Leaf's P.O.V.
It's been a week since that guy, Mediavillo confessed to me. I don't know if I'll regret it or dapat ba pinaunlakan ko ang nais niyang iparating. Isang linggo na rin ako nakakatanggap ng walang hupang panghuhusga mula sa mga tagahanga ng lalaking iyon.
I've been experiencing physical and verbal abuse from these students. May kumurot sa puso ko, ang diyosa, sa pangunguna niya, nagkaroon pa lalo ng lakas ng loob ang mga estudyante na gantihan ako; because I rejected the man of their dreams.
Naroon at sabuyan nila ako ng kung anu-ano, kung ano ang nasa kamay nila ay ibabato nila sa akin. They will say a lot of negative things about me. Pinaka-malala na may isang taong, nagpakalat na isa akong malandi at pakawalang babae, napakasakit. I tried to deny kung ano ang ipinagbibintang nila, but sa huli, ako pa ang mas nasaktan. They hit me, really hard. They also spread to the whole university that I have a daughter, seriously san nanggaling yun? That was a picture of me and Leira ng sinamahan ko siya sa family day nila sa school. I don't know why that happened. Hinayaan ko na nalang sila sa mga sinasabi nila, I know to myself that is not true.
Another hell day for me, that goddess. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na inis, heto na naman siya at naka-smirk pa. I stared at her blankly, may klase pa ako, ilang beses na rin ako nale-late sa mga ito. Walang magawa ang kaibigan kong si Dan, ayoko siyang madamay. Di bale, ilang taon na rin naman ay aalis na ako sa impyernong ito. Agad akong sinalakay ng lungkot ng maalala ko ang pangaral sa akin ng magulang ko
No matter what they do to you, wag mo silang patulan anak, nothing will happen.
Napatingala ako at pinipigilan ang luhang papatak na sa mata, I need to be strong. I've been through this, and I will overcome it again.
"Seriously, ang tibay mo ah!" Nangungutya niyang sabi, puno ng pag-aalipustang pinasadahan ako ng tingin, mula sa pasa na nasa braso ko, may dumaang emosyon sa mga mata niya, na karaniwang lumalabas sa tuwing dumadako sa parteng may sugat sa aking katawan. It's like regret pero namalik mata lang ako, alam kong kailanman ay hindi siya makakaramadam ni-katiting na awa sa akin, kung ano man yun ay pandidiri at galit. Napag-alaman kong, umiibig siya kay Mediavillo. Ramdam ko ang galit niya nang marinig ang lantadang pagtanggi ko sa lalaking iyon.
Umangat ang titig niya papunta sa mukha ko, hay naku naman, nakalimutan kong tapalan ng band aid ang kilay ko tsaka concelear sa pasa ko sa tabi ng lips ko. Napalakas ata ang pagsampal sa akin ng leader ng fans club ni Mediavillo, nakalimutan ko na rin uminda kung minsan. Bat ako matatakot? Napatawa ako sa naisip.
"Nasapul ba ang ulo mo at ngumingiti ka mag-isa? Ugh, just tell me if you're crazy and lumayo ka sa akin, I don't want to have an encounter with you!" Puno ng pandidiri niyang patutsada, tinangay ang ilang strands ng buhok ko, since nasa quadrangle kami at mahangin, inihawi ko ito at ngumiti sa kaniya.
Napalitan ang ngiti ko ng pagtataka na dahil natulala na ata siya sa akin, nagandahan ata? Imposible. "Ikaw nga ang lapit ng lapit sa akin, binibini." Pagsisiwalat ko, partly true naman. "Excuse me?! You're saying that I am s-stalking you?!!" Nanlalaki mata niyang sabi, pinagsasabi nito bingi ata?
"I never said that you're stalking me, ganda ko ata nun." Napatawa ako, kahit pilit lang. I don't want her to see me that I am affected on what's happening to me these past few days. "Ang nais kong ipahiwatig, ay ikaw ang lumalapit sa akin." Naglumikot ang mata niya.
"That's because I want to see your life here that falling apart and regret what you've done that day! You deserve it after all, hampaslupa!" Naka-cross arms niyang sabi. Walang gana ko siyang tinignan at napadako ang tingin ko sa ground; may nagbe-baseball. Nanlaki ang mata ko ng may paparating na bola sa direksyon ng diyosa, maagap ko siyang hinila palayo at ako ang tinamaan, sa kanang sentido ko. Argh! Nakaramdam ako ng hilo at bumagsak sa madamong bahagi at nandilim ang paningin ko. Huli kong narinig ang pamilyar na boses ng diyosa at ng isang lalaki; alam kong narinig ko na iyon dati.
BINABASA MO ANG
Falling Leaves
RomanceXenaiden Saavedra is extremely rich, brat, beautiful and popular at their prestigious university where their family is part owner of it. Mostly students are fascinated by her, some are envious of her beauty and many are disapprove of her attitude. U...