Kabanata 15

509 29 11
                                    

Dumalaw muli sina Roy, Nano at Reynold sa bahay ni Elsie at nagkasiyahan ang magbabarkada kasama syempre sina Vincent at Lucy.

"Buo na naman tayo!" ani ni Reynold.

"Elsie, may karaoke ka ba?" tanong ni Nano.

Kaagad namang nilabas ni Elsie ang magic sing niya at tuwang-tuwa ang magbabarkada dahil doon.

"Sige, ako muna ang mauna ha! Kakanta ako!" sigaw ni Roy na tuwang-tuwa sabay nagkantiyawan sila.

"Puwes, kanino mo naman iaalay 'yan? Eh bahista ka lang naman?" asar ni Nano.

"Syempre, walang iba kun'di kay Elsie!" kilig na sagot ni Roy nang biglang nagkaasaran sila.

"Uy! Kayo ah. May namamagitan na yata?" pang-aasar ni Lucy nang biglang tumayo na lang si Vincent at nagtaka si Elsie kung saan ito papunta.

Tuloy-tuloy naman ang kantahan ng magto-tropa. Naghihiyawan, sigawan at tawanan pa hanggang sa bumalik si Vincent.

"Saan ka nanggaling, babe?" tanong ni Lucy pagkatapos nitong tumabi sa kaniya sa upuan.

"Wala! Sa kusina lang." Sabay sumigaw na si Vincent at inagaw ang mikropono. "Ako naman ang kakanta ha."

"Pagbigyan ang dating vocalista at boses ng LC band!" sigaw ni Nano nang biglang natahimik ang lahat.

"Saan mo naman iaalay ang kanta mo?" tanong ni Roy nang patawa.

"Kakantahin ko ay ang kantang ako'y sayo at ika'y akin lamang. Iaalay ko 'to walang iba kun'di sa pinakamamahal kong kasintahan na si Lucy. This is for you, babe." Ngiti ni Vincent kaya nagpanggap si Elsie na masaya habang katabi niya ang kaibigan na kunwari'y kinikilig din sa kanila.

Simula nang nag-play ang karaoke, ang boses niyang kay tamis pakinggan ay tinunaw ang lahat. Si Elsie ay hindi na napigiliang umiyak dahil sa mga sinasabi sa kanta na dapat ay sa kaniya inaalay ni Vincent. Sa sobrang sakit ay bigla na lang siya naiyak hanggang sa napansin ito ni Nano.

"Uy, guys! Umiiyak si Elsie oh!" sigaw nito at biglang ngumiti si Elsie.

"Nah, I am just very happy for the both of them na masaya sila sa isa't-isa!" paliwanag niya habang tumutulo na ang luha sa sakit na naramdaman sa pag-ibig niya kay Vincent.

Matapos ang kanta ay sumigaw si Vincent nang malakas, "May inihain ako sa inyo at niluto ko. Diretso na sa kusina, mga kumpadre!"

Pagkatikim na pagkatikim ni Elsie sa mga luto ni Vincent ay tila gutom na bata ito na gustong kainin ang lahat na tila nanggigigil at naglilihi. Habang sarap na sarap naman sina Nano, Reynold, Roy at lalo na si Lucy.

"Dahan-dahan ka lang Elsie, baka mabilaukan ka!" pigil ni Roy.

"Pasensya na, na-miss ko lang talaga mga luto ni Vincent at para rin ito sa baby ko!" sabi ni Elsie, pero si Vincent ay parang may halong inis sa kung paano kainin ni Elsie ang mga luto niya. Hanggang sa natapos na silang kumain. Naghuhugas ng plato si Vincent nang nilapitan ito ni Elsie.

"Hi!" ngiting bati ni Elsie sa binata.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Dapat ikaw naghuhugas ng plato e!" hirit ni Vincent na naiinis.

"Gusto ko palang magpasalamat sa pagkain na inihain mo. Puwede mo ba akong ipagluto? Kahit sopas lang? Gusto ko kasi na lumabas baby ko na malusog e," ani ni Elsie nang mahinahon at tila takot sa binata dahil baka tumanggi ito.

"Ano? Ayaw ko nga. Wala na akong oras para ipagluto ka. Pasensya na!" masungit na sagot ni Vincent.

Nang tatalikuran na niya ang dalaga ay humirit muli ang dalaga, "Sige na Vincent. Talagang na-miss ko lang talaga ang pagluluto mo ng masarap na sopas na paborito ko. Kung ayaw mo akong ipagluto, kakayanin ko na lang magluto ng sarili ko. Basta lang turuan mo akong magluto o ituro mo sa akin ang recipe," malungkot na seryosong sagot ni Elsie.

The LockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon