Habang tumatagal na rin ay nagkakaayos na si Wowie at Lucy na ikinatuwa nang sobra ni Elsie, pati na rin sina Vincent. Minsan ay pumupunta na lang silang dalawa kahit saan.
Lumipas ang isang buwan. Masayang-masaya na naghahanda na kaniya-kaniya ang mga graduates na sina Roy, Lucy, Elsie at Nano.
Naiiyak na rin sa tuwa si Elsie na kuhanin ang diploma nito kahit malaki-laki na rin ang tyan niya.
Habang nakaupo siya sa harapan ng salamin ay tila bumabalik lahat ng kaniyang alaala sabay hinahawakan niya ang tyan niya nang dumating ang kaniyang kapatid.
"Elsie, huwag ka umiyak, naaalis ang make up mo oh!" Biglang napangiti si Elsie at tumingin kay Wowie.
"Grabe, Kuya 'no! Kung nakinig lang ako sa inyo at kina Yaya. Magna Cumlaude na ako ngayon! Marupok lang talaga ako pagdating sa pag-ibig. Ewan ko ba," hirit ng dalaga.
"Alam mo Elsie, nangyari na ang nangyari. Nandiyan na 'yan e. Maging masaya ka na lang para h'wag malungkot baby mo!"
"Ang sakit-sakit na nga ng katawan ko. Pero that's life. I have to be strong dahil tapos na rin, kulang na lang na isisibol ko na si Elvi!"
Biglang nag-ring ang cellphone.
"Oh ito pala sina Mommy at Daddy. Congratulate ka na nila!" ngiting sabi ni Wowie sabay bigay nito kay Elsie at binati ang dalaga ng mga magulang na tuwang-tuwa at naiiyak.
Kaagad na may nag-doorbell at bumaba si Wowie sa ibaba ng hagdanan para buksan ito. Sina Vincent at Lucy na ikinagulat ni Wowie. Biglang nabighani siya kay Lucy.
"Lucy ang ganda mo pala!" ani ni Wowie.
"Wowie, nasaan na si Elsie?" tanong ni Vincent.
"Ah, nasa taas," sagot ni Wowie, nang papunta na si Vincent sa taas ay biglang lumabas si Elsie na tila ayaw niyang papasukin o pasilipin man lang si Vincent sa kuwarto niya.
Napangiti at nabighani nang sobra si Vincent dahil sa napakaganda ni Elsie nang inabutan niya ito..
Nang papunta na sila sa Graduation theater, bigla ring dumating si Roy kasama ang ama at si Nano kasama si Reynold at ang isang babae na kapatid nila.
Tuwang-tuwa si Elsie na naglakad kasama mga Cumlaude ng Unibersidad nila na ikinaiyak niya. Napakarami ring namangha at nag-congratulate sa dalaga.
"Elsie, we're so proud of you! Even buntis ka. Kahit hindi ka naka-magna Cumlaude, naging one of the cumlaude ka pa. Kasi ang iba nawawalan na ng pag-asa at tumitigil na lang," ani ng mga babae at iba't ibang graduate na tila na manghang-mangha at gigil na i-congratulate ang kaisa-isang nagdadalang-tao sa graduating front row theater.
Naiyak din nang kaunti si Vincent hanggang sa pilit niya itong hinabol para batiin, ngunit napakaraming tao ang sumisingit at bumabati kay Elsie. Pati ang naging Magna Cumlaude ng Unibersidad ay naisali siya sa speech at pinangaralan din. Ani niya ay dapat talaga, ang Magna Cum Laude ay si Elsie, ngunit talagang ganoon ang buhay at huwag siya basta-basta husgahan.
Nang hinahabol na ni Vincent si Elsie dahil sa hindi siya makasingit ay naunahan siya ni Roy. Sabay nagbigay ito ng napakaraming rosas.
Nalungkot si Vincent nang biglang may humawak sa baywang nito at ito'y sina Nano at Reynold.
"Pare, kung ako sa 'yo, huwag mong hayaan 'yang si Roy na masunglot niya si Elsie. Huwag mo pakawalan si Elsie kung may natitira pa riyan sa puso mo. Mahal na mahal ka pa rin niya. Iyan ang masasabi namin sa 'yo!" ani ng magkapatid.
"Grabe kayo, kaibigan ko lang 'yan at si Lucy mahal ko!" deny ni Vincent at ayaw talaga niyang pakinggan ang tinitibok ng puso niya.
Hinanap niya na lang si Lucy nang matagpuan niya itong kasama si Wowie habang umiiyak. Bigla siyang tumakbo papunta rito at pinunasan ang luha.
BINABASA MO ANG
The Locker
Romance[Won #3 Finalist for #SPAwards2018] Ang Pag-ibig. Wag mo basta basta ipapalamon sa sarili dahil minsan, tayo din ang kawawa. Hindi din to pwedeng laru-laruin kasi di mo alam ay nagiging seryoso ka na at higit sa lahat ay sobra TIWALA. Ang Pagibig d...