Nagkaroon ng pagpupulong ang banda, ilang buwan na ang nakakalipas. Bigla nilang napag-usapan si Elsie habang gumagawa sila ng kanta dahil sa sobrang inspirado si Vincent para kay Elsie.
"Pare, parang naniniwala na ako na kayo na!" sabi ni Nano at nagsigawan silang magbabarkada. Ngumiti na lang si Vincent.
"Ang galing mo talaga, Pare!" sabi ni Reynold, pero si Roy ay tila hindi gusto ang desisyon ni Vincent sa paggawa ng pinakahuling kanta para sa banda ng biglang dumating si Elsie.
"Hello guys! May hinanda ako sa inyo. KFC for dinner. Dalaw-dalaw din kayo sa bahay if may time ha!" ani ni Elsie at nilagay ang pagkain sa mesa. Nasa bahay sila ni Nano dahil doon natutulog si Vincent na dinalaw lang ni Elsie.
Hinalikan naman ni Vincent si Elsie sa noo kaya biglang nagsalita si Roy, "Sa lips naman, lagi na lang sa noo. Kakaumay na! Ano ba 'yan!" Biglang nahiya si Elsie dahil doon.
"Guys! Punta muna ako sa labas ha! Shopping kami ng friend ko," sabi ni Elsie.
"Pakilala mo naman kami sa friend mo!" anas ni Reynold.
"H'wag na, baka agawin pa niya si Vincent ko!" sagot ni Elsie habang natatawa.
Pagkahatid na pagkahatid ni Vincent kay Elsie papunta sa bahay ni Lucy ay dumiretso na si Lucy at Elsie sa labas para mag-shopping.
"Elsie, hindi ko akalain na magtatagal kayo ni Vincent ng seven months!" saad ni Lucy habang naglalakad silang dalawa sa mall.
"Ako rin nga e, pero sinunod ko lang ang tinitibok ng puso ko. Nagpakatotoo lang ako. Sinisigaw ng puso ko na siya. Mahal ko na talaga siya. Iyong feeling na hindi maku-kompleto araw ko kapag wala siya. Iyong tipong parte na siya ng buhay ko. Parang kabiyak ko na siya. Palagi na lang mukha niya ang nakikita ko, at ang boses niya palagi kong naririnig pagkagising ko palang sa umaga hanggang sa pag-idlip. Hatid-sundo ako, palaging may gift sa locker na rosas galing sa kaniya, pinagluluto niya ako ng paborito kong sopas. Iyong ganoon, Sis!"
"Suwerte mo naman! Pero paano mo naman siya papakilala sa parents mo?"
"Sissy, habang masaya kaming magkasama, nangako siya na walang makakahadlang at pursigido rin siyang mag-aral, kaya sobra ko rin siya tinuturuan. Sis, parang siya na talaga ang right guy para sa 'kin," sagot ni Elsie na pilit iniiwasang sagutin ang tanong ni Lucy.
Gabi na nang dumating si Elsie at Lucy sa kani-kanilang mga bahay. Bigla namang nakatanggap ng text si Elsie kay Vincent ng gabi na iyon.
Elsie,
Maghanda ka na at magsuot ng pormal at classy na damit. Dahil kakaibang celebration ang gagawin natin ngayon sa date natin.Nagtaka si Elsie at binilisan ang kilos. Humanap siya ng magandang isusuot. Biglang dumating si Vincent at napansin na nakatali na ang buhok nito kaya nanibago ang dalaga.
"Vincent, mukhang marunong ka na magtali ng buhok mo mag-isa ha," ani ni Elsie habang nakangiti.
Binuksan ni Vincent ang pintuan ng Jeep at pinapasok si Elsie sa loob. Umandar ang kanilan sasakyan at nagtungo sa pinakatuktok ng bundok kung saan makikita ang magandang tanawin ng syudad kung saan sila naroon.
Bumaba si Vincent at kinuha ang carpet pati na rin ang picnic box saka inilapag kasama ang mga pagkain.
"Wow! Saan 'to? Ang ganda ng view, Vincent! Parang California kapag gabi!" wika ng dalaga na tuwang-tuwa habang kinukuhanan ng litrato ang mga tanawin sa taas ng bundok na kanilang kinalalagyan. Kahit gabi ay tila kumukutitap pa mga maliliit na ilaw ng syudad. "Tsaka, ano na naman 'yang suot mo? Tuxido? Aber!?"
"Elsie, hindi mo ba alam na blue moon ngayon, at higit sa lahat, birthday ng mahal na mahal kong girlfriend!" ani ni Vincent na ikinagulat si Elsie.
BINABASA MO ANG
The Locker
Romance[Won #3 Finalist for #SPAwards2018] Ang Pag-ibig. Wag mo basta basta ipapalamon sa sarili dahil minsan, tayo din ang kawawa. Hindi din to pwedeng laru-laruin kasi di mo alam ay nagiging seryoso ka na at higit sa lahat ay sobra TIWALA. Ang Pagibig d...