Simula nang dumating sa bahay si Elsie ay dumiretso kaagad siya sa kuwarto. Binuhos nalang niya sa pag-iyak ang lahat at niyakap ang mga damit ni Vincent bago niya ito ni-text.
{Daddy Vincent, hihintayin kita rito kung sakaling nabasa mo ang sinulat ko sa papel}
Hanggang sa gumabi ay wala pa rin si Vincent. Kaya binaha na niya ito ng text habang umiiyak pa rin.
Sa sumunod na araw, ay tinawagan na lang niya ito, ngunit out of service na ang cellphone ni Vincent. Hindi pa rin siya mapakali at pinuntahan nalang ang dating bahay nito, ngunit wala nang tao kaya nagtanong siya sa kapitbahay at nalaman na lumipat na sa ibang lugar si Vincent at ang pamilya nito.
Tuwing pumapasok din si Elsie sa unibersidad ay hinahanap niya si Vincent, ngunit hindi man lang niya nakita ni anino nito dahil sa palagi itong absent. Hindi rin siya makalapit sa mga kaibigan nitong sina Nano, Roy at Reynold dahil sa galit ang mga ito sa tuwing nakikita miski ang anino niya.
Naging depress si Elsie at puro iyak na lang ang ginawa sa mga nakaraang linggo. Sumunod na araw muli ay napag-isipan na ni Elsie na pumunta ulit sa simbahan, habang umiiyak.
"Mukhang tama nga ang hinala ko. Diyos ko, dumating na ako sa punto ng pinakakinatatakutan ko. Ang mag-isa na nagdadalang tao. Pano ko siya bubuhayin nito? Ang sakit-sakit na ng ulo ko, nasusuka pa ako. Sana malampasan ko na ang morning sickness na ito. Sana h'wag muna lumaki tiyan ko. Diyos ko tulungan niyo ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw ko itong ipalaglag at hihintayin ko pa rin si Vincent para malaman ito!"
Pagdating niya sa bahay, at tuluyan na niyang kinausap ang kaniyang mga magulang at sinabi ang katotohanan, "Mommy, sorry. Sana mapatawad niyo ako at inuna ko ang kaligayahan ko. Nagdadalang-tao na po ako. Patawarin niyo ko, Ma. Parang awa niyo na." Ikinaiyak ito ng ina, bigla namang inagaw ng tatay ni Elsie ang cellphone mula sa nanay niya at siya ay kinausap.
"Ipa-abort mo 'yang lintik ka at ituloy mo pag-aaral mo! Magiging magna cumlaude ka! Ituloy mo ang ipinangako mo sa amin!" galit na galit at hindi matanggap na sabi ng kaniyang ama. "Galit na galit ang mga kuya mo, sa ginawa mong kahihiyan sa pamilya! Hindi namin akalain na magagawa mo sa amin ito! Ipalaglag mo ang bata habang mas maaga pa kung walang balak ang ama ng magiging anak mo na pakasalan ka!"
"Dad, hindi ko siya mahanap, pero hinahanap ko pa. Sorry, hindi ko magagawa 'yon. Hindi ko kayang gawin ang inuutos niyo. Kasalanan 'yan sa Diyos at mahal ko pa rin ang ama ng aking dinadala. Nangako siya na aalagaan niya ako at ang magiging anak namin. Kaya hindi ko ipapalaglag ang anak ko ano man ang mangyari!"
"Kung gano'n ay nasaan siya!? Bakit iniwan ka niya?! Ni anino niya wala! Pinagkatiwalaan ka pa naman namin! Ang hirap isipin at tanggapin na may anak akong disgrasyada. Kung ayaw mo 'yan ipalaglag, puputulan na kita ng allowance at tingnan ko kung makakatiis at makakaligtas ka pang buhayin ang batang 'yan sa sinapupunan mo. Kaya mamili ka! Maging magna cumlaude o maging disgrasyadang walang kwentang babae! Kaisa-isa ka pa naming anak na babae at matalino! Sinayang mo lang ang lahat!" Biglang ibinaba ng ama niya ang cellphone kaya naiyak na lamang si Elsie.
Kinaumagahan, pagmulat na pagmulat ni Elsie ay tinawag niya si Yaya Anding para magluto ng kaniyang breakfast, ngunit may nakita siyang malitang nakalagay sa pintuan. Biglang nagpakita si Anding habang umiiyak.
"Yaya, ano'ng nangyari sa 'yo. Bakit kayo umiiyak at ano 'tong mga malita niyo sa harap ng pinto?!" tanong ni Elsie na may pagtataka.
"Anak, sinisanti na ako ng papa mo, dahil sa hindi kita nabantayang mabuti. Bakit ngayon mo lang kasi sinabi na buntis ka kay Vincent?" anas ni Anding at humahagulgol na rin ng iyak.
"Anak, gusto ko sana na mag-stay dito kahit walang bayad para lang alagaan ka kaso ayaw pa rin ng papa mo at gusto niya iwanan na kita. Pinagsalitaan pa niya ako nang masama, pasensya na," ani ni Yaya Anding kaya't kaagad itong niyakap ni Elsie bago nagpaalam na ang matanda sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Locker
Romance[Won #3 Finalist for #SPAwards2018] Ang Pag-ibig. Wag mo basta basta ipapalamon sa sarili dahil minsan, tayo din ang kawawa. Hindi din to pwedeng laru-laruin kasi di mo alam ay nagiging seryoso ka na at higit sa lahat ay sobra TIWALA. Ang Pagibig d...