Kabanata 9

335 45 6
                                    

Naging mas matibay na rin ang relasyon ni Elsie at Vincent, mas lalong dumami ang nainggit sa kanila dahil sa palagi sila magkasama na tila hindi sila mapaghiwalay na kambal-tuko simula nang umalis na si Vincent sa battle of the Bands.

Ngunit, dati-rati, okay pa ang pakitungo niya sa mga kaibigan o kabanda, pero nag-iba dahil kay Roy na parang hindi masyadong komportable sa desisyon ng matalik na kaibigan.

Kay Elsie naman, sinubukan siyang kausapin sa huling pagkakataon ang matalik niyang kaibigan na si Lucy.

"Elsie, puwedeng mag-usap muna tayo na tayo lang?" tanong ni Lucy.

"Sure, Sis, is there something wrong? Hindi ka na kasi nagpaparamdam, bishie."

Pumunta sila sa Coffee bean. Habang nakaupo si Lucy ay medyo seryoso ito. Hindi ganoon ka open sa pagsasalita kaya nanibago ang kaibigan. Nagsimula na niyang tanungin si Elsie nang diretsahan, "Alam mo Elsie, narinig ko lahat ng usapan niyo ni Raymund!" Biglang nagulat si Elsie sa hindi inaasahang binitawan na salita ni Lucy.

"Sis, kaya pala hindi ka na nagpaparamdam. Let me explain. Alam mo, dati na 'yon, iba na ngayon! Hindi mo ba kami nakikita ni Vincent? Nagmamahalan na kami. Pakiusap ko lang sa 'yo na h'wag na h'wag 'to sana umabot kay Vincent," pagmamakaawa ni Elsie.

"Bakit!? Natatakot ka?" tanong na galit ni Lucy sabay tinaasan ng kilay ang kaibigan. "Alam mo, iyan ang pagkakapareho niyo ng kuya mo eh! Pareho kayong manloloko! Hindi niyo man lang iniisip ano ang mararamdaman ng taong pinaglalaruan ninyo!"  sigaw ni Lucy.

"Sis, iba tayo. Nag-iba 'yong feelings ko kay Vincent. Talagang minahal ko siya nang totoo. Kung mahal mo ako at loyal kang kaibigan, sana maintindihan mo rin kalagayan ko. Nagbago na ako at nagbago na ang lahat!" paliwanag ni Elsie.

"Puwes, PROVE IT! Ayaw ko na pumasok sa gulo mo o niyo. Huwag mo muna akong kausapin. I hate cheaters and users na kaibigan!" galit na saad ni Lucy bago ito tumayo at tumalikod saka nagsimulang maglakad palayo sa kaibigan.

"Plano namin magka-baby ni Vincent para hindi na kami maghihiwalay pa. Ganiyan ko siya kamahal at 'yan ang papatunayan ko. Iiwan ko ang pangarap ko maging magna cumlaude kaya sana h'wag mo ipagkalat ang mga narinig mo ukol sa amin ni Raymund. Dahil tapat kong minamahal si Vincent nang walang imbot at matagal na kaming tapos ni Raymund." Napahinto si Lucy sa paglalakad dahil doon, ngunit hindi pa rin ito pinansin ni Lucy bago ito tuluyang naglakad paalis.

Ngunit naitatak na ito sa utak niya, ang mga huling kataga sa kaniya ng kaibigan. Nagulat siya nang pailalim ukol sa pangarap ng kaibigan na iiwanan ang pagiging magna cumlaude alang-lang sa lalaking pinakamamahal nito.

Kinabukasan, nang magtalik ulit si Elsie at Vincent sa kuwarto ng dalaga ay dinala na rin ni Vincent ang mga gamit at damit nito upang tumira ng pa-sekreto sa bahay ng dalaga at dumaraan na lang sa bintana nito.

Biglang nagising si Vincent at nakita ang kasintahan na bumubuhos ang luha nang hindi nakaharap habang sila ay hindi pa nakakapagdadamit.

"Elsie, bakit ka umiiyak?" tanong ni Vincent.

"Natatakot lang kasi ako, ikaw kasi ang first time ko kasi no boyfriend since birth ako. Baka kasi tulad ka rin ng iba na iiwanan na lang ako basta-basta kapag nabuntis ako. Natatakot ako na baka hindi mo tuparin ang mga pangako mo sa akin. Alam mong binigay ko sa 'yo ang pagkababae ko dahil sa pagmamahal. Binigay ko sa 'yo lahat. Wala na yata akong tinira para sa sarili ko. Pati pag-aaral ko sinalba ko na. Hindi lang maalis sa isipan ko ang mga katagang ano kaya ang mangyari kapag nagdalang-tao na ako? Ayaw kong mag-isa kapag dumating ang araw na 'yon," paiyak na sabi ni Elsie nang biglang natawa ang binata at hinalikan sa balikat ang dalaga habang nakatalikod ito at umiiyak.

The LockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon