18

225 8 0
                                    


Nicole's POV

Lumabas na ako ng room ni Jin. Papunta na ako sa room ko, napatingin naman ako sa room ni Tristan.

Wala na namang lumalabas. Tulog na lahat.

TOK TOK

Bumukas agad ang pinto. Nagulat naman si Tristan sa akin.

Tinulak ko sya papasok sa kwarto nya at sinara agad ang pinto.

Tinulak ko sya sa kama. Pero pumapalag sya.

Hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso ko.

"Ano bang ginagawa mo Nicole?"sabi nya sa akin. Mukha na syang galit. And I like it.

Nagpaawa effect naman ako.

"Mahal na mahal pa kita Tris. Please, bumalik ka na sa akin" sabi ko sa kanya at hinalikan sya.

Tinulak naman nya ako agad.

"Umalis ka na. Tapos na tayo!" sabi nya, tinulak naman nya ako papunta sa pinto.

"Aray Tris. Nasasaktan ako"

"Umalis ka na. Please lang. Baka sabihin ko pa kay Jin ang totoo. " sabi nya sa akin. Tsk. Pa choosy pa.

Blackmail pa. Hindi tatalab sa akin yan baby.

"Sabihin mo muna sa akin na hindi mo na ako mahal." hm, alam ko namang hindi nya kayang sabihin yan.

Nakatulala lang sya. Hindi sya nagsasalita.

"So the answer is you still love me ? Well, kahit sumagot ka pa ng 'hindi mo na ako mahal' its a big big big lie. Goodnight darling" at hinalikan ko sya sa lips nya.

Lumabas na ako ng kwarto nya at dumeretso sa room ko.

Nahiga na ako sa kama ko.

Haayyyy. A beautiful goodnight sleep.

V's POV

Nagising na ako. Lumabas ako ng kwarto at..

Teka bakit iba? Ano tong room na to? Na kidnapped ata ako.

Pumunta naman ako sa may kusina, may naririnig kasi akong maingay dun.

Sumilip ako. Lalake sya. Ang tangkad.

Nagluluto sya. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako makikita. Pupukpukin ko lang naman sya ng dustpan na nandito sa gilid.

Bigla syang naharap sa akin.

"Oh V. Gising ka na pala goodm--"

"YYAAHHH" sabi ko ng ihahampas ko na sa kanya ang dustpan.

Pero naagaw nya agad yun at nahawakan nya ang braso ko tska nya pinilipit ito.

"Aray aray. Tama na suko na ko" sabi ko. Naalala ko na ang nangyari sa akin. Nakatulog ata ako. Tapos dinala ako ni Renzo dito sa room nya.

"Goodmorning V. Kain na tayo" sabi nya sa akin habang hinahanda ang mga plato.

"Sorry Renzo. Kala ko kasi na kidnapped ako" nasabi ko na lang at kumain na.

"Haha mukha ba akong kidnapper?" tanong nya.

Nagkwentuhan lang kami. Parang ayoko pang bumalik sa room namin.

Nasasaktan ako.

TOK TOK

"Buksan ko lang" sabi nya at tumayo na.

Last day na pala namin dito. 6pm pa naman ang flight namin.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon