Chapter 30: Imahe

4.7K 183 40
                                    

Leaf's P.O.V

"Yo, Del Fiero, congrats girl!" Sabay tapik sa akin ni Paisely, Aussie kong friend dito sa obviously sa Australia. Ngumiti ako sa kaniya.

"Thank you, Paise!" I said cheerfully and fixing my hair. Maarte na ako people.

"You just got your license from being a psychologist, ugh so unfair that you got accelerated, smart-ass!" She said with an envy, I just laugh at her at bumelat.

"Too bad for you, Paise! You still need to study!" I teased her, she just groaned in annoyance. Nakatira kami along with Lei sa isang appartment dito, I was granted a scholarship at part-timer rin ako sa isang clinic. Honestly, sobrang hirap mamuhay dito sa ibang bansa, sama-samang lungkot at homesick! Although, binibisita naman ako ni Ice at Wayne, pero iba parin----

Kapag nakikita mo yung labidabs mo.

Hoy, wala akong labidabs!

Yung alam mo na si Ano.

Hindi ko nga siya naiisip!

Char, oo na! Naiisip ko pa rin siya, nakaka-miss ko na rin ang kasungitan niya. Alam kong napatawad ko na siya, pero ewan ko lang kung kaya ko na siyang harapin. Baka, mag-panic ako at reypin siya, char ulit! Kinuha ko ang keys ng car ni Paise, hoy, marunong na akong mag-drive! Susunduin ko si Lei sa school niya.

I turn on the engine and warm it up, ewan ko ba, sa tuwing naka-sakay ako sa kotse, naiisip ko ang hotness---I mean ang presensya ni Ano, basta siya. Napapangiti na lang ako dahil naalila ko rin pala siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko, iba ka talaga, Saavedra, kinilig pa rin ata ako sa'yo?! Mas marami pa ngang mas chicks sa'yo dito!

Joke lang, siya talaga pinaka-magandang dalaga, sa aking mata.. That lyrics suits her.

Napailing ako, umatras ako, pag-tingin ko sa rear mirror, may babaeng nag-jojogging, napa-preno ako, napahinto rin siya sabay tanggal ng earphone, lumabas ako ng kotse.

I hurriedly walks towards her.

"Miss, are you okay?" Nakatalikod ito sa akin, nahiya na naman ang stature ko sa tangkad niya, she looks sexy as well. She faced me, I think the time just froze.

Wow, ohlalala, ang ganda! I feel like drooling. Her eyes are so alluring, green and inviting.

She bit her lip, and she smiled. She held my chin tinulak pataas, ay shet naka-nganga na ako, tumalikod ako baka may umagos na laway, kadiri ka Del Fiero!

"Oh sorry, what was it?" Huwaw, dito ako magaling, kunwari walang nangyari.

"You're cute, I said I am fine, sorry for being unattentive" She show her cheerful smile, tumingkad ang kulay ng mata niya, wait I think I saw her somewhere.

"Natulala na naman siya, ang cute.." bulong niya, no way! Noypi rin?!

"Pinoy ka rin?!" Bulalas ko, napatakip siya ng bibig.

"No way! You don't look like one too!" She laughed, I feel my heart just melted, hindi lang siya pamilyar, she has resemblance of someone I really know. She looks like, Xena.
"You are too, pero pamilyar ka eh.. parang nakita na kita dati.." napatapik ako ng paa. She giggled, pakiramdam ko sobrang liwanag lalo na kapag ngumingiti siya, puti ng ipin, nakapagpadagdag pa sa appeal niya ang retainer niya. Mukha rin siyang mabait.

"Maybe in magazines?" She say and raised her eyebrow, mapapasipol ka talaga. Hindi eh, di naman ako nagbabasa nun. Umiling ako.

"Ah basta!" She laughed, ang hinhin, kabaligtaran pag ako tumawa, parang--- oo na, panget, masagwa pang-squatter.

Falling LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon