Kabanata 2

591 51 23
                                    

Third year college, tatlong taon na rin ang lumipas nang naisipan na rin ni Elsie na sumali sa cheering squad dahil sa napilit ito ni Lucy. Hindi iyong puro aral na lang ang kaniyang inaatupag.

Hindi siya nasawi at naging sikat na balancer dahil sa petite siya, habang si Lucy naman ang captain nila.

Marami-rami na rin ang napanalo nila sa cheering squad, ngunit mas lalo pa siyang nakilala sa unibersidad nang sumali siya sa Varsity ng Volleyball. Kaya tinagurian siya bilang beauty and brains ng kolehiyo nila at madami na rin nanligaw, ngunit talagang wala siyang pakialam sa mga ito. Busted na kaagad ang natatanggap ng mga lalaki kaya takot lahat sa kaniya.

Ganoon din kay Vincent na umaapaw ang kasikatan, ngunit tuloy tuloy pa rin ang pagsuyo nito sa dalaga kahit dobleng beses pa rin siyang ma-simplang. Kilala na rin siyang magaling na basket bolista ng Varsity. Habang tumatagal din ay mas lalong humaba ang kaniyang buhok na pinipilit pa niyang itali at hindi rin siya nag-aahit ng balbas na mas nagmukhang caveman ayon sa mga haters niya.

Ngunit sa kanilang dalawa, pagdating sa kasikatan ay mas sikat pa rin si Vincent kaysa kay Elsie dahil sa banda nito na patuloy pa rin na tinatangkilik ng buong Unibersidad at pambato dahil sa magagandang composition ng kanta ng binata.

Hanggang sa dumating na ang bagong lalaki na tila kontrabida sa buhay ni Vincent. Si Raymund Malang. Isang transfer student, pero tila malakas na talaga ang dating.

Isa siyang mayaman at guwapong lalake na may pagkahambog at pagkamayabang. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa unibersidad ay nakaani na rin siya ng maraming kaibigan.

Habang magkasama sina Elsie at Lucy ay napagusapan nila ito.  "May bago akong crush, bishie! " tila kinikilig na sabi ni Elsie.

"Atlast! Hallelujah! Buti naman at nagkagusto ka na rin sa opposite sex. Sino naman 'yan aber!?" tanong ni Lucy.

"Feeling ko ngayon lang yata ako mai-inlove. Ang guwapo kasi niya at mayaman pa. Sigurado ako. Pati sina Mommy at Daddy ay boto at approve na approve sa kaniya!" pasigaw na ngiting sabi ni Elsie habang namumula.

Simula niyon, nagka-crush na masyado si Elsie kay Raymund.

Nagkatagpo din silang dalawa dahil sa halos lahat na lang ng activity sa unibersidad ay pinasukan na ni Raymund at wala siyang pinaligtas.

Napakalaki kasi niyang famewhore. Hindi nakaligtas  ang cheering squad kung saan tagabuhat si Raymund at doon nakilala niya ang dalaga.

Simula din noon, nakilala na rin ni Raymund ang karakter ni Vincent na kinataas ng kaniyang kilay.

Noong una ay gulat na gulat siya sapagkat mas sikat at mas madaming fans si Vincent kaysa sa kaniya. Dahil na rin sa palabiro, pagiging bibo, at napakagaling pa na varsity ni Vincent na nauwi sa insecurities ni Raymund dahil hindi naman kaguwapuhan si Vincent, at mas guwapo pa siya rito, ngunit mas sikat naman sa kaniya ang binata.

Noong nalaman ni Raymund na nililigawan ni Vincent si Elsie, nagkaroon siya ng pagkakataon na magpasikat pa lalo at higitan si Vincent at sinimulan na rin ligawan ni Raymund si Elsie mula noon.

Hanggang sa....

"Elsie, my loves! Kamusta? Pasensiya na, busy ako kaya hindi kita napuntahan." Biglaang sulpot ni Vincent na medyo tumawa pa nang bahagya, habang sinusundan nito si Elsie.

Ngunit kagulat-gulat nang biglaan nitong sinampal nang malakas ang binata.

"Aray! My loves naman!" reklamo ni Vincent habang hawak-hawak ang pisnging nasampal, ngunit sinampal muli siya nang malakas ng dalaga nang pangalawang beses sa kaliwang pisngi ng binata bago ito tumalikod at naglakad nang mabilis papalayo.

The LockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon