Napabulagta ako at nahulog sa pagkakatayo ko.Nakatulog nga pala ako dito.
Lumabas ako at may nakita akong note sa may mini ref.
'Umalis kami ni Nicole '
Nilukot ko iyon at tinapon sa kung saan. Kaya nga tinawag na mag partner eh. Aiist. Bahala sya. Gagala ako magisa dito.
Nagshower na ako at nagbihis.
Dinala ko ang body bag ko. At sinabit na ang dslr sa leeg ko.Lumabas na ako at nakita ko ang tourist bus. Sumakay ako agad doon.
Nagtanong ako kung saan ito pupunta. Sabi sa Kyeong-Wha Station daw.
Nagpunta nga kami doon at wow lang. Ang daming cherry blossoms.
Pinicturan ko ang parating na tren. At ang ganda talaga.
Pagtapos ng site seeing sumakay na ulet kami sa bus.
Ang dami kong nakitang magagandang views. Sa sobrang pagka mangha ko, nalilimutan kong picturan.
Dumating na ang hapon at gala parin ako ng gala. Naka baba na ako ng bus. Hindi pa ako kumakain ng tanghalian pala.
Napatigil ako sa isang mga orange na puno. Nakalimutan ko tawag sa puno na to. Tunnel sya ng mga orange na puno.
Nilakad ko iyon. At napaisip ako.
Gusto ko nga ba talaga si Jin?
Aistt, wala naman akong experience dito. Hindi ko pa nararanasan mag ka bf.Sumakay na ako sa taxi at sinabi ko kung saang hotel ako.
Nagbayad na ako, at may nakita akong Mcdo malapit lang naman sa hotel namin.
Pumunta ako doon at nagorder.
Fries at float lang naman, ok na ko.
Nahagip ng mata ko si Nicole?Nilapitan ko sya at nakita naman nya ako.
"Ow V, have a seat" masaya nyang bati. Mukha naman syang mabait.
"Sinong kasama mo?" tanong ko sa kanya.
"Si Jin. Sinamahan nya ako kanina sa mga Tito ko dito"
Meron naman pala silang bahay ng kamag-anak nya dito. Bakit di pa sya don natulog.
Magsasalita na sana ako, kaya lang dumating na si Jin. Nagulat sya at nakita nya ako. Psh.
Nagkwento lang si Nicole sa amin. Hanggang sa mapunta sa akin.
"Ah V, musta naman ang pamamasyal mo dito"
"Ok naman, eto nga mga pictures oh" at pinakita ko sa kanya ang camera ko. Nakitingin naman si Jin dito kaya kinuha ko agad ang camera ko.
"Ang ganda ng mga lugar na napuntahan ko. Kayang kaya ko ng mag gala dito kahit na wala akong kasama "
Diniinan ko talaga pag sabi ko nun at napatinign naman sa akin si Jin.
"Well aalis na ako. May pupuntahan pa ako. Maiwan ko na kayo. Bye"
sabi ko at umalis na ako agad. Hindi ko maintindihan sarili ko.Sumakay ako ng Bus, at huminto ito sa isang market. Night market.
Maganda ang mga tinda nila. Parang tiangge lang ito sa pilipinas.
Namili ako don ng kung anu-ano.Naglakadakad na ako pag tapos kong bumili. Napadpad ako sa park at naupo ako sa may bench doon.
Nag ring ang phone ko at tinignan ito. Si kuya.
"Hello kuya"
[ Oh. Kakauwi lang namin sa hotel eh. Musta kayo ni Jin dyan, naistorbo ko ba kayo. Haha]
"Kuya talaga. Hindi mo naman ako naistorbo noh"
[ Hindi kita naistorbo? Ikaw lang ba magisa ngayon? Asan ka ba dyan]
"Dito sa may park kuya. Nakaupo lang ako sa may bench, kakatapos ko lang mag gala ee"
[ You mean, ikaw lang magisa ang lumakad? ]
"O-oo, kasama ni Jin si Nic-Nicole" sabi ko at nalungkot ako. Hindi ko alam bakit ako nalulungkot. Kung dah ba magisa ako, o kung dahil magkasama ngayon sina Jin at Nicole.
[ Gago yun ah, pinagbilin ko sya sayo tapos iiwan ka din pala. Tarantdo pala sya ee. Di bale pupunta kami dyan buka--]
"Wag na kuya. Haha. Kaya ko nanaman kahit ako lang magisa noh. Malaki na ako."
[Sure ka dyan ah]
"Oo naman yes. Ako pa"
[Oh sige. Bumalik ka na sa hotel nyo at malamig dyan pag gabi, baka mahamugan ka pa.]
"Opo sige po Kuya, bye. Ingat kayo dyan"
[Kayo din V. Bye]
Bumalik na ako sa hotel namin. Kung dito ulet matutulog si Nicole, baka wala na akong kasama nyan pagalis ko bukas. Baka yayain nanaman nya si Jin.
Sarado ang pinto kaya kumatok na ako. Binuksan naman agad to ni Nicole.
"V!! Ginabi ka ah? Enjoy mo ba" tanong nya at pumasok na ako.
Hindi ko sya sinagot. Pagod ako. Dumeretso ako sa taas at nakatulog na ako agad.
Jin's POV
Umakyat agad si V sa kwarto at hindi na bumaba, hindi ata ako napansin nung payatot na yun.
Andito parin si Nicole at nanonood kami dito sa TV room. Ng biglang nag vibrate ang phone nya.
"Oops, si Tito, pinapapunta nya ako sa bahay nila at dun ako pinapatulog."
"Ok. Hatid na kita sa labas"
Nandito na kami sa labas ng hotel.
"So, pano yan. Bukas ulet" then nagulat ako sa next nyang ginawa.
She give me a quick kiss in my lips.
"Laters baby" sabi nya at sumakay na sa sasakyan.Grabeng pakiramdam ko. Parang lutang ako.
Pagpasok ko sa room namin nagpagulong gulong ako sa mini bed na nandon.
Shit nakakabakla naman toh.
Napatigil ako kasi nakita ko si V na nakatingin sa akin. Parang gulat na gulat sya.
Anak ng teteng nahuli pa ako.
"Oh, akala ko ba tulog ka na?" bumaba sya at hinarap ako.
"Bukas, aalis na tayo at sunod na pupuntahan natin ay sa New York" yun lang ang sinabi nya at papaakyat na sana sya..
"HAH!?? Ang bilis naman?"
"Edi hindi ka sasama?" parang ang lungkot ng mata nya. Tsk eh ano naman.
"Sasamahan ko si Nicole bukas--" naputol ang sasabihin ko nung magsalita sya.
"Oo o hindi lang, hindi ko kailangan ng paliwanag mo"
"Hi-hindi" sabi ko at umakyat na sya sa taas. Naawa naman ako sa kanya.
Pero, anong pake ko. Kasama ko naman si Nics. yyiieeee.
V's POV
Umakyat na ako agad sa taas. Napansin kong may tumulo na luha sa mata ko. Bakit parang ang sakit?
Fvk ano ba tong nararamdamn ko? Shit shit shit!!
Bukas na bukas lang maaga na akong aalis. Tinext ko na ang butler ko na sunduin ako sa hotel na to, bukas ng maaga.
Nahiga na ako, at nakatulog.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionApat na lalake at isang babae. One of the boys nga! Mainlove kaya si girl sa apat na: *The Playful Trickster *The Stoic Cool Guy *The Dogged Nice Guy *The Cute Sweet One Malalaman nyo na lang. Just read na lang po ^_^