Simula niyon, na-turn on na si Elsie at lumaki na rin respeto niya sa binata. Hindi niya tuloy maiwasang tawagan si Lucy at ikuwento ang nangyari.
"Hindi ko akalain Lucy na napaka-gentleman niyang tao. Guilty tuloy ako!" hirit niya habang nkikipag-usap sa telepono.
"Sa totoo lang, Elsie, napakasuwerte mo sa kaniya. Ingat-ingat ka baka agawin ko yan," ani ni Lucy bago ito tumawa.
~~~
Sa pagkalipas muli ng mga araw.
Nagtaka si Elsie dahil absent na naman si Vincent. Hanggang sa pumasok na lang si Vincent, nang biglang nasilayan ang dalaga na tila ito'y walang imik at nahihiya pa.
Lunch break nang gustong-gusto lumapit ni Elsie kay Vincent, ngunit nagkakailangan pa, nang biglang itinulak ng sinasadyang pagulat ni Lucy si Elsie dahilan para madapa at matumba sa harapan ng binata. Tumawa naman si Lucy habang kumakantyaw.
"Kanina mo pa sinisilip si Vincent kaya ako na ang gumalaw para sa 'yo! Lokaret ka!" saad nito bago tumawa.
"Uy! Nasaktan ka ba?" Sabay hinila ni Vincent si Elsie patayo.
"Hindi! Okay lang ako," sagot naman ni Elsie at nagkatitigan sila sa mata.
"Guys, iwan niyo muna kami!" sabi ni Vincent sa mga ka-banda.
Sinakay niya ito sa jeep niya at ganoon pa rin na parehong walang imik ang dalawa na tila walang gusto magsalita, at kung magsasalita man ay nagkakasabay pa at nagkakahiyaan.
"Vincent. G-gusto kong...h-humingi ng pasensya sa nangyari," ani ni Elsie na nakatungo ang ulo.
"Sus, wala 'yon. Pasensya rin at hindi kita gaano pinansin sa mga nakalipas na araw, kaya siguro dahil nabigla ako sa pangyayari. Sa bahay kasi sobrang daming problema," ani ni Vincent.
"Oo nga pala, Elsie, bakit biglaan mo naisipan na obsess ako sa katawan mo?" Pang-aasar na tanong ni Vincent. "Sabi ko naman sa 'yo. Hindi ako masamang tao. Don't judge the book by its cover ika nga. Hindi ako katulad ng ex mo. Mahilig makipagtalik o pinipilit ka siguro. Kasi nabalitaan ko rin na kaya nag-transfer dito sa school 'yang si Raymund ay dahil nakabuntis at tumakas dahil ayaw magpapikot. Tsk. Hindi totoong lalaki ang mga ganiyan. Tumatakas sa responsibilidad. Naku!" wika ni Vincent habang tumatawa.
Bigla namang tinakpan ni Elsie ang bunganga ni Vincent.
"Vincent! Please! Hindi, nagkakamali ka. Virgin pa ako. Nabaliw lang ako ng gabing 'yon na hindi ko na maalala kung bakit. Kaya nagpapasalamat ako sa 'yo. hindi mo ako ginalaw!" wari ni Elsie na kinagulat ng binata.
"Gano'n ba? Kaya pala umiiyak ka? Napaka-inosente mo pala talaga. Naku! Sayang! Jackpot na sana ako," pabirong sagot ni Vincent na pinipigilan ang tawa.
Hindi na niya napigilan at bigla nalang tumawa ito nang sobrang lakas na bigla rin ikinaluha ng dalaga at umiyak nang malakas na ikinagulat ng binata.
"Naku! Sorry sorry, nagbibiro lang ako. Ikaw naman. Please, huwag ka umiyak, Elsie. Tama na," pagpigil ni Vincent, pero patuloy pa rin na humagulgol si Elsie hanggang sa pinasandal na lang niya 'to sa kaniyang dibdib. "Tahan na, sorry. Nagbibiro lang ako. Huwag ka malungkot, kun'di malulungkot din ako, at iiyak din ako!"
Mas lalo pang humagulgol nang malakas ang dalaga nang bigla ring humagulgol nang malakas ang binata na ikinatawa ng dalaga at binatukan 'to, ngumiti at nakahinga din ng malalim si Vincent.
Biglang naging seryoso si Vincent at natanong, "Elsie, bakit handa mong sa 'kin ibigay pagkababae mo basta lang iwanan ko ang banda?"
Ikinagulat naman ni Elsie ang tanong at sinagot ulit nang hindi totoo, "Kasi gusto ko maging official girlfriend mo ako. Iyon bang sa akin lang atensyon mo at hindi sa pagbabanda at kung saan-saan pa. Alam mo na pagbabanda, maraming babae. Alam mo na 'yon 'di ba?" Ngumiti si Vincent at hinawakan sa pisngi at kamay ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Locker
Romance[Won #3 Finalist for #SPAwards2018] Ang Pag-ibig. Wag mo basta basta ipapalamon sa sarili dahil minsan, tayo din ang kawawa. Hindi din to pwedeng laru-laruin kasi di mo alam ay nagiging seryoso ka na at higit sa lahat ay sobra TIWALA. Ang Pagibig d...