Kinaumagahan. Bumili ulit si Elsie ng Pregnancy test kit, ngunit palagi rin naman itong negative. Sa sobra niyang pagtataka dahil iba na ang kaniyang pakiramdam ay parang duda na siya dahil apat na beses na niyang ginamit ang pregnancy test, pero wala pa rin. Nagulat siya nang nakita niya na lahat ng mga nangyayari sa kaniya ay sanhi ng pagbubuntis na kaniyang ikinatuwa, ngunit may halong pag-aalinlangan.
Dumaan muli ang ilang linggo, pinagplanuhan niyang huwag muna ipaalam sa nobyo bilang isang malaking surpresa ang pagpapa-check-up niya sa doctor.
Pumunta na siya sa center at sinimulan na siyang i-ultrasound.
"Nasaan ang asawa niyo, Miss?" Hindi alam ni Elsie kung ano ang sasabihin kaya nagkunwari na lang siya.
"Busy lang siya sa opisina kaya hindi nakapunta, pero sabi niya magpa-check up na raw ako at susunod na lang siya, Doc."
Pagka-check ng doctor sa tiyan niya ay simulan nang i-ultrasound si Elsie. Kaniyang ikinagulat nang sinabi ng doctor na pitong linggo na siyang buntis at pinakita ng doctor ang heartbeat ng bata sa ultra sound na bigla siyang napatitig at natulala saka naiyak.
Una niyang naisip ang kaniyang mga magulang, pagkabangon niya at pag-alis na niya sa clinic. Naglakad-lakad muna siya na tila sinalo na niya ang langit at hindi alam kung tama ang kaniyang desisyon.
Naglalakad na tila walang hanggan at napakaraming iniisip nang biglang nag-text si Vincent.
{Mommy, nasaan ka na? Date tayo? Mahal na mahal kita. Pakiramdam ko malungkot ka ngayon.}
Bigla nalang itong tumawag matapos niyon na medyo ikinangiti ng dalaga.
"Hello! Elsie mommy, nasaan ka?" tanong ni Vincent sa cellphone.
"Daddy Vincent, may pinuntahan lang ako saglit. Pasensya na!" sagot ni Elsie.
"Gano'n ba Mommy, bakit parang umiiyak ka? Barado ilong mo at ang boses mo. Napaano ka? Sinasabi ko na nga ba. Tama hinala ko. Kaya pala pakiramdam ko ay iba. Nasaan ka? Puntahan kita r'yan," pilit na sabi ni Vincent
"Huwag na, nagpahangin lang. Ikaw kumusta ka? Kumain ka na ba? Huwag mo 'ko alalahanin. Ako nalang pupunta sa 'yo. May malaki akong surpresang balita na ikakagulat mo at ipagbabago ng buhay nating dalawa!" ani ni Elsie.
"Nandito lang ako sa court. Nagba-basketball kami. Magkita na lang tayo sa PE. Tabi ng locker. Worried tuloy ako, kasi naririnig ko na ganiyan boses mo. Please! Sige na! Ako na lang pupunta diyan, Mommy!"
"No Daddy Vincent, pasakay na ako sa jeep. Okay lang ako, please. May ibabalita ako kaya huwag ka mag-alala. Okay lang talaga ako, promise!" sabi ni Elsie bago binaba ang cellphone at pinatay ito.
Tumuloy muna siya sa simbahan at nagdasal saka kinausap ang sarili at ang Diyos.
"Diyos ko, sana tama ang desisyon ko sa pagpili kay Vincent at sumama sa kaniya kasama ang magiging anak namin kaysa mag-magna cumlaude. 4th year na ako at ga-graduate kaya tulungan niyo ako maka-move on sa konsensya na gagawin kong ito, kung sasayangin ko lang akademya ko. Bigyan niyo ko ng lakas ng loob na maging matatag sa kabila ng mga bagay na haharapin ko. Sana huwag niya ako pabayaan at tuparin niya ang mga pangako niya sa akin, Diyos ko!
Pagkarating na pagkarating niya sa unibersidad at handa sanang sabihin kay Vincent na buntis siya ng pitong linggo pagkatapos magpacheck-up ng pasekreto, ay nagulat na lang siya na wala pa si Vincent sa kadahilanang tinapos muna nito ang game nito sa basketball.
"Babe, how are you?" Biglaang pagsulpot ni Raymund. Sa sobrang inis ni Elsie, ay sinampal niya ito sa mukha.
"Lubayan mo na ako! Baka maabutan pa tayo ni Vincent. Please for God's sake matagal na tayong wala!" sigaw ni Elsie.
BINABASA MO ANG
The Locker
Romance[Won #3 Finalist for #SPAwards2018] Ang Pag-ibig. Wag mo basta basta ipapalamon sa sarili dahil minsan, tayo din ang kawawa. Hindi din to pwedeng laru-laruin kasi di mo alam ay nagiging seryoso ka na at higit sa lahat ay sobra TIWALA. Ang Pagibig d...