Leaf's P.O.V.
Tamang tambay lang ako sa bahay, nag-aantay ng tawag ng opisina, kakatapos lang naman ng interview ko sa ina-applyan kong hospital. Feel at home ang lingkod niyo dahil walng asungot, wala si Leira na nag-mamaganda, nasa kaniyang mga kaibigan, nawa'y huwag naman sana sila uminom ng shembot! Dahil baka pag-uumpugin ko sila! Walang imbita ganun?!
Kinuha ko ang boybawang sa platera at isinalin sa mangkok, nagtimpla ng nestea apple at siyempre, inilagay sa basong may ice tube, hays, miss ko na si Ice. Walang paramdam, huwag siyang magpapahuling may kalaguyo, kung hindi ay pagbubuhulin ko sila!
Kapal ng mukha mo, Del Fiero, eh hindi mo nga mahaplos ni buhok nun! pagbuhulin pa sila nung kung sino man ang kasama niya! Mag hunos-dili ka at magnilay-nilay! Que Horror!
Napa-irap na lang ako sa isinisiwalat ng kabilang bahagi ng isipan ko.
Binuksan ko ang telebisyon at saktong It's Showtime, taimtim lang akong kumain ng boybawang habang nakataas ang paa ko sa lamesita. Pa maya-maya'y, naisipan kong damputin ang telepono ko, pagka-swipe ko, tila may sariling utak ang mga daliri ko at pinindot ang photos, tapos ang screenshot folder, habang nag-loloading siya, sumimsim ako ng juice, dahil baka tumabang, sayang naman ang effort, kung sa huli mawawala ang tamis.
Por Dios, Del Fiero! Huwag kang humugot diyan! Naghihintay kami ng iyong gagawin!
Juice ang pinag-uusapan dito! Walang patungkol sa pagmamahal! Manahimik ka!
Pinindot ko ang litrato ni Saavedra, na naka-ehem medyo revealing, hindi ko rin alam kung bakit ito ang pinindot ko at ini-screen shot.
Isa kang mahalay na nilalang!
Hoy, hindi ako ganun! Isa akong wholesome na tao noh!
Wala pang ilang saglit, puminta ang ngiti ko, nag-kasya sa pagsulyap sa maganda niyang mukha, sabay balik na naman sa nakaraan, hay, kelan ba ako makaka-move on sa'yo, Saavedra! Hindi mo man lamang kasi pinag-kaloob ng puso mo sa akin, ay anong kahalayan ba ang sinasabi ko?!
Nakatulala lang ako sa maganda niyang larawan ng biglang nag-ring ang messenger ko, napa-gitla ako at muntik ng mabitawan ang aking telepono, naku mas mahal pa ito sa buhay ko! Binigay lang to ni Ice!
Tumatawag ang dati kong teacher sa college noong nag-aaral pa ako sa McLemore, ano naman agenda nito, isandaang porsyento akong may kailangan to!
I cleared my throat before answering.
"Hello Good Afternoon, Sir Buencaflor?" galang-galangan kong bati.
"Hi, Ms. Del Fiero. How are you? It's been a long years..."
I laughed awkwardly, daming segway sir?!
"Oh, I am absolutely fine, Sir. Uhm, what can I do for you.." I hear he clicked his tongue.
"Are you free tomorrow?" Don't tell me, ide-date niya ako?!
"Uh, I think Sir." I heard he breathes in relief.
"I badly need your help, thank God you are here now in Philippines!" I just agree with him, ano ba kasi papagawa niya.
"Yes, Sir. So what do you need from me?" Impatient kong sabi dahil nakakabitin, kumakain ako ng boybawang tapos may iistorbo.
"Can you please be the guest speaker for our seminar tomorrow? I heard your good records from Australia, you graduated with Latin Honors, and your thesis was award winning. I am so proud to your achievements and confident at the same time that, you can speak up against Emotional Awareness of people.." Napatango na lang ako, hmm interesting, although, marunong naman ako mag-discuss/lecture, naging part-time educator naman din ako, so why not? Habang wala naman akong ginagawa.
BINABASA MO ANG
Falling Leaves
RomanceXenaiden Saavedra is extremely rich, brat, beautiful and popular at their prestigious university where their family is part owner of it. Mostly students are fascinated by her, some are envious of her beauty and many are disapprove of her attitude. U...