Nagising na ako at ginawa ko na ang daily routine ko. 4 am na ng umaga.Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng hotel.
Nakita ko na ang butler ko doon. Pinasakay na nya ako sa loob.
"Saan po ulet kayo pupunta" tanong ng butler ko.
"Hmm sa New York po"
Pumunta na kami sa kung saan ang babaan ng Helicopter namin.
Nag ring ang phone ko at si kuya Tristan iyon.
Jin's POV
Tanghali na ng magising ako. Kumuha ako ng ilang pagkain sa ref at umupo sa may salas.
Nagring ang phone ko at nakita ko si Tristan na tumatawag.
"Hi dude"
[ So, hindi mo pala sinamahan ang kapatid ko? ]
"Nah, kaya nya naman eh. Tska may date kami ni Nics mamay--"
[Gago ka ba? Sana man lang simahan mo sya, MANHID KA! Tarantado]
At nagend na sya ng call.
Srsly? Manhid ako? Argh. Puro problema talaga yang si V. Nagsumbong pa talaga sa kuya nya.
Natapos ang mahabang araw at kakatapos lang namin mag date ni Nics.
Sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa New York para sundan si V don. At sabi nya sa akin, susunod daw sya sa akin. Ang saya ko talaga sa kanya.
Nakatulog na ako at bukas lang, aalis na ako para sundan ang V na yon. King ina, lagot sa akin yon. Sumbong pa sya ah.
V's POV
Lumapag ang helicopter ko sa isang napakalawak na resort.
Ang laki, at ang ganda ng beach nito.
Nagcheck in na ako sa hotel dito at pagtapos kong ilapag ang mga gamit ko doon lumabas ako at naupo sa white sand doon.
Wala msyadong tao dito. Private ang lugar na ito.
At katulad ng ginawa ko sa Seoul Korea. Nag gala gala ako dito, at nag take ng pictures.
Papauwi na ako ng mag ring ulet ang phone ko.
Si Jin.
"Anong kailangan mo"
[ Andito na ako]
"Saan? "
[San pa edi dito sa may beach dito. Hindi ka ba nagbabasa ng mga texts ko.]
"Hindi ko naman alam, dahil busy ako dito."
At nag end na ako ng call.
Nakita ko si Jin na nakaupo sa isa mga chair doon sa hotel.
"Buti naman at sumunod ka" sabi ko at nilagpasan ko ulet sya. "Mag check in ka na, yung sarili mong kwarto ah" pahabol ko pa.
"Hoy teka, bakit ka nagsumbong sa kuya mo ah?" at anong pinagsasabi ng mokong na to
"HUH? Ano ako? Hindi ako nagsusumbong doon"
"Eh bakit alam nyang ikaw lang magisa ang naglalaboy"
"Nagtanong sya, sinagot ko lang!"
"Fck!! BULLSHIT!!!" Sigaw nya. "Pabigat ka talaga eh noh?"
Biglang tumulo ang luha ko. Nagulat namn sya sa nakita nya.
"Edi sana hindi ka na lang sumama sa akin una palang" at tumakbo sa palabas ng hotel.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapaluhod na ako. Itinigil ko na ang pagiyak ko. Pero hikbi parin ako ng hikbi.
Nakita kong may tumabi sa akin na isang babae. May idad na din ito. At sa tingin ko Filipina sya.
"Ahm hello. Nakita kong nagaaway kayo nung lalakeng kasama mo"
Hindi ako sumagot sa kanya.
"Ano mo sya?"
"Ka-kaibigan" sabi ko sa kanya.
"Handa akong makinig" hindi ko sya nagets kaya tinignan ko lang sya.
"Haha, magkwento ka kung anong mga nararamdaman mo sa kanya or so what ever pa" nagkwento na ako sa kanya. Sabi kasi ng iba mas makakagaan ng loob kung sa stranger mo sasabihin.
At kinuwento ko lahat sa kanya. Simula sa una, kung pano ako nasaktan ng hindi ko alam, kung panong may wierd na bigla na lang ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Hmm. Mahal mo na nga sya. Kung ako sayo, sasabihin mo na sa kanya yang nararamdaman mo. At wag kang matakot kung ano man ang sabihin nya."
Sasabihin ko talaga dun? Agad agad?
"Tingin ko, wala ka talagang experience dyan. Tska mukha kang boyish. Magpaganda ka. Swear, baka mag kagusto sya sayo."
At umalis na sya.
Lumipas ang 1/2 months at uuwi na kami sa Pilipinas. Miss ko na ang kapatid ko.
Pagtapos ng pagaaway namin ni Jin hindi na sya nagpakita.
Lumapag na ang helicopter ko sa may Guest's Condo namin. Gabi na din akong nakauwi.
Sabi ni kuya nauna na daw syang umuwi kahapon pa.
Dala dala ng mga made ang pinamili ko. Buti nga at hindi pa umabot ang kalahati ng pera sa nagastos ko.
"Hi V" salubong sa akin ni kuya at nagyakapan kami.
"Kuya namiss kita" sabi ko sa kanya.
Kumain na kami ng dinner at umakyat na sa kanya kanya naming kwarto. Sabi ni kuya bukas na nalang daw ng uwian nya ibibigay ang pasalubong ko kaya natulog na ako.
KINABUAKSAN
" V tanghali sched natin ngayon" sigaw ni kuya sa labas.
Naligo na ako at nagbihis.
Time for some change
Sinuklay ko na ang maganda kong buhok at naglagay ako ng cream sa mukha. Well, nagsearch ako sa youtube kung pano mawala ang mga pimples ko sa mukha.
Pumuti din ako. Dadaan ako sa parlor mamaya para magpakulay ng buhok. Maaga pa naman.
Kumain na ako at halatang tulala si kuya sa akin.
Sinabi ko sa kanya na may pupunthan lang ako sandali. Tanghali namn ang sched. namin ngayon.
Pumasok na ako sa parlor. Sinabi ko na ang dapat na gawin.
Pinakulayan ko ang buhok ko ng light yellow blonde. Straight na naman ang buhok ko. Pero sa ibang araw na ako mag pa rebond.
Umuwi ulet ako sa bahay para magbihis ng uniform.
Nagulat sa akin si kuya.
"Wow, ang ganda mo naman binibini. Anong pangalan mo"
Natawa ako sa sinabi ni kuya.
"Ano ka ba kuya ako lang to"
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis na.
Pagbaba ko ng hagdan, andon na si kuya.
"Ikaw ba talaga ang kapatid ko? " at parehi kaming natawa.
"Tara na kuya, baka ma late pa tayo" at sumakay na kami sa sasakyan.
Dumating na kami sa school at symepre kahit tanghaling tapat ang daming babae na nagaabang sa kanila.
Bumaba na kami sa sasakyan. At nagkita kita kami ulet.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionApat na lalake at isang babae. One of the boys nga! Mainlove kaya si girl sa apat na: *The Playful Trickster *The Stoic Cool Guy *The Dogged Nice Guy *The Cute Sweet One Malalaman nyo na lang. Just read na lang po ^_^