CL Chapter 46
After 1 month...(Semestral Break)
Red's POV
Aalis na ako ng Looney.
Mamimiss ko din ang lugar na 'to. Hay. Maraming nangyari saken sa lugar na 'to.
Maraming masasayang alaala ang dala-dala ko sa aking paglipat. Iiwan ko ang mga malulungkot na nangyari saken.
Sana may mabuting maidulot sa akin ang pag-alis at paglipat ng tirahan. Sana maging masaya na ako nang tuluyan. Sa tiyahin ko na nga pala ako titira. Malayo sya rito kaya aabutin ako ng 8 hours sa byahe. Maayos naman ang pag-uusap namin nina Mom, Dad at Kuya bago ako umalis ng bahay. Si Ate Jusel ay di ko na nainform na ngayon ang alis ko. Si Dad na lang daw ang bahala. Yeah, Ok na ang Dad ko. Hay, mamimiss ko talaga silang lahat. Kelangan ko lang talagang umalis para makalimot. Hindi na ako nagpaalam sa mga naencounter kong tao such as Bridge, Matt and the others. Mas lalo na sa ex-gf ko. Ayokong malaman pa nila na tuluyan na akong wala sa buhay nila. Gusto naman akong maging masaya ng parents ko kaya pumayag silang lumipat ako. Tsaka kelangan din ng cousin ko ng makakasama dun sa bahay nila na kalevel nya. Unico iho kasi yung cousin ko eh. Nalulungkot na rin yun. Matanda lang ako sa kanya ng 5 months. Ngayong second semester iba na naman ang course ko. Pero hindi ko pa alam kung ano. Bahala na. Dun na lang ako papasok sa pinapasukan ng cousin ko. Grand exit ko na sa istoryang ito kaya hindi ko na patatagalin ang POV kong 'to. Nagsimula nang umandar ang sinakyan ko. Bye Looney. Bye book 1.
Author's note: Yeah, grand exit nya na sa book 1 ng CL. Sana po abangan nyo ang book 2 ng CL. Si Red ang main male protagonist dun. May mga exposures pa naman dun yung mga favorite characters nyo dito sa book 1. Pero syempre di ako magfofocus sa kanila. Thanks po sa mga mag-aabang. :)) By the way, main casts are: Tae Jun Park (Red), Lee So Ah (?), Shin Won Ho (?) & Bae Suzy (?). (?) means secret muna yung mga name ng ibang characters. Hehe.
Bridge's POV
Mahigit 2 months na ang pagiging rebound ko kay Bee. Mahigit 2 months na rin akong wala sa piling ng barkada. Ibig sabihin, mahigit two months ko na ring hindi kapiling ang mahal ko. Hay. Sana alam mo Chris kung gaano kita kamahal. :(
Gustung-gusto ko na talagang bumalik sa panig nila kaso paano si Bee? Tsk. Tsk.
Nandito nga ako ngayon sa unit nya eh. Nanunuod kami ng movies. Wala kasing magawa eh. Wala namang pasok kasi sembreak nga di ba?
Sana iwanan na lang ako ni Bee para sumaya na ako. Medyo nakakahalata na nga siguro si Bee na lagi akong wala sa mood. Laging distant ang pagitan namin kahit magkatabi naman talaga kami. Basta parang lumalayo na ang loob ko sa kanya. Di ko na nga siguro kayang tiisin eh. Mabait naman saken si Bee. Kaso nga lang, si Chris na ang mahal ko.
I badly missed her!!!! Pinakikisamahan ko pa rin sya kahit papano kasi ayoko namang mapahiya sya sa akin.
"Hahahahahaha!" Bee laughed. Sabagay, comedy pala ang movie. Pero hindi ko naman naintindihan kaya hindi ako natawa.
"Ayos ka lang ba Yhabz?" Tanong nya.
"Huh? O-Oo. Oo, ayos lang ako. Bakit naman magiging hindi?"
"Comedy kasi ang pinanunuod natin pero seryoso ang mukha mo."
"Ah, hindi kasi ako nadala eh. Oo tama, hindi naman kasi nakakatawa."
"Hindi? Halos mamatay na nga ako sa katatawa eh. Alam mo, hindi ka talaga ok kaya mamasyal na lang tayo. Deal?"
"Uhh, sige. Ikaw bahala."
So ayun nga, pumunta kami sa isang mall kahit wala talaga ako sa mood. Gusto ko na talagang makapiling muli sina Chris. :(
![](https://img.wattpad.com/cover/3086799-288-k239989.jpg)
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Teen FictionI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER