Pagkatapos ng reconcilation ng dalawa ay hindi pa rin naiwasan ang hindi pagkakaunawan at selosan.
"Dito na lang kayo matulog, Vincent at Lucy," ani ni Elsie habang nasa sala ang mga ito ng bahay niya.
"Sofa naman 'yan e!" sagot ni Vincent. Natawa naman sina Roy, Reynold at Nano.
"No, adjustable 'yan," ani ni Lucy sabay inayos ito at naging isang king size bed.
"Wow, nice one! Ang yaman mo pala Elsie Hindi ko inakala a!" ani ni Nano.
"So, ito pala ang pamilya mo?" sabi ni Roy habang tinitingnan mga nakasabit na litrato.
"Oo, alam kong may pagkakamali ako kasi hindi ko naipagtapat na mayaman kami noon. Akala ko kasi binanggit na sa inyo 'yon ni Vincent."
"Mag-isa ka pa lang babae? Ang ganda mo talaga, Elsie. May itsura rin ang mga kuya mo," ani ni Reynold.
"Tama na 'yan! Tumulong nga kayo rito at magsimula na tayo maglinis. Grabe! Tagal pala nawala ni Yaya Anding," hirit ni Lucy.
"Nasaan na si Vincent?" pagtatakang tanong nilang lahat.
"Baka nasa kusina, halika samahan mo 'ko, Roy. Hay naku!"
Pagkapasok na pagkapasok nila sa kusina ay nakita nila si Vincent na pinagmamasdan ang buong kusina.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Tara na at maglilinis pa tayo!" sigaw ni Lucy.
"Pare! Bakit sobra ang titig mo sa mga kaldero at mesa rito?" tanong ni Roy.
"Dito kasi ako palagi nagluluto, at may naalala lang ako," malungkot na ani ni Vincent.
Nilinis nila nang sobra ang buong bahay ni Elsie dahil tila pinabayaan ni Raymund na marumi ang bahay ng dalaga noong sila pa ng dalaga ang nagsasama at hindi rin nalinis ni Elsie dahil sa buntis siya.
Sa Unibersidad naman, biglang nagulat si Elsie dahil parang nakikipag-compete si Vincent pagdating sa recitation at sa grado sa kaniya.
Palagi sila nagtatalbugan. Hindi man sila masyado nagpapansinan sa loob ng paaralan, ngunit sa grado ay sobra nang nagpapapansin si Vincent dahil palagi na lang niya nakukuha ang pinakamataas na marka. Hanggang sa isang araw ay dumating si Roy at kumatok.
"Yes? May I help you?" tanong ng prof. Kaagad tumayo si Vincent.
"Prof, ako ang kailangan niyan!" ngiti ni Vincent, ngunit bigla itong tinanggi ni Roy na ikinagulat ni Vincent at napahiya siya kaya nagtawanan ang klase.
"I only need and will excuse Elsie for a while," pasaring ni Roy sa prof na ikinagulat nang sobra ni Vincent na may halong inis. "I just want to give this food to her," dugtong ni Roy at inabot ang pagkain kaya nagkantyawan ang buong klase. Si Elsie naman ay nagtaka, kaya pinuntahan niya si Roy.
"Elsie, puwede ba kita maimbita sa church namin mamaya? Papakilala rin kita sa pastor kong ama," hirit ni Roy.
"Walang problema. Tsaka siya nga pala, Roy, salamat sa pagkain ha!"
"Oo, wala 'yon. Mangga, bagay 'yan sa buntis. Nandito lang ako kapag kailangan mo ako, Elsie," seryosong sagot ni Roy bago ito umalis habang sinisilip naman sila ni Vincent na may halong pagseselos.
Nang dismissal na nila ay dumiretso si Elsie sa simbahan nina Roy at nakinig ng mesa kasama ito. Hanggang sa dalawa na lang sila at nagsialisan na ang mga tao dahil gumabi na.
Mataimtim siyang nagdadasal habang si Roy naman ay pinagmamasdan ang kagandahan ng dalaga.
"Alam mo Elsie, baka tuluyan na akong maging Pari dahil sa pag-quit sa banda," ani ni Roy.
BINABASA MO ANG
The Locker
Romance[Won #3 Finalist for #SPAwards2018] Ang Pag-ibig. Wag mo basta basta ipapalamon sa sarili dahil minsan, tayo din ang kawawa. Hindi din to pwedeng laru-laruin kasi di mo alam ay nagiging seryoso ka na at higit sa lahat ay sobra TIWALA. Ang Pagibig d...