Kabanata 3

452 50 20
                                    

Pagdating niya sa tagpuan ay pinapasok siya ni Raymund sa loob ng van nito.

"Elsie, hindi muna kita tatawaging babe for practice. Ganito kasi 'yon,  mahalaga 'tong ipapagawa ko sa 'yo. Anyway, hindi ko pala sa 'yo nasabi ang band name ko. It's Raymund band. So do you have any clue what's the plan?" Ngumisi si Raymund.

"Ang alin?" May pagtatakang tanong ni Elsie.

Biglang umandar ang van matapos niyon. Nang bumagal ang takbo nito ay napansin ni Elsie si Vincent na naglalakad at tila galing sa sementeryo kung saan din nila balak na pumunta. Sinundan nila ang binata.

"OMG! Ano'ng gagawin mo, babe? Ki-kidnap-in mo siya para lang manalo sa battle of the bands? Please, no! Hindi ito ikakatuwa ng parents ko at baka makulong pa tayo!" pigil ni Elsie na bakas ang takot sa boses.

"Hindi! Cool ka lang... pero oo. Iyan ang misyon natin!" saad ni Raymund.

Habang sinusundan nila si Vincent ay bigla itong pumasok sa isang karinderya, kaya huminto rin ang van sa may tapat ng karinderya.

"Ano ibig mong sabihin, babe?" tanong ni Elsie.

"Okay, here's the plan. Di-diretsuhin na kita. Gusto ko na paibigin mo si Vincent. Iyan lang talaga ang alam kong paraan. Pagkatapos, pilitin mo siyang bitawan ang pagiging bokalista niya sa bandang LC. Nang sa ganoon, wala na kaming makakalaban at tuluyan na kaming sisikat ng banda ko sa battle of the bands, at kami ang ipupusta sa ibang kolehiyo!" ani ni Raymund.

"ANO?! Please Raymund, 'di ba sabi ko sa 'yo, lalaki ang ulo ng hayop na 'yan. Magfi-feeling siya. Please 'wag 'yan. Marami pang paraan, basta wag lang 'yan. Hitsura pa lang niya nawawalan na ako ng gana. Never, as in never ko papatulan 'yan. Nasabi ko na sa kaniya na ayaw ko sa kaniya. Ayaw ko kainin ang sinabi ko, please lang!" paawa na sabi ni Elsie.

"Bakit!? Sinabi ko bang mahalin mo siya!? Iwanan mo na lang ako Elsie if hindi mo kaya! Dahil parang inalis at sinira mo na rin pangarap ko e!" galit na sabi ni Raymund, ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin dahil naging malambing ito pagkatapos niyon, "Alam mo, babe, mahal na mahal kita. Pagkatapos nito, magmamahalan tayo nang sobra. Dahil tapos na e. Ako na ang nagtagumpay sa aming dalawa. Ayaw kong matalo ng isang mas pangit sa 'kin. Hindi ba sabi mo mahal mo ako? Please, Elsie. Ikaw lang ang susi sa mga pangarap ko. Gusto ko bago tayo maka-graduate ay makuha ko ang trophy bilang isang sikat na vocalist at mahigitan siya. Iyon lang talaga," sabi ni Raymund bago ito nagsimulang mag-drama at umiyak. Wala pa rin imik si Elsie nang bigla itong hinalikan ng binata sa labi na kinagulat talaga ni Elsie.

"First kiss mo 'yon 'di ba?" tanong ni Raymund habang nag-drama.

"Oo," gulat na nasabi ni Elsie habang namumula. Mas lalo tuloy nahulog ang loob niya sa binata dahil sa ginawa nito.

"Totoo kitang mahal kaya sana gawin mo rin ang kagustuhan ko. Boyfriend mo ako kaya wala ka nang dapat ipag-alala. Kung may gawin man siya sa 'yo, nandito lang ako. Basta lang makumbinsi mo siyang umatras. Iyon lang at magsasama ulit tayo at magpapakilala ako sa parents mo as your official boyfriend and legal fiance para pakasalan kita pagkatapos ng graduation." Naniwala si Elsie sa sinabi nito.

Bumaba na si Elsie sa van habang nakadikit sa kaniyang tenga ang isang high tech na walkie talkie kung saan puwede niya kausapin pabulong si Raymund. Dumiretso na siya sa karinderyang kinaroroonan ni Vincent.

Pagkapasok na pagkapasok ni Elsie sa loob ng karinderya ay doon niya nasilayan si Vincent na kumakain. Nagsimula na siyang magpanggap.

Bigla na lang siyang humagolgol sa iyak.

Ikinagulat ito ni Vincent nang nakita ang dalaga. Lumapit ito rito at pinakalma ang dalaga bago pinaupo sa mesa.

"Elsie, paano ka napadpad dito at bakit ka umiiyak?" tanong ni Vincent na nagtataka at naaawa sa dalaga habang iniisip naman ni Elsie ay umiyak siya dahil sa isipin niya ay pinapamigay na siya ni Raymund ng gano'n-gano'n lang sa pinakaayaw niyang lalaki sa balat ng lupa.

The LockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon