Chapter 28: New Start

4.8K 179 36
                                    


"Saturn, let's go to park.." May humila sa batang si Leaf na cute na bata, itim ang buhok hindi ito ganun kaputi katulad niya, ngunit napakaganda nito at mapaghahalataang mayaman.

"Snow! Sige, paalam lang ako kay Mama.." Masiglang sagot nito.

"I'll come with you.." ngumiti ito at tumango lang ang batang Leaf. Tumakbo sila papasok sa bahay kung saan nakatira si Leaf.

"Mama, maglalaro lang kami ni Snow sa park.." cute na ngumiti ito, napahagikgik naman ang magulang nito.

"Oh siya sige, ikaw Snow, ask permission to your dad and mom there.." sabi ni Ginang Del Fiero at tinuro ang mga magulang niya na nakangiti at nakatanaw sa dalawang bata.

"Dad, can I go with Saturn at park?" Nahihiyang tanong niya sa ama niya, tumango ito at ngumiti.

"You can go ahead.." sumenyas ito na maaari na siyang umalis. Napatalon ang dalawa sa galak at magkahawak kamay na pumunta sa palaruan.

"Saturn, I have a doll here, can we play family-like?" Ngumiti ito na at nagtataka lang siya tinignan ng batang Leaf.

"Ha? Eh paano yun? Parehas tayong parents? Parehas tayong girl?" Napa-isip rin si Snow sa sinabi nito at maya-maya'y lumawak ang ngiti.

"We can be both moms!" Napahagikgik ito ng mahinhin, napangiti rin si Leaf.

"Sige, sige!" Sinimulan nilang pakainin ito, suklayin, bihisan at patulugin ito.

"Saturn, I want to be with you forever.." namula ang pisngi ng dalawang pitong taong gulang na bata.

"A-ako rin.." sagot nito.
"If I grew up, you will be my girlfriend.." nanlaki ang mata ni Leaf, sa murang edad ay mulat na sila sa pagnonobyo-nobya.

"Huh? Pwede ba yun?" Nagtatakang tanong nito. Napataas ang dalawang kilay ni Snow.

"Pwede yan!" Sagot nito, nagkatitigan ang dalawa. Kumikinang ang kanilang mga mata habang tumama ang sinag ng papalubog na araw.

"Snow, sweetie, we need to go home!" Sigaw ng mama ng batang si Snow, napanguso ito at padarag na tumayo bitbit ang anak-anakan nilang manika. Tumalikod ang ina nito at kinausap ang ama niya, isang magandang pagkakataon upang halikan niya ang mamula-mulang pisngi ni Leaf.

"I'll see you na lang, Saturn." Kumaway ito sa tulalang bata, napahawak si Leaf sa pisnging ginawaran ni Snow ng halik at napangiti sa ka-sweetan nito.

Leaf's P.OV.

"Hmm" kumunot ang noo ko, mahapdi ang mata ko matapos makakita ng ilaw. Napahawak ako sa ulo matapos makadama ng sakit, bigla kong naalala ang pangyayari kagabi, umupo ako at nakaramdam ng panghihina, uhaw na uhaw rin ako.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Wayne.

"Leaf! Gising ka na, wait tatawagin ko ang doktor." Agad itong lumabas, hindi man lang ako inabutan ng tubig! Peste talaga. Si Leira, nasaan siya?!

Pumasok ang doktor kasunod ng nurse. Chineck nila ako.

"Wayne, nasan si Leira." Malungkot niya akong tinignan, sinalakay ako ng kaba.

"I'll talk to you later, you need to finish first your check-up.." seryosong sabi nito, napatango ako.

"Okay Ms. Del Fiero, your vital signs are perfectly responding, you are good to go.." anunsyo ng doktor, ngumiti ako at nagpasalamat.

"Just, don't stress yourself too much, avoid things that make you stress.." paalala nito, bigla kong naalala si...Xena, parang may tumusok sa dibdib ko. Tsaka isama na rin ang bayarin dito sa ospital, lalo ata akong na-stress.

Falling LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon