cute Sweet One Malalaman nyo na lang. Just read na lang po ^_^