Kabanata 6

428 44 15
                                    

Mag-aalas dos ng madaling araw nang dumating si Elsie sa bahay nila dahil hinatid ito ni Vincent.

"Sa'n ka galing? Nag-alala na ako sa 'yo, Hija," salubong na tanong ni Yaya Anding sa kaniya habang tumatahol si Spikey at hinihimas ni Vincent. "At bakit namamaga mata mo?! Ano'ng ginawa sa 'yo ng lalaking ito!?" galit na tanong ni Anding nang biglang niyakap ito ni Vincent.

"Ni-rape ko siya kaya 'yan ang nangyari!" Biro nito dahilan para biglang batukan ni Anding si Vincent na ikinatawa nito at ni Elsie.

"Kayo talaga! Huwag niyo ako pinaglololoko ha. Sige na, Elsie, pumunta ka na sa taas at madaling araw na. May pasok ka pa bukas. Ikaw din, Vincent!" sermon ni Anding.

"Okay, Yaya! Huwag po kayo mag-alala. Wala talagang nangyari. Trust me okay?" ngumiti ni Elsie. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kuwarto ay bigla siyang naiyak dahil sa konsensiya nang naalala ang kasintahan.

"Bakit gano'n, ibang-iba nararamdaman ko. Kakaiba pala ang lalakeng 'yon sa loob ng tatlo o dalawang taon. Mali ang pagkakakilala ko sa kaniya. Malalim pala, at bakit ganito? Parang ang bilis ng tibok ng puso ko at namumula ako. May dumi ba ako sa mukha? Maganda ba ako at ako napili niyang ipalit sa ex niya? O kamukha ko lang talaga? Ano ba mayroon sa akin? Itong nararamdaman ko, ni hindi ko pa 'to nararamdaman noong kami pa ni Raymund. Siguro dahil sa puro na lang iyak at sakit at galit ang tinamo ko sa kaniya? Pero 'yong kay Vincent?! Urgh! Grabe! Ang pangit-pangit niya! Hindi maaari! Hindi! Hindi! Hindi!!!!!!!!" sigaw niya, ngunit kalaunan ay napangiti rin. "Pero, ang cute pala niya. Iyong mga mata, iyong shape ng mukha. Ano kayang hitsura niya kapag inalis ang kaniyang bigote? Ang tangkad pa niya. Iyong labi niya malambot na tuwing nadidikit sa noo ko. Iyong yakap niyang mainit at ang bango-bango ng katawan niya. Pati hininga niya, tumigil na magyosi alang-alang sa akin."

Napabuntong-hininga si Elsie at niyakap ang dalawang teddy bear na bigay sa kaniya ni Vincent na nakuha niya sa loob ng locker, nang biglang may narinig siyang kuma-katok sa bintana.

Tumakbo siya at pagbukas na pagbukas niya sa bintana ay si Vincent pala na inakyat pa ang bintana niya para mag-good night.Nang nakita ni Elsie si Vincent ay bigla niya itong naitinulak sa inis habang sumisigaw dahilan ng pagkahulog ni Vincent sa bintana habang tumatawa, ngunit hindi naman siya ganoon nasaktan, dahil sa maramong bahagi ito bumagsak.

"Elsie, kita na lang tayo bukas ha!" sigaw ni Vincent bago ito umalis.

~~~

Kinaumagahan, sinundo ulit ni Vincent si Elsie para ihatid ito sa unibersidad.Pagkatapos ng klase at breaktime ay wala pa rin si Vincent dahil sumama muna ito sa mga kabanda. Nagkita bigla ang magkaibigan na si Lucy at Elsie nang imbitahin ito ni Lucy kumain muna sa labas.

"Sis, pwede pa-advice?"

"Ano 'yon?" tanong ni Lucy.

"Hindi ko maintindihan nararamdaman ko e. Pero bakit ganoon? Everytime na magkasama kami ni Vincent, ang bilis ng tibok ng puso ko kumpara noong kasama ko na si Raymund?" tanong ni Elsie.

"OMG! It means you're starting to fall inlove with him! Damn! I am so proud of my beshiee! Atlast! Yes!" tuwang-tuwa at kinikilig na saad ni Lucy.  "So Elsie, uhm... Have he kissed you? Ano? How's the tongue and lips?" natatawang tanong ni Lucy habang natutuwa sa kaibigan.

"Ano ba! Ang laswa mo naman, sissy! Kiss lang sa forehead. Duh! Sadly, hindi siya first kiss ko. It's Raymund and he is also my first love. Haist!" anas ni Elsie na tila nanghihinayang.

"Ow. But how come that Raymund guy have dumped you!? Eh?! Buti pa si Vincent. That's just so mean, he really do respect you when he's only kissing your forehead. Tingin niya siguro sa 'yo lola. Joke! Pero infairness. Wala sa hitsura niya, sis. He looked like a pervert than Raymund or maybe I found him hot because of her body tuwing nagba-basketball!?" ani ni Lucy.

The LockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon