Pagkatapos ng kainan namin sa bahay nina Renzo ay umalis na kami.Excited na akong magpunta sa bahay.
"V , igala mo ko sa mga park doon ah" sabi sa akin ni Renzo.
"Oo naman noh" sabi ko naman. Napatingin naman ako kina Jin at Nicole. Ang sweet nila.
Hmm. Wag ko na lang kayang sabihin sa kanya. Mamaya mapahiya pa ako.
Hmp, sige di ko na lang sasabihin. Bahala na sya.
Maya maya ay dumating na ang private plane nina Renzo. Sabi nya sagot na lang daw nya ang transportasyon namin.
Naupo na ako sa seat na malapit sa bintana.
Renzo seat next to me. At may inabot sya sa akin.
Isang box na maliit.
"Ano to?" sabi ko sa kanya ng nagtataka.
"Open it" kalmadong sabi nya.
Binuksan ko yun at wowww. Isang red velvet na cupcake.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Thank youu. Haha" sabi ko at kinain ito
" Your always welcome baby V. Gawa yan ng chief namin sa bahay. Binaon ko yan para sa akin"
Natigilan naman ako sa pagsubo. At napatingin sa kanya.
"Kidding. Sige na ubusin mo na yan" sabi nya at tumayo na. Sumunod naman ako sa kanya.
"Say ahhh"
"Huhh" napaawang ang bunganga nya kaya sinubo ko sa kanya yung natirang cup cake. Nagulat naman sya at natawa sa huli.
"Whoah. Ang sweet naman ohh" sabi ni Kirt.
Napansin kong nakatingin na pala sa amin ang lahat.
Nakangiti silang lahat, except Jin? Si Nicole naman nakangiti pero hindi sya sa akin nakatingin.
Baliw na ata.
"E-ehehe" nasabi ko na lang. Napaupo agad ako sa seat ko.
Akala ko natutulog sila.
Makalipas ang ilang oras, andito na kami sa pilipinas.
"I miss philippines!" Sabi ni Renzo.
Malamang ilang years ka ba namang hindi bumalik ehh.
"Punta na lang kayo sa bahay kung may kailangan kayo" sabi ni kuya at nagsi uwian na sila.
Naiwan naman sina Nicole, Jin at si Renzo.
Umuwi na yung apat. May date daw sila.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" sabi ni kuya sa kanilang dalawa.
"We stay at your house in a while" sabi ni Jin. Todo ngiti naman tong si Nicole.
"Ow. Me too. Dun sa may Guest house nyo" sabi naman ni Renzo.
At pumasok na kami sa bahay namin.
"Ommo V!!! Tristan!!! I miss you babies!" Sabay yakap sa amin ni Mommy.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionApat na lalake at isang babae. One of the boys nga! Mainlove kaya si girl sa apat na: *The Playful Trickster *The Stoic Cool Guy *The Dogged Nice Guy *The Cute Sweet One Malalaman nyo na lang. Just read na lang po ^_^