Tristan's POVNarinig ko silang naguusap na tatlo sa room ni Kim.
Aba, panong hindi ko maririnig eh ang lakas ng tawanan nila.
Papaalis na sana ako para bumalik sa kwarto ko ng marinig ko ang tanong na yun.
"Pero mahal mo si Jin?" Narinig kong tanong ni Kim.
"YES!" malakas na sigaw ni V.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Pumasok ako agad sa kwarto ko baka makita pa nila ako.
V wag naman si Jin. Kilala ko sya. Masyado syang cassanova. Pero hindi ko ata mapipilit si V na wag na lang si Jin ang mahalin nya. Masasaktan lang sya.
Nakahiga na ako ng may biglang kumatok.
Pagbukas ko si V.
"Bakit di ka pa matulog? Maaga tayo bukas. Go to your room then sleep!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ako makatulog--" pinutol ko ang sasabihin nya.
"V, Im tired. Bukas na lang ok?" Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo.
"Ok, sorry kung naistorbo kita" sabi nya at niyakap ko naman sya agad.
"Its ok my princess. Sleep na ah? Goodnight" sabi ko at hinalikan ulet sya sa forehead.
"Ok kuya. Goodnight" sabi nya. Tumalikod na sya pero tinawag ko ulet si V.
"Ahm V"
" Yes? Kuya?"
"Not him" sabi ko sa kanya. Sana mapilit ko sya na wag si Jin. Pero parang mahirap talaga. Lalo na at first time nya lang to.
"What?" Tanong nya. Hindi nya ata narinig. Aist bingi.
" Just listen to me always ok? Goodnight. Love you" sabi ko sa kanya then isinara ko na ang pinto at natulog na.
KINABUKASAN
V's POVNagbihis ako ng gray na sando at nag short-shorts na lang. Syempre dala ko skateboard ko. Nag cap na din ako na color red.
Tapos na kaming kumain at pinasakay na kami ni Auntie sa bus.
"Ok kids, pupunta tayo sa sikat na park dito." Sabi ni Auntie.
Di nagtagal andito na kami.
Picture picture naman ang ginawa namin nina Ana at Kim.
Napaisip ako bigla.
Siguro sa susunod na araw ko na lang sasabihin kay Jin. Eeyy excited na ako. Hehe.
"V, paano mo, nagustuhan si Jin?" Nagulat naman ako sa tanong ni Kim.
"Oo nga V. Magkwento ka naman" kinikilig na sabi ni Ana.
"Ah ee kasi... " natigil ako nung tinawag ako nina kuya.
Whoah, buti naman. Muntik nang makwento sa kanila yun ah.
"V,pumunta ka sa kwarto ko mamaya ah?" Sabi ni kuya sa akin. Mukhang seryoso sya.Nag nod lang ako bilang sagot sa kanya.
Kumain kami ng lunch sa isang resto doon. At pagkatapos nun nagmall pa kami at nanood ng sine. Syempre namili na din kami.
Umuwi na kami dahil hapon na. Bukas daw sabi ni Auntie pupunta daw kaming Disney Land.
Nakapunta na ako doon nung bata pa ako. Kaya lang, di ko masyadong natatandaan kung anong mga rides ang sinakyan namin don.
Nakarating na kami sa hotel namin at nagshower na ako.
Pinapapunta ako ni kuya sa room nya. Ano kayang meron.
Nagbihis na ako at pumunta na sa room nya.
TOK TOK TOK
Bumukas naman agad ang pinto at pinapasok nya ako.
"Wow kuya ang ganda naman ng view dito" pagtingin ko sa kanya nakatingin na sya sa akin ng seryoso. Naku, mukhang may nagawa ata akong mali.
"V,... mahal mo ba talaga si Jin?" Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya. Sasabihin ko sana to sa kanya kahapon, kaso sabi nya pagod sya.
Narinig nya ata kami nina Kim at Ana sa kwarto kagabi.
Ngayon namang tinatanong na nya ako.. Kinakabahan ako grabe.
"K-kuya" walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Hinawakan ako ni kuya sa magkabila kong balikat.
"Ibig sabihin mahal mo nga!" Narinig ko syang nag sigh.
"O-oo kuya. Bakit? May p-problema ba dun?" Tanong ko.
"Oo V." Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya.
"Huh?" Parang nasaktan naman ata ako dun. Parang ang sinasabi nya bawal sa akin si Jin.
"Wag si Jin. Please V masasaktan ka lang sa kanya" sabi na nga ba.
"Kuya, hindi ko mapipigilan ang nararamdaman ko." Sabi ko sa kanya, this time parang gustong tumulo ang luha ko.
"V, masyado syang cassanova. Ayaw ko namang masaktan ka--"
"Kuya, ipagtatapat ko na sa kanya na mahal ko sya. At wala akong pake kahit na ireject man nya yun." Sabi ko sa kanya. Medyo inis na ako.
"Pero V, gusto ni Jin si Nicole" pagkasabi ni Kuya nun para akong natulala.
Tinignan ko si kuya ng seryoso sa mata.
"Alam ko naman yun eh. Masama bang magsabi ng nararamdaman?"
" V--"
"Oo gusto ko sya kuya. Mahal ko sya. At masaya ako kung san sya masaya." Biglang tumulo ang luha ko.
Niyakap ako agad ni Kuya.
"Im so sorry V." Sabi nya.
"Its ok kuya. Alam ko namang nag-aalala ka sa akin na baka masaktan ako" sabi ko sa kanya. Pinunasan naman nya ang luha ko.
"Susuportahan kita dyan sa nararamdaman mo my lil princess." Sabi ni kuya sa akin at ngumiti ako.
Lumabas na kami dahil kakain daw kami ng dinner.
Pagkatapos namin, pumunta kami sa isang night market duon.
Nakakita ako ng mga tinitindang staff toys."Bakit V? Bibilhin mo?" Nagitla naman ako sa biglaang pagsulpot ni Kim.
"Hah? O-oo eh haha. " sabi ko na lang. Ang ganda kasi ng staff toy na yun. Meron syang malaking tenga sa kanan at maliit naman sa kaliwa. Color blue ang mga mata neto at mukha syang pusa.
Color black na pusa na parang rabbit ata? Bibilhin ko na, kawawa naman sya na lang nagiisa dun. Ang karamihan na staff toys na kasama nya ay magaganda.
"Ang wierd naman nung staff toy na yun. Tulad lang ni V" biglang sumulpot si Louie.
"Bwahaha. Oo nga noh. Kamukha pa nya" banat naman ni Kirt.
Bibilhin ko na sana kaso panira tong mga toh.
"Haha, oo nga nohh. Tatawagin ko syang CraVit" sabi ni Jin. At nagtawanan naman sila.
Lumibot libot kami hanggang sa magkayayaan ng matulog.
Inaantok na din ako. Pang ilang days na ba namin to? 2 days palang pala.
Nahiga na ako sa kama ko.
Hayy Jin Jin Jin tsk tsk tsk. At natulog.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionApat na lalake at isang babae. One of the boys nga! Mainlove kaya si girl sa apat na: *The Playful Trickster *The Stoic Cool Guy *The Dogged Nice Guy *The Cute Sweet One Malalaman nyo na lang. Just read na lang po ^_^