20

241 12 0
                                    


"Goodmorning pilipinas!!!" sabi ko at bumangon na. Syempre ginawa ko ang daily routine ko.

Lanja ang ikli ng palda namin >____<

Bumaba na ako at pumunta sa kitchen. Kumuha lang ako ng milk at cereal.

"Ohh. Ang aga mo namang magising?" Si Manang pala.

"Goodmorning Manang. Asan sina Mommy?" Sabi ko sabay subo ng kinakain ko.

"Umalis silang dalawa kanina pang 4:00am, may meeting sila sa Baguio at sa may Ilocos. Aba eh, isang linggo raw sila roon." Mahabang sabi nya.

Hmmp. Halos wala atang time sina Mom at Dad sa amin ah? Pero ayos lang. Alam ko namang ginagawa nila yun para sa amin.

Di nagtagal bumaba na si Kuya.

"Morning Kuya" sabi ko tumango lang sya at derederetso sa labas.

"Kuya, san ka pupunta?" Sabi ko at hinabol ko naman sya agad.

POK!


"ARAY NAMAN!??" sabi ko sa kanya ng batukan nya ako.

"Nalimutan mo na ba ang mga bisita natin ah?"

Ay oo nga pala, andito nga pala sina Renzo. Aiistt. Grabe namang pagkalimot ko aba.


"S-sorry naman" at naglakad na kami papuntang guest house.


Nakita naming nasa side ng pool si Nicole. Hindi nya kasama si Jin ah?


"Goodmorning!" Masiglang bati nya ng makita kami.


"Morning" bati naming dalawa ni Kuya.

Umakyat naman ako papunta sa kwarto ni Renzo. Iniwan ko muna sina Kuya at Nicole dun.


Nang kakatok na ako, biglang may lumabas sa room na katabi ni Renzo.

Isang gwapong nilalang na ow so hot--- este si Jin lang pala.

"G-goodmorning" sabi ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dyan?" Parang galit na tanong nya.

Duhh malamang kakatok, kita naman siguro sa pwesto ko.

"Ahm. Kakamustahin ko sana si Re--" at bigla syang naglakad papuntang elevator at pumasok na.

Abat bastos yun ah?

JIN'S POV

   Bakit ganon? Nainis ako bigla? Ano bang pakielam ko kung kakamustahin nya dun si Renzo.

"Haiist tsk" inis akong naglakad papunta sa pool area dahil andun si Nicole.


"Tristan, balikan mo na ko"


Teka si Nicole at si Tristan yun ah? K*%g *na anong ginagawa nila?


Nakapulupot lang naman ang braso ni Nicole sa leeg ni Tristan.


Nagtago ako para hindi nila ako masyadong makita.


Nakita ko namang inaalis ni Tristan ang pagkakapulupot ni Nicole sa kanya.

"Hindi na kita mahal Nicole." rinig kong sabi ni Tristan at umalis na.


Nasasaktan ako na parang gusto kong suntukin ang pagmumukha ni Tristan. Pero hindi. Kaibigan ko sya.


"Tristan sandali!" Nakita ko namang hinabol ni Nicole si Tristan. "Mahal pa rin kita".


Liningon ni Tristan si Nicole. 

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon