Kabanata 42

37 2 0
                                    

Kabanata 42

Runaway

I can still recall how in love we were yesterday. I believe all he says and does because he acts so darn good. I believe his feelings for me but I realize it's all a lie. I believed that were destined to be together, but I guess we aren't. I know I'm broken but I must face tomorrow alone.

Time goes by so quickly, and everything turn like a whirlwind. Nagising ako ng maramdaman na may humahaplos sa buhok ko.

"You're awake." Boses ni mommy. "You feel better now?" Marahan na tanong niya habang nagpapatuloy sa paghaplos sa noo ko.

I smiled lightly on her.

"How's my baby?" Namamaos na tanong ko.

"Your baby is safe, my dear. Don't worry. The doctor advised you to avoid stressing yourself since it will be bad for your child." Malambing na sabi niya.

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Akala ko noon ang dahilan ng madalas na pagkakahilo ko ay dahil sa pagod. Ni hindi ko naisip na mabubuntis ako lalo pa't nagtake naman ako ng pills. Saka ko lang naalala na may mga pagkakataon na nakakalimutan kong uminom.

Nang malaman ko na buntis ako ay sobra sobra ang pagsisisi ko. At sobra sobra din ang galit ko kay Appolo at sa lahat ng taong may kainalaman sa muntik ng pagkakapahamak namin ng anak ko. Kung alam ko lang na makakasama sa akin ay hindi na sana ako dumeretso sa bar para puntahan si Appolo. Muntik na akong magahasa ng sarili kong driver! Kaya pala masama ang pakiramdam ko sa kanya dahil ito ang gagawin ng hayop na yun!

Ngayon naman ay nagagalit ako sa sarili ko dahil muntik ko na namang mapahamak ang anak ko. Hindi ko maiwasang magalit sa tuwing naaalala ang mga nangyari ng nakaraang tatlong buwan. Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing mag-isa ako. Hindi ko maiwasang mabigo sa tuwing naaalala ko ang pinagsamahan naming dalawa ni Appolo. Ang sakit ng nangyari ay paulit ulit na bumabalik at nanatili itong nakaukit sa akin.

"Hush now, Nasia. Hindi makakabuti sa bata kung lagi kang malungkot at stress." Si mommy habang hinahaplos ang likod ko habang umiiyak.

Pagkatapos akong isugod sa pinakamalapit na ospital ng mga rescuer ng gabing iyon ay nakumpirma ng doctor ang pagdadalang tao ko. Ibinalita iyon sa akin ilang oras pagkatapos akong I-check at lapatan ng panlunas habang wala akong malay.

Hindi naman malala ang tama ko. Tumama ang ulo ko sa front seat kaya ako nawalan ng malay. May konting gasgas at pasa lang ako pero wala namang serious damage sa akin.

Madaling araw na ng magising ako at naruon sila Tita Auster, Tito Sam, at ang dalawa kong pinsan na si Flor at Kuya Tyro, ngunit wala si Daddy dahil nasa labas siya ng bansa, kaya naman, sila din ang nagbantay sa akin at nag-asikaso sa aking kaso.

Kumalat ang balita tungkol sa muntik ng panggagahasa sa akin at pagkakadisgrasya ng sasakyan ko ng gabing iyon. Ang mga pulis ay kasalukuyang nasa labas upang hingin ang statement ko sa nangyari.

"Can't they just wait?!" Iritadong sabi ni Tita Auster.

"Dad, may mga reporters din na naghihintay sa labas ng ospital." Si kuya Tyro na kapapasok lang ng kwarto ko.

"It's okay. They can't get in. The security and our body guards are outside to guard." Si Tito Samuel.

"How 'bout the police, Dad?" Iritadong sabi ni Kuya Tyro.

"Don't worry. I'll handle them." Si Tito Samuel habang nakakunot ang noo at umigting ang panga ng tumalikod upang lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako.

"Tita, it's okay. I'll give them my statement, so they can stop from bothering us." Sabi ko para matigil na sila sa bangayan dahil kanina pa sila sa labas.

Mine ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon