4

347 17 0
                                    

Pumunta na kami sa room naming lima. Magclassmates pa kami netong mga toh.

Pumasok na din ang Prof. kasabay namin.

"Ow goodmorning Mr. Zamora" mukhang bading sya. "And Mr, McFlint, Mr. Chen, Mr. Patterson"

Wow. Kilala nya lahat. Di man lang ako napansin

Natigilan ang buong klase sa pagpasok namin.

"And you?" turo sa akin nung prof.

Nagsi upo na ang mga lalakeng pugo sa hulihan. Lanja, di man lang ako samahan dito.

"Magpakilala ka sa mga classmates mo" sabi nya ulet.

"H-hi, Im V. Nice to meet you classmates" at itong mga kasama ko ee nagsi palakpakan pa. Kahiya talaga.

"Ok take your seat"

Naghanap ako ng mauupan ko malayo sa kanila, pero nabigo ako. Ang vacant seat lang ay yung sa pagitan ni kuya at kay Jin.

Palakad na ako ng may humawak sa braso ko.

"Dont ya dare to seat behind Tristan. Or else, I'll kill ya bish!" inirapan ako ng babae at pabatong binitiwan ang braso ko na nandidiri.
Hindi ko sinunod yung sinabi nung babaeng mukhang clown.

Tumabi ako kina Kuya at masama naman ang tingin sa akin nung babae.

Nag start ng mag lesson ang prof. may pinagawa sya sa aming activity na up to 100.

Ako ang unang nakatapos kaya sabi nya mauna na daw akong lumabas at mag break na.

Sinabi naman sa akin ni kuya na maghintay ako sa cafereria. May number 4 daw ang table nila sa canteen kaya makikita ko daw
agad.

Naglalakad na ako ng biglang may nakita akong babaeng mukha syang nerd. Nakatungo sya kita ko ang makakapal nyang eyeglasses.

Natapak sya sa isang bato at natapilok sya. Nalaglag ang mga books na hawak nya kaya tinulungan ko sya.

"Ah thank you ho" sabi nya sa akin, at inabot ang kamay nya. "Ako si Kimlyn, you can call me Kim, classmates tayo kaya"

Di ko alam na classmate ko pala sya.

Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya.

"Ahmm san ang cafeteria dito? "

"Deretsuhin mo lang yan. Paglagpas mo ng mini stage kakanan ka then you turn left at deretso again then makikita mo na ang napakalaking cafeteria" mahabang paliwanag nya.

Nagpasalamat na ako sa kanya. Sana dala ko na lang ang skateboard ko para mapabilis.

Pagtapos ng 1234667899 years. Andito na din ako sa wakas.

Hinanap ko agad ang number 4 table na sinabi sa akin ni kuya.

And there, got ya! Nakita ko din. Naupo na ako, at nagtaka. Sa dinami daming students. Bakit walang naupo dito?

Tinitignan ako ng mga students. Anong meron, may dumi ba ako sa mukha.

Biglang may sumulpot na babae sa harap ko. Mukha syang mabait.

"Naku, transfer ka dito noh? Wag kang uupo dyan, may nagmamay-ari na nyan. Kung ayaw mo pang pagtripan, umalis ka na dyan" sabi nya sa akin. Medyo natakot naman ako sa reaksyon nya. Nakakatakot kasi sya. Para syang baliw.

Nakita ko naman ang isang tatlong grupo ng babae. Namukhaan ko sya. Sya yung kumapit sa braso ko kanina.

BOGSHH

Padabog nyang hinampas ang lamesa. No wonder nasaktan sya don.

"Diba sabi ko wag kang uupo don sa tabi ni Tristan ko? " sabi nya sa akin. Nananatili parin akong nakupo at tinitigan sya.

"Girls. Alam nyo naang gagawin" lumapit sa akin ang dalawang alepores nya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Napatayo naman ako sa hila nila sa akin. Dumadami na ang students na nanonood sa amin.

-_____-

Nagugutom na ako.

Sasampalin na sana ako nung babae kaya lang pinigilan ito ni kuya Tristan.

"Ahh. Oh my Tristan baby" sabi nya kay kuya.

"Wag mo kong ma baby baby! Kirt, Jin, kunin nyo si V" at kinuha nila ako ng walang kahirap hirap dahil bumitaw din ang dalawang alepores nung babae.

"Wag na wag mo na ulet gagawin to sa kapatid ko, kung hindi kakalimutan kong babae ka"

"Ka-kapatid mo sya" tanong nung babae.

"UMALIS KA SA HARAP KO!" sigawni kuya at nagsialisan naman ang tatlong clown.

"Sorry V, ok ka na ba?" lumapit sa akin si kuya. At chineck ako kung may ngyare ba sa akin.

"Sa susunod nga lumaban ka" sabi sa akin ni Louie ng makaupo na kami.

"Gutom na ako kuya" -__-

At nagorder na si Jin para sa amin. Libre daw nya dahil first day of school.

Pagtapos naming kumain, bumalik na ang gana ko. Kanina siguro gutom ako kaya wala ako sa mood.
Pumunta kami sa may likod ng gym daw ata yun at may isang malaking puno ng mangga doon. Walang napunta dito kaya kami lang ang tao.

Sabi sa akin ni Kirt, tambayan daw nila to.

Di nagtagal bumalik na kami sa klase.

"Ok class, by group tong ipapagawa ko sa inyo. I'll group you into 2"

sabi sa amin nung prof.

"Ok, Tristan Patterson and Kirt Chen"

"Louie McFlint and Kimlyn DelVale"

"V Patterson and Jin Zamora"

What!?? Nagkatinginan kami ni Jin at nagka irapan pa kami. I really hate him.

Patuloy lang sa pag group ang prof namin hanggang matapos.

"Okay, ang project na yan ay mahalaga. Since kayo naman ay anak mayayaman, makakaya nyo"

Nagtaas ako ng kamay.

"Yes Ms. Patterson kung makikipagpalit ka ng partner just drop my subject"

Wat da, hindi na ako nakapag salita ulet. Nakita ko namang tumatawa si Jin kaya siniko ko sya sa tiyan.

"Ok you and your partner are going to travel, and you will take pictures of 10 beautiful Islands, place or whatever you want. At pagsunurin nyo kung ano ang top 10-1. Bibigyan ko kayo ng 2 days para mkapaghanda. And 1 and a half month para makapag travel. Excuse kayo sa ibang subjects nyo. Okay, have a good day. Goodluck"

Nagkaingayan na sa loob ng room.
Lumapit sa amin si Louie.

"Ay sayang pre, ako lang nahiwalay sa inyo" sabi nya.

Speechless parin ako dahim sa project na yun. Tumingin ako kay Jin, and he's already staring at me.

TUG DUG TUG DUG

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Naiisip ko palang na magsasama kami. Tingin ko may war na.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon