Nabitawan ni Raymund si Elsie. Tumakbo naman papalayo si Elsie at tiningnan kung sino ang tumulong sa kaniya.
Nagulat siya nang nakita niyang si Vincent pala ito na may dala-dalang baseball bat na pinampalo kay Raymund.
"Aray! Tama na Vincent! Hindi na mauulit! H-h'wag—h'wag mo akong patayin!" pagmamakaawa ni Raymund.
"Hindi kita papatayin. Hindi ako mamamatay tao. Gusto lang kita turuan ng leksyon hayop ka! Dapat marunong kang gumalang sa babae. Pasalamat ka mas pinili ka niya kaysa sa akin. Tumakas ka na bago pa magdilim paningin ko at mapatay talaga kita ng totoo!" galit na sigaw ni Vincent.
Agarang tumakbo nang mabilis si Raymund papalayo kahit hindi ito makalakad nang tuwid pagkatapos malumpo ng kaunti.
Sa sobrang tuwa ni Elsie ay bigla niyang niyakap si Vincent nang mahigpit.
"Salamat, muntikan na niya akong gahasain. Buti nandiyan ka palagi. Salamat talaga!" sabay iyak ni Elsie nang dahan-dahan na siyang nawalan ng malay at nahimatay habang akbay-akbay si Vincent, kaya binuhat ito nang madalian ni Vincent at dinala sa hospital.
Pagkabukas ng mga mata ni Elsie ay nagulat siya nang napansin na siya ay nasa hospital. Tinalasan pa niya ang kaniyang paningin at tiningnan kung sino ang nasa harapan niya na nakikipag-usap sa doctor at ang nakaupo sa gilid na iba pang kasama.
Umalis na ang doctor at lumapit sa kaniya ang babae na nakipag-ugnayan sa doctor. Nagulat siya dahil si Lucy pala ito.
"Elsie, nahimatay ka raw. Muntikan ka na raw pagtangkaan ni Raymund. Napakawalang hiya niyang lalaki! Buti na lang nandoon si babe!" ani ni Lucy.
"Sinong babe?" tanong ni Elsie.
Biglang lumapit si Vincent kay Lucy at niyakap sabay hinalikan sa harap mismo ni Elsie.
"Ako ang minamahal ng kaibigan mo. Nagmamahalan kami," ani ni Vincent na sukdulan niyang sinasadyang saktan at pagselosin si Elsie. Dahan-dahan din bumuhos ang luha ni Elsie at nagulat si Lucy kaya kinuha nito ang tissue at binigay kay Elsie.
"Sorry, Elsie. Mahabang istorya at nagmamahalan kami nang tapat. Sana maintindihan mo. Oo nga pala, sabi ng doctor ay buntis ka kaya ka nawalan ng malay. Sobra sobra na raw stress mo. Ingat ka. Sino pala ang ama?" tanong ni Lucy habang kinakabahan ito dahil may duda talaga siyang si Vincent ang ama ng dinadala ng kaibigan.
Hinawakan na lang niya si Elsie sa kamay nang mahigpit at hinalikan iyon habang interesado rin namang malaman ni Vincent ang tungkol doon dahil baka siya talaga ang ama ng dinadala ni Elsie.
Sa sobrang bait ni Elsie, kaagad niyang hinawakan at hinimas ang ulo ng matalik na kaibigan habang mangiyak-ngiyak ito.
"Huwag ka mag-alala, bishie. Sa totoo niyan, si Raymund talaga ang ama ng dinadala ko." Nagsinungaling siya alang-alang lang sa kalagayan ng kaibigan niyang si Lucy. Dahil ayaw na niyang sirain ang relasyon ng bagong sibol na pag-iibigan nila ni Vincent. Nasa isip niya na handa niyang harapin ano man ang sakit para lang makaganti sa kaniya si Vincent gaya ng dating nangyari kung paanoo siya suyuin ng binata.
Sa sobrang tuwa ni Lucy ay napayakap siya sa kaibigan at napaiyak sa saya habang si Vincent ay nag-walkout sabay sinara ang pinto nang malakas.
Pagkatapos ng pagsisinungaling ni Elsie kay Lucy tungkol sa ama ng dinadala niya, ay hindi pa rin siya nakatiis at nasabi sa matalik na kababatang kaibigan ang pinagdaraanan niya ngayon simula ng magtanong si Lucy.
"Sis, ihatid ka na lang namin sa inyo. Pasalamat na lang tayo at walang masamang nangyari sa 'yo at sa magiging baby mo!"
"Oo nga nga e. Pero mukhang galit pa rin sa 'kin si Vincent. Sis, ayaw ko umuwi. Wala akong kasama at wala na rin akong pera sa ngayon. Pati pambayad sa hospital ay wala na rin ako."
BINABASA MO ANG
The Locker
Romance[Won #3 Finalist for #SPAwards2018] Ang Pag-ibig. Wag mo basta basta ipapalamon sa sarili dahil minsan, tayo din ang kawawa. Hindi din to pwedeng laru-laruin kasi di mo alam ay nagiging seryoso ka na at higit sa lahat ay sobra TIWALA. Ang Pagibig d...