5

354 16 0
                                    


Umuwi na kami para daw makapag ayos na ng gamit. Sana si kuya na lang kasam ko.

"V may sarili ka namang private plane at ganun din ako. Kaya kita kits na lang." ang saya ni kuya. King ina, ako end of the world ko na.

"Nasabi ko na po sa parents nyo Sir Tristan" sabi nung butler namin.

Inutusan sya ni kuya para sabihin kina Mom at Dad yung tungkol sa lintek na kakaibang project na yun.

"Sabi po ng Mom nyo gamitin nyo daw po ang gold card na nilagay nya po sa drawer ng study table nyo, malaking pera po ang nandoon kaya pakiingatan daw po." mahabang paliwanag ng butler namin.

"Kuya magshopping na tayo" sabi ko sa kanya.

"Tinext ko sina Louie, sabi ko magkita kita na tayo dun mamaya. Di ka naman halatang excited. Makakasama mo pa si Jin" then nag smirk sya.

"As if!! Gusto ko pang ako na lang magisa kesa kasama ko sya" at inirapan ko sya.

Nagpalit na ako ng damit, dahil aalis na daw kami ni kuya.

Isang color black tshirt na malaki sa akin, at tokong na black din.

Nagmotor kami ni kuya papunta sa Mall namin. Nagkita kita kami nina Louie dito sa restaurant na lagi naming kinakainan.

"Uy tol, all black tayo ah" sabi ni Kirt sa akin at umupo na sila.

Kaharap ko pa si Jin kaya hindi ako msyadong mapakali. Aist. Ano bang nangyayare sa akin.

Jin's POV

  Nandito kami ngayon sa Mall at mamimili ng kailangan namin para sa project.

Grabeng pakiusapa ko sa Lolo ko,  sya ang dean ng school namin.

Kinausap ko sya na pakiusapan ang prof na yun, na mag rest naman kami.

Aba syempre, prinsipe ako sa bahay kaya dapat masunod ang gusto ko.

Nagulat na lng ako nung sinabi ng prof yun. Grabeng pahinga yun ah. Hehehe. Swerte ko talaga.

Pero pagkamalas din kasi si V ang partner ko. King ina! Hayy nako naman. V V V tsk tsk tsk.

Buti sana kung sexy ang kasama ko. Di katulad netong payatot na toh.

Namili na kami pagtapos naming kumain. 

Namili kami ng mga jackets, damit namin for 1/2 months, at sympre dalawang maleta.

"Wait lang guys, cr lang ako sino sama" sabi ni Louie at sumunod naman si Kirt at Tristan.

Aba't iniwan pa ako dito. Susunod na sana ako kaya lang nakita ko si V na ang daming buhat buhat. Binaba nya ang iba. Pero nahulog ang mga pinamili nya.

Dinampot nya yun isa isa. Oo nanonood lang ako.

"Jin tulungan mo ko!!" sigaw nya nung palakad na ako papunta sa cr.
Lintek na, di na ako nakatakas sa kamalasan.

"Amin na nga, lalampa lampa kasi" inis na sabi ko sa kanya.

"Oh yan, sa susunod nga magiingat ka na. Napaka mo!" patalikod na ako ng bigla akong nakabangga.

"So-sorry Miss ok ka lang ba" tanong ko sa kanya. Inalalayan ko syang tumayo at…

Nakita ko ang mala anghel nyang mukha.

"Hahaha, sino ngayon ang lampa sa atin Jin" sabi ni V sa akin, pero di ko sya pinansin.

Nagkatitigan kami nung babae. Ang ganda talaga nya ee.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon