Hapon na at nagpunta na kami sa Disney Land. Grabe, ang ganda. Buhay na buhay ang mga ilaw.
"Wow. Ang ganda talaga dito" sabi ni Louie. "Wanna be my girlfriend?" Nagulat naman ako sa tanong ni Louie kay Ana.
"E-ehh?" Parang nandidiring sabi ni Ana.
"Just kidding" sabi ni Louie sabay tawa.
"Pst. Huy kayong dalawa? Anyare?" sinabayan ko silang maglakad.
"Hindi ko alam. Nabigla kasi ako nun kaya nasigaw ko pangalan ni Louie" malungkot na sabi ni Ana.
"Nagkapalit tuloy kami. Mamaya mag-away pa kami netong si Ana dahil sa selos. Pero sasabihin din naman namin ang totoo" mahabng sabi ni Kim.
Naglakad lakad kami dito, hanggang sa mapagdesisyonan na sumakay daw kami sa Ferris Wheel.
Malapit na kami ng sabihin ng crew doon na lima lang daw ang pwede.
Kaya nauna nang sumakay sina kuya, Kirt, Louie, Ana at Kim.
O__O
Andito na ang sasakyan namin ni Jin. Nakapasok na kami at sinara bigla nung crew ang pinto.
"Enjoy the view couples" nakangiting sabi nya at umandar na ito.
A-ano daw? Couples?
"Masyado mo namang sineryoso yung sabi nun" sabi ni Jin na nakaupo at relax lang sya.
"H-hindi noh. Feeling mo naman" at tumingin ako sa baba.
Parang nahihilo na ako.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Ang ganda ng view dito. Tignan mo V ohhh" manghang sabi ni Jin.
Hindi ko na sya pinansin. Dahil pag nagsalita o bumuka ang bibig ko. Masusuka na ako.
"V tignan mo yun? Bang ganda"
Buti pa sya, enjoy nya ung view. Ako? Hindi ako makatingin sa baba.
"Ano ba V? Kanina ka pa walang imik dyan?" Nakatingin sa akin si Jin na nagtataka.
Umiling lang ako at tumungo. Mas lalo ata akong nasusuka.
"Huyyy?" Inalog alog naman ako ni Jin. Napatingin ako sa kanya para sana tignan sya ng masama.
Kaso ang lapit ng mukha namin masyado. Nakakaduling.
Inuga nya ulit ako. Hanggang sa
BBOORGGHHHH ERGGH
"WHAT THE F*&K?" bigla syang napatayo at nag swing ang sinasakyan namin kaya lalo akong nahilo.
Eh pano ba naman nasukahan ko ang damit nya.
ERRRGGHHHKK
"FVK. V? Ano ba naman. Kinuha nya ang panyo sa bulsa nya at pinunasan ang polo shirt nya.
Nakita kong may plastic bag sa tabi ng upuan namin kaya dinampot ko agad yun at don ko binuhos lahat.
Pagbaba namin, ang gaan na ng pakiramdam ko.
Kaso tong si Jin ang baho.
"Sorry Jin." Sabi ko at di naman nya ako pinansin.
"Whoah whoah. Anong nangyare?" Tanong ni Louie.
"Ang baho mo dude" nandidiring sabi ni Kirt.
"Nagsuka ka V noh? Tara sa restroom dito" sabi ni Kim at naglakad na kami papunta doon.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionApat na lalake at isang babae. One of the boys nga! Mainlove kaya si girl sa apat na: *The Playful Trickster *The Stoic Cool Guy *The Dogged Nice Guy *The Cute Sweet One Malalaman nyo na lang. Just read na lang po ^_^