22

226 12 4
                                    


JIN'S POV

Tinawagan na namin si Tristan para pumunta dito sa bar. Pinahiga namin si V sa sofa pinaypayan na namin at lahat. Di parin gising.

Hindi naman namin sya pwedeng isakay sa motor baka mahulog lang sya.

Sht. Sht. Sht. Ang tagal naman kasi ni Tristan.

BOOGGSSSHHH

Narinig namin ang pagkalabog ng pinto at si Tristan na iyon.

"Anong nangyare sa kanya" sabi nya habang binubuhat si V at dinala na pababa.

"B-bigla na lang syang nahimatay eh" sabi ni Kirt.

Sinakay na ni Tristan si V sa kotse nya at dali daling umalis.

Sinundan namin sya at huminto na kami sa hospital.

Dinala na sa isang private room si V.

Maya maya ay lumabas na ang doktor.

"Doc,kamusta naman po ang kapatid ko?"

"Ayos naman na sya. Over fatigue sya, kaya sya nahimatay. Pwede nyo na syang ilabas maya maya. Pwede nyo na din syang pasukin sa loob."
Sabi neto at nagpasalamat na kami.

Pagdating namin sa loob. Unti unting minulat ni V ang mga mata nya.

"Hmm. Kuya?" sabi ni V at pinapalit ang kuya nya.

"Bakit? May kailangan ka ba? Anong gusto mo?" Tristan.

"Ma-mamatay n-na ak-ako" nagulat naman kami sa sinabi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nasabi ko na lang.

"Wag mong sabihin yan V" sabi naman ni Kirt.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan" Louie.

"Wag V. Hindi ka naman daw mamamatay. Hindi mo naman kami iiwan ehh." Tristan.

"Ay. Ang OA. Di nyo n-naman kasi ako pinatapos. Sabi ko mamamatay na ko sa gutom."

Medyo nakahinga kami ng maluwag.

Bumili sa labas si Tristan ng makakain namin. Sumama na din si Louie at si Kirt.

Napatingin naman ako kay V.

"Ok na ba pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihilo?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang naman na sya.

"May sasabihin ako sayo Jin. Dapat noon ko pa to sasabihin sayo eh" sabi nya.

"Sige. Ano ba yun?" nakinig lang ako sa kanya.

"Wag kang magagalit ah? Wag mo din sana akong i-iwasan?" sabi nya.

Tumango lang ako at pinagpatuloy na nya ang pagsasalita nya.

"Hindi ko kasi alam kung pano nagsimula to. Nung una, hindi ako naniniwala talaga . . "

"Pero k-kasi, m-mahal na kita Jin"





Mahal na kita Jin

Mahal na kita Jin

Mahal na kita Jin

Mahal na kita Jin

Mahal na kita Jin

Nagulit ulit iyon sa utak ko.

May part sa akin na, nasiyahan ako. Ang iba ay parang sinasabing oo mahal din kita, pero hanggang kaibigan lang . Hindi ko alam ang sasabihin ko.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon