V's POVNakakainis tong mokong na to, ako nanaman ang trip. Dapat lang sa kanya yan.
Aalis na dapat ako pero hinawakan nya ako sa braso. Parang may ground? O___o
"Sandali" iniharap nya ako sa kanya. Ang lapit ng mukha nya sa akin. Napalunok na lang ako. Di ko alam ang gagawin ko.
Papalapit ang mukha nya sa akin kaya napapikit ako ng mariin.
5
4
3
2
1
O____O
Nagmulat ako at tawa sya ng tawa sa harap ko. Arrgghhh.
Sisipain ko sana sya kaya lang nakaiwas sya. Lumapit ulet sya sa akin at ako naman ang kinurot sa pisnge.
"Aahhhhhhwwww" sigaw ko.
"Ganti lng V hahahay" at tumakbo sya sa taas. Argghh magsama sama silang nga pugo.
Umakyat na ako sa kwarto dahil pinagalitan nanaman ako ni Manang sa kaingayan ko daw na hindi ko naman talaga kasalanan.
Nakahiga na ako sa kama ko. At pagpikit ko.
"WAT DA! Bakit mukha ng unggoy na yun ang nakita ko? Arrgghh bwiset sya. Pag ako hindi nakatulog ng maayos" T__T
Pumikit na ang dalawang mata ko at di ko namalayang nakatulog ba ako.
BOOGGSHHH
Nagising ako sa isang malakas na kalampog. Siguro kina kuya yun.
Pagtingin ko sa orasan...
"3:15 am palang!" lanja nagising pa ako ng pagkaaga.
Teka baka mamaya nanakawan na dun sina kuya.
Bumaba ako sa kama ko at pumunta sa kwarto ni kuya Tristan. Hindi ito naka lock kaya pumasok na ako.
Watda! Nahulog lang pala si Jin sa kama. At nagkasya silang apat dun sa kama ni kuya. Mga sira ulo talaga. Hindi man lang nagising tong si Jin. Tulog mantika ang king ina haha.
Lumapit ako sa nalaglag na si Jin at tinignan sya sa mukha.
Naka nga nga pa sya matulog. May muta pa. Kadiri. Lanja tong lalakeng to.
Lumapit pa ako sa kanya para sana kunin yung cellphone na hawak nya. Kaso sa kamalasan ko naman, napatid pa ako kaya nadaganan ko si Jin.
"Ahh-awu" nasabi ko na lang. Baka magising pa tong mga to pag nagingay pa ako.
Tinignan ko si Jin pero hindi parin sya nagising. Kaya tumayo ako agad at lumabas na sa kwarto nila.
Bumalik na ako sa kwarto ko at pinilit kong makatulog ulet.
"Good morning V " bati sa akin nilang lahat.
-_____-ZZzzzz
"Parang puyat ang lil bro ko ah, tara na at kumain" sabi ni Tristan, este kuya Tristan.
Ang bakanteng upuan na lang ay ang sa tabi ni Jin.
Tumabi na ako sa kanya at kumain na din.
"So, musta naman ang gabi mo V" sabi sa akin ni Jin.
Nabulunan naman ako nung maalala ko ang nangyare nung pumasok ako sa kwarto ni Kuya nun.
"Haha, ok naman ikaw ba" tanong ko sa kanya habang uminom ako ng tubig.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionApat na lalake at isang babae. One of the boys nga! Mainlove kaya si girl sa apat na: *The Playful Trickster *The Stoic Cool Guy *The Dogged Nice Guy *The Cute Sweet One Malalaman nyo na lang. Just read na lang po ^_^