May Extra Dahil Special Kayo

1.9K 46 17
                                    

Ultimate flashback, two decades ago.

****

"Mom, I am really bored na po." nagmamalditang turan ng batang Xenaiden, naka-pigtails ang lagpas balikat nitong buhok, nakahalukipkip at kala mo future CEO ng korporasyon nila kung makasimangot.

Humagikgik si Gng. Saavedra sa tinuring ng bunsong anak at piniga ang namimintog na mapulang pisngi, lalo itong sumimangot at umirap-irap. Inborn na maldita talaga, bungal naman ang front teeth.

"Sugar, we just arrived like 10 minutes ago! Where did you get that impatient nature of yours?!" Nahihiwagaan nitong saad sabay lingon sa mga kapwa nila bisita. Um-attend lang naman sila ng sossy na pagtitipon ng ultimate billionaire business man na si Conrad San Antonio, kumpare nila ito at kaibigan ng bawat anak nila ang isa't-isa, ang mga batang sina Xanthippe Saavedra at River San Antonio.

"Hmmpft! I wanna go home, mommy! I wanna watch my Barbie Collections at home pa!" Matinis nitong hayag sabay takbo.

"Xenaiden anak!" Sigaw ni Gng. Saavedra ngunit mabilis pa sa pang-ghost sa'yo nung ito'y tumakbo. Napailing na lang ang ina ne'to, hindi naman ito makakalabas kasi duh, imagine sobrang yaman ng nagpa-fancy party pero wala man lang 6 footer na bortang body guards, kakahiya 'yun!

"Mommy is so kill joy as ever." Nang mapagod kakatakbo, hindi na na-realized ng batang malds--Xena na nakatapak na ang mamahaling Prada shoes ne'to sa mabuhanging playground ng mga San Antonio, mukang dito rin pinugad ng mga shalang magulang ang kanilang mga inakay.

Agad na narimarim ang mayamang bata sa dungis ng dalawang babae habang naglulutu-lutuan ng mga putik, dahon at bulaklak ng gumamela na nagsilbing hotdog.

"Why are they look-like a newly-wed couple, ugh whatever. I am leaving!" Bilang isa siyang Saavedra--

"On the second thought, I want them to notice me, like hello it's such a blessing to have a gaze of me." She flipped her hair at parang Ms. Supranational na rumampa-rampa, ngunit sa kasamaang palad.

"Ugh, why parang may sarili silang mundo! I hate them." Padarag na umupo ito sa swing at nag-krus ng kamay, nagsalubong ang kilay nito habang pinakatititigan ang dalawa.

"Hmmmp, such a shame that I am still young to dye my hair. I want her blonde hair so bad." Naka-pout na bulong nito sa sarili habang minamasdan ang batang may bob style na buhok, it was dirty blonde na lalong tumitingkad dahil sa tirik ng araw, for sure amoy araw rin ito pero hindi halata dahil maayos ito manamit, naka-jumper at sneakers habang naghahalo ng putik sa bao na God knows saan nila nakuha.

"Eww, what are they even doing?! All people here are surely rich! Oh my God, that's what I saw when we fetch Daddy at our on-going condo site! The smelly construction workers!" Hindi mapanawan ang diri ne'to, paumanhin po mabuhay po kayo mga minamahal naming karpintero.

Dumako naman ang tingin nito sa batang babaeng sobra ang ngiti kahit wala namang ginagawa ang kalaro nito, her gray eyes are sparkling in amusement, habang nakalugay lang ang mahabang straight na buhok nito na halatang alaga at walang lisa.

"It's annoying naman! Why she's staring at her like as if they've been into ten marriages!" Hindi niya malaman bakit ba siya naiinis at parang tangang nama-magnet ang tingin niya sa batang blonde ang buhok. She bit her lip when she felt like her heart suddenly beat in erratic way.

Bigla siyang natakot sa pag-aakalang aatakehin siya sa puso, no girl you're just gay. Init wait labas ko abaniko ko.

Dahil sa nerbyos, padarag itong nag-swing muna saka tumayo, pagkagaling sa wakas mapapansin ka na rin Xenaiden, sukat ba namang malaglag una baba.

Falling LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon