Kabanata 1

1.3K 51 42
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


~~~

Kakabukas lang ng isang Kolehiyo De Unibersidad, at sobrang dami ng mga estudyante.

Kabadong-kabado si Elsie Trinidad at medyo natatanga, dahil sa hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakapagtapos kasi siya ng highschool sa Amerika. Hindi naman siya iyong tipong Fil-Am na sosyal sa kadahilanang mag-isa siyang babae sa pamilya at gustong sanayin ang sarili na mag-isa at independent.

Maganda man kung susuriin, ngunit sa kalagitnaan wari'y hindi niya alam ang gagawin dahil bago lang siya sa Pilipinas at ito rin ang unang beses na mage-enroll siyang mag-isa. Ito rin ay kagustuhan niya kahit ayaw ng mga kapatid at kaniyang magulang, dahil sa gusto niyang patunayan sa sarili na hindi na niya kailangan ng stage parents at stage brothers.

"Miss, p'wede pasingit sa linya?" ito ang saad ng isang babae sa kaniya habang nakalinya siya para magpa-enroll.

"Sure!  Go ahead," sagot niya rito.

"Okay, wait lang, ha. May kasama kasi ako, e. Kung okay lang?" saad muli ng babae bago ito nagmadaling umalis.

Bumalik nga ito nang may kasama, ngunit hindi isa kun'di anim na mga kabarkada nito ang tuluyan sumingit na ikinadismaya nga ni Elsie, sapagkat wala ng oras. Malapit na rin kasi ang lunch break at hindi pa siya nakakapagpa-enroll.

"Excuse me, Miss. Linya ko 'to!" pagalit na sigaw ni Elsie.

"So? E 'di ba nga pumayag ka naman kanina? 'Di ba, guys?" Tumingin ito sa mga kasamahan na ikinatango rin naman ng mga ito.

"Akala ko kasi ikaw lang e. Marami ka pa lang kasama," sagot ni Elsie, ngunit imbes na pakinggan ay pinagtawanan pa siya ng mga ito, hanggang sa may kumalabit sa kaniya.

"Miss, do'n ka na lang sa puwesto ko. Kasi marami talagang bastos na tao rito," wika ng lalaking nangalabit sa kaniya. Hindi naiwasang magulat ni Elsie nang napalingon siya rito, ngunit kalaunan ay natuwa rin, naging dahilan tuloy iyon ng pagka-pikon ng mga nang-agaw ng linya kay Elsie.

Si Vincent Montenegro pala iyon, ang lalaking may mahabang buhok na abot baywang, at may bigote na sinusunod ang porma ni John Lennon nong panahon ng 1980's, at lalong-lalo na ang mukha. Pati salamin nito, hipster na hipster ang dating.

Sinunod naman ni Elsie si Vincent, sa pagmamadali ay nasuwertehan siya dahil sa nasa pinakaunang linya si Vincent kasama mga kaibigan o kabanda na mas lalong kinainggit ng mga nang agaw ng linya kay Elsie.

Pagkatapos ng Enrollment ay napag-desisyunan na rin ni Elsie na umalis dahil sa pagmamadali.

"Hindi ka man lang ba magpapakilala, o magpapasalamat man lang?" tanong ni Vincent sa kaniya. Napahinto at Napatalikod si Elsie.

"Okay, thanks. Pero wala na akong time e." Kaagad na tumunog ang kaniyang cellphone na mabilis niya namang sinagot. "Hello, Dad? Ito na, pauwi na ako. Wait niyo 'ko, okay?"

The LockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon