Chapter 19: Admit it

5K 202 18
                                    

Leaf's P.O.V

"Bwiset, walang pumapasok sa utak ko! Eh, bakit pa nga ba ako mag-rereview, di naman ilalagay ni Barasigan to sa quiz natin?! Ahhhhh!!!!" Sa totoo lang, kung hindi ko lang ito kaibigan, ay kanina ko pa ito pinadampot sa van na puti na kumakalat ngayon.

Nadama niya siguro ang matatalim na titig ko sa kaniya, ngumiti ito ng alanganin at nag-peace sign pa. Napansin niya na unti-unti kong nirorolyo ang makapal na reviewer, nanlaki ang mata niya at napalunok.

Wag niya ako umpisahan, pagod ako sa raket ko kagabi.

"Uy, fren, maghunus-dili ka. Matitiis mo bang kitilan ng buhay ang magandang dilag na nasa iyong harapan?" Nag-beautiful eyes pa siya, ang sagwa. May pandidiri ko siyang tinignan at napailing na lang ako sa taglay niyang kaartehan.

"Pwede naman sigurong manahimik ka diyan at mag-review, napaka-taklesa mo, parang yung kabanda ko." Komento ko sabay balik sa binabasa ko, naaalala ko si Axle sa kaingayan niya.

"Uy, pogi ba yan?!! Ahhhh, i-reto mo ko." Maharot niyang sabi sabay pulupot ng braso niya sa akin. Ano bang kalandian---

"Hindi, maganda kasi yun.." Napangisi ako sa pag-lukot ng mukha niya.

"My God naman friend, tanggap ko namang you bat with the same team, wag mo na ako idamay!" Ano bang pinagsasasabi nito?

"Ano?" Konpyus kong tanong. Umirap ito ng matindi.

"Ewan sayo Del Fiero, napaka-slow mo. Sarap mong batukan. Mas una ko pang nalaman kesa sayo. Dios Mio Marimar. Pero wag ka mag-alala fren, nauunawaan kita." May pag-iintindi niyang tinapik ang balikat ko. Hindi ko siya maintindihan, isa siyang abnormal. Nakakalungkot isipin. Hindi na natuloy pa ang pag-uusap namin dahil dumating na si Sir na lukot ang muka, patay badtrip siya, damay-damay na ito..

_________________________

"Grabe si Barasigan, ang hirap ng quiz niya, pang finals ah!" Inis na sabi ni Dan, hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman, sumakit ulo ko sa pinasagutan niya. Bahala na kung bumagsak!

"Ligwak ako neto, patay ako kay Lolo!" Pagmamaktol niya pa. Sa kanilang pamilya, pinaka-strikto ang lolo niya, very righteous and ethical. He hates immorality. Kabaligtaran ito ng magulang niya, napakabait at understanding.

"Umpisahan mo ng maghukay ng libingan, Dan" udyoko ko pa sa kaniya

"Excuse me, hindi ko yun gagawin. Bakit ako matatakot?!" Confident niyang sabi, wow.

"Uhm, ano bang magandang brand ng pala?" Nabura ang proud kong ngiti sa kaniya at natawa

"Seryoso??!!" Hindi makapaniwala kong hayag sa kaniya. Kinakaban siyang ngumiti sa akin.

"Hindi ka liligwak niyan, Dan. Tiwala lang sa katabi mo." Katabi niya yung nerd naming halos palitan na ang prof sa daming alam, brainy kid.

"Sino, si Castellar?! Eh nuknukan ng damot yun! Makita niya lang, pag ako pumasa sa quiz na iyon, isa siyang malaking "Hu u" sa akin" napataas ang kilay ko sa pinagsasasabi niya. Natutop niya ang bibig niya ng dumaan sa gilid namin si Shiva Castellar, weird ng name niya, match naman sa personality niya eh, she'a a destroyer. Tingin niya sa akin ay kakumpetensya niya sa klase, although, mataas naman ang lamang niya sa akin.

Kahit nahaharangan ng salamin ang mata niya, mababanaag naman ang taglay nitong ganda. Isa rin siya sa mga mayayaman sa paaralang ito. Matalim kaming tinignan nito at umirap paalis.

"Alam mo Leaf, siya lang yung nerd na kilala kong ma-attitude! Kala mo kagandahan!" Napa-flip pa ito ng buhok ss inis. Lunch break na namin at nandito kami sa gintong cafeteria. May baon akong pagkain at hinihintay ang matalak na babaeng bumili ng pagkain niya.

Falling LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon