CL Chapter 19
Author's note:
LeMmy (Lenie & Jimmy)Loveteam na muna. :D
Lenie's POV
"Hindi ba pwedeng yung kapatid mo na muna magbantay doon sa Melbourne na yun?"
Nakakainis kasi, lagi na lang na absent si Bunch. Oo, bunch ang tawagan namin ni Jimmy. 3 weeks ko na syang BF pero simula nang pumupunta sya lagi sa ospital, nawalan na sya ng time sakin. Busy, lagi na lang busy dun sa pagbabantay sa kaibigan nya. Haizt. Absent na sya ng 12 days.
"LJ naman kasi, sakin yun nakaatas eh. Tsaka ako yung mas matanda samin."
"So, ano? Mag-aabsent ka na naman bukas huh?"
"Understand me naman kasi oh?"
"Fine. Pero bukas pumasok ka kasi may importanteng practicum. Concern lang naman po kasi ako sa'yo."
"Sige, pakikiusapan ko yung kapatid ko."
"Ok."
"Sige, pupunta na ako sa ospital."
Hindi ko na sya sinagot, naiinis kasi ako. Ewan ko. Hayst! Yung kapatid ko namang bunso na si Marco laging dis-oras na ng gabi umuuwi. Porke't wala sina Mama sa bahay, sinasamantala na nya. Ayoko naman syang pagalitan. Bakit naman lahat ng importanteng lalaki sa buhay ko ay nawawalan na ng time sakin? Haist!
Jimmy's POV
Ramdam kong galit si LJ sakin. Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan si Milbx.
Kapag gabi, hindi ako ang nagbabantay kasi di ba may trabaho ako sa mga Izumi?
Bukas kelangan kong pumasok dahil may practicum daw sabi ni Bunch.
Sasabihan ko si Chris na umabsent muna kahit bukas lang.
Galing ako sa bahay nina Bunch kanina kasi pinapunta nya ako dun at ngayon kararating ko lang sa kwarto ni Milbx dito sa ospital.
Nandito na pala si Chris.
*TOK TOK!*
Lumingon sya.
"Oh kuya, ba't natagalan ka?"
"Tumungo pa kasi ako kina LJ eh."
"Ayiieee, sabi na. Hahaha."
"Hmm, ahm, Chris pwede mag-absent ka muna kahit bukas lang?"
"Huh? Bakit naman? Kuya, kasi--"
"Please?"
"Hayyyy, sige na nga."
"May practicum kasing importante eh. Bukas daw yun kaya kelangan kong pumasok."
"Ok Kuya. Basta ikaw, haha."
"Thanks."
Hindi naman talaga yung practicum ang priority ko. Gusto kong makabawi kay Bunch. Dapat mapasaya ko sya bukas.
---
"Ingat ka Kuya. Baka madapa ka."
"Haha, hindi tayo magkatulad noh. :P"
Papunta na akong school.
Sana successful ang plano ko. :)
"Goodluck na rin sa binabalak mo."
Yeah, I told her about LJ's mood yesterday. Kaya kahit papano mayroon syang mga naiambag.
"Oo. Salamat."
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Novela JuvenilI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER