Simula

139 5 0
                                    

Simula

Lorenzana

Tumatakbo ako sa corridor ng school habang umiiyak. Nakita ko ang paghawi ng mga estudyante ng dumaan ako. Malabo ang mga mata ng tinungo ko ang laboratory room at agad ko naman nakita si Abby na naka-abang sa pinto.

"Nasia, anong nangyari sayo?" Kita ko ang gulat sa mga mata ni Abby ng makita ang ayos ko.

Binalingan niya ang loob ng laboratory room bago binalik ang tingin sa akin. Inalalayan niya ako palabas ng pinto at pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Basa ang mukha dahil sa luha, namumula ang mga mata, at pinanghihina.

This is my first heartbreak but this is not our first breakup that's why I don't understand why it has to be hurt like this.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan ang braso ko.

Mas lalo lang akong naiyak sa tanong niya.

"He-Henry broke up with me."

"Ano?! Na naman? Pa--paano? Bakit? Kaylan daw kayo ulit magkakabalikan?" sunod sunod na tanong niya na para bang walang nakakabahala sa sinabi ko.

Mas lalo akong naiyak sa naging reaksyon niya.

"Abby! This is serious! This is different than our last break ups!" Giit ko. Pinipilit na seryosohin niya ang sinabi ko at maniwala sa akin.

I cried again remembering what happened earlier. We've been in a relationship for one and a half years, at hindi ko alam kung ano ang problema niya kung bakit niya naisipan na break-an ako.

Natulala ako sa mukha ni Henry ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Mali ba ako ng dinig?

"Bakit?" I asked almost in a whisper.

He kept his head down and refused to look at me. I took a step forward but then stopped when this time he looked up at me. Namumula ang mga mata at kita ang lungkot at pagod duon.

The violent wind blew causing my hair to fly backwards. We were here on the rooftop because he said he had something important to tell me. I even thought he had a surprise for me dahil hindi naman kami madalas dito sa rooftop, pero ako ata ang nasorpresa sa sinabi niya.

"We should stop, Nasia... I can't." Umiling siya.

Umawang ang labi ko at naramdaman ang init sa aking mga mata.

"I'm sorry. We need to break up." Ulit niya pa sa naunang sinabi kanina.

"Wh-why? I don't get you, Henry." Ngumiti ako kahit hilaw na ang naging ngiti ko.

"Let's break up."

"Pero bakit? May problema ba?" I asked calmly and stepped closer to him but he backed away.

Napakurap ako sa ginawa niya. May dumaang kirot sa aking dibdib.

"Mag break na tayo--"

"Is this a prank?" Pigil ko sa kanya.

Why don't he tell me the reason so I could understand. Ang ayaw ko sa lahat ay yung ganito na bigla nalang nakikipag hiwalay out of nowhere. Wala naman kaming pinag-awayan, we were fine earlier. Kaya hindi ko siya maintindihan.

I waited for his answer but he gave no reason.

"Your pranking me. Asan ang camera?" I asked.

I look around to look for the camera. Pero saan nga ba pwedeng itago ang camera dito sa rooftop? I can't even find a place to hide it, except for the broken chairs that were scattered and stored around the right corner of the rooftop.

Mine ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon