Chapter 15: Tutoring

5K 158 12
                                    

Leaf's P.O.V

"Dan, hindi ba kailangan ng staff sa Bookstore niyo? Or kahit utility man lang?" Hopeless kong sabi sa kaniya. She look at me in empathy, mukhang alam ko na ang sagot.

"Kahit gusto kita ipasok, pero wala talagang vacant kahit sa resto." Ngumiti na lang ako sa kaniya. She tapped my back.

"Wala ba kayong gig?" Tanong niya habang nag-aayos ng gamit, uwian na namin at maghahanap pa ako ng raket. Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Wala eh, matumal.." Isinukbit ko ang bagpack at tumingin sa relo. May time pa ako puntahan ang mga nilista ko mula sa dyaryo.

"Pasensya ka na talaga ah, Leaf. As soon as may umalis, irerecommend kita kay Mom.."

Sabay kaming lumabas ng room, nasa kalagitnaan kami ng hallway ng may walangyang humatak sa braso ko, aray huh. Kidnap? Pero pamilyar ang amoy niya, vanilla scent. Isang tao lang naman ang kilala kong brutal at ehem, mabango..

Xenaiden.

"Huy, ano ba wag mo nga ako kaladkarin!"

Hinihingal kong sabi, huminto siya saglit natural pati ako ay napahinto, she stared at me at bakas ang inis sa mukha niya, na natural na lumalabas kahit walang dahilan.

"You should be thankful because a goddess held you.." 

She proudly said tsaka nag-flip pa ng buhok, napangiti ako sa habit niyang yun. Hindi ako makakontra dahil totoo naman, kahit sino ang tumabi sa kaniya ay magmumukhang hampaslupa. Err, ansakit sa part ko huh.

"Ok sige, thanks your majesty." Sarcastic kong sabi and as usual, tumirik na naman ang mata niya sa inis.

"I've heard that you lost your job.." Mahina niyang sabi, nawala ang ngisi ko sa sinabi niya.

"Ah, oo nga, nagmamadali nga pala ako kasi maghahanap pa ako ng trabaho.." Inilipat ko ang mata ko sa relo, 30 minutes na ang nakalipas, paktay. Malalayo pa naman ang lugar na nasa diyaryo.

"I'd like to offer you a job.."

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Huh, di ko matatanggap yan.." Agad kong tanggi with matching iling pa.. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil tumaas ang kilay niya at sinamaan ako ng tingin.

"Baka kasi, isumbat mo sa akin.." mahina kong sabi, I know the fact that she hates me so much. I don't know, paranoid na rin talaga ako, sa dami ng pinagdaanan ko dito sa university.

Iniangat ko ang tingin at bakas sa mukha niya ang sakit. Gusto kong humingi ng tawad pero agad siyang nakabawi at umiwas ng tingin.

"I am not that wicked, Del Fiero. I just wanted to help you dahil may pinapaaral kang bata, she needs support.." She insisted, napabuntong hiniga ako, may punto siya. Bakit ba naisip ko na masama siya? Well infact, concern lang naman siya kay kay Leira. I feel guilty.

"Anong trabaho ba yan?"

"Be my tutor.." parang nahihiya pa siya aww, she's so cute. Dahil doon, napangiti ako with matching panlalaki ng mata at tumango na parang display na aso sa taxi.

"Okay, sige."

Napangiti rin siya na nagpatingkad sa kulay ng mata niya. God, why can be someone's so beautiful as her?

Nagkaroon kami ng staring contest, mahihiya ang kakanin sa sobrang lagkit. Parang lalo pa siyang gumaganda? Is this a sumpa?

Pawang nakaguhit ang ngiti sa mga labi namin, it was magical, I feel my heart that beating so loud, I am afraid that she might hear it.

Falling LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon