CL Chapter 25
>AiMel only<
Aikz' POV
Hindi ko na muling nakita pa yung mga kalalakihan na bumugbog sarado dito kay Englisherong yabang.
By the way, ang pangalan pala ni Englishero ay Melbourne Paolo Guttierez. Pano ko nalaman? May I.D. sya di ba? Cute nga sana ng pangalan, kaso yung may-ari hindi. Hahaha. Joke. Fine, he's cute. I mean, he's handsome pala.
1 week na syang nandito. Medyo OK na rin mga sugat nya. Pero hindi pa sya nagising, hmp.
Sya nga ang nahiga sa kama ko eh. Ako sa sahig lang. Dun nga 'to sana sa kwarto nina Allen kaso ayaw ng dalawa. Ang aarte lang. hmp.
So, ang ginagawa ko ngayon. Pinupunasan sya. Ang sosyal nga nito eh. Pero sa mga hindi lang natatakpan ng damit, etc. Hmp. Syempre naman noh. Baka sabihin nyo pinagnanasaan ko 'to. As if naman.
Then, mamaya, pupunta na ako ng school pagkatapos nito.
Nurse na nurse na ang dating ko, hahaha.
"Hoy Ate! Ang sipag natin dyan ah. Magkano naman sweldo mo? Haha." si Allen yan.
"Tse! Alis na nga. Mag-aral ka nang mabuti. Hindi kung anu-ano inaatupag mo."
"'to naman, hindi na mabiro." Then, umalis na si Allen.
Pinupunasan ko na ngayon sya sa mukha. Ang gwapo nga naman talaga ng nilalang na 'to. Ugali lang ang masama. Hmp.
Try ko kaya 'to kausapin, hahaha.
"Hoy Englisherong mayabang. Alam mo, gwapo ka sana eh. Ang sama at ang pangit lang ng ugali mo. So, ang conclusion, pangit ka. Hahaha."
Syempre hindi sya sumagot. Hehe.
Pinupunasan ko na sya ngayon sa may baba ng ilong nya.
Bigla syang gumalaw, then.....
"HHAAACCCHHHHOOOOO!!" He sneezed.
Buti nakailag ako. Pyuw! Kung hindi, syempre matatamaan ako ng laway nya.
Teka? Kung nag-sneeze sya, that means???
Conscious na sya.
Bigla syang tumagilid sa kama.
So, may malay-tao na nga talaga sya.
Oh, well. Alis na ako. Ibilin ko na lang sya kay Mama.
"Mama, may malay na po si crush mo. Pero tulog pa. Kaw na po bahala sa kanya kung ano hihingiin nya huh?"
bilin ko kay Mama Alia. Crush nya daw si Melbourne eh. Haha. Bagets na bagets pa talaga si Mama.
"Oh sige Aikz." Ngiting-ngiti pa sya. Haha.
"Salamat po. Sige, tuloy na po ako."
"Ingat."
"Opo."
Since OK na sya, baka mamaya suplada ako sa kanya. Like hello? May atraso pa sya sakin. Tsaka lalo na kay Matt at Bridge.
Milbx' POV
1 week na pala akong narito sa bahay nina Nerdy girl. Nung una nagulat at nagtaka ako kung pano ako nakarating dito. Basta isang gabi, nagising na lang ako bigla. Since gabi nga yun, syempre natutulog silang lahat. Nalaman kong kina nerdy girl 'to kasi syempre nakita ko sya dito nung gabing yun. Natutulog sya sa sahig. Alam ko kama nya ang hinihigaan ko. Ayos sya ah. Parang nurse ko lang kung mag-alaga sakin. Baka naman may gusto 'to sakin? Haha, wala naman siguro.
Hindi nya pa nga pala alam na matagal na akong may malay. Yung parents at mga brothers nya lang ang nakakaalam. Kasi wag daw munang ipaalam kay Aikz, oo Aikz pala ang pangalan nya. Syempre tinanong ko sa kanila ang name ni Nerdy. Bakit hindi muna dapat ipaalam kay Aikz? Wala, trip lang daw ng Mama nya na paalagaan ako kay Aikz. Hmp. Actually pag pumasok na sya sa school saka ako mabubuhay dito. Tapos kapag maggagabi na, nakahiga na naman ako, at kunwari walang malay sa mundo.
Kung bakit hindi pa ako umaalis dito? Ayaw pa ng Mama ni Aikz. Ang bait nga ng pamilya nila eh. Nagsisisi akong inaway ko si Aikz noon. Sa kanya lang ako nagsisisi, sa mga kaibigan nya hindi.
Marami na nga akong gustong itanong sa kanya. Kung pano nya ako nahanap, etc.
Basta madami.
Darating ang tamang oras para sa mga bagay na yun.
Wala nga pala akong pera at CP. Nawawala eh. Kaya hindi ko masasabihan sina Chris. Nag-aalala na sila sakin ni Kuya Jim, alam ko. Hayzt.
Montana daw ang pangalan ng lugar na 'to. Katabi lang sya ng Looney pero medyo malayo kung magbabyahe ako mula dito sa kanila papunta sa area namin sa Looney.
By the way, nahalata nyo bang nagtatagalog na naman ako?
Hmm, sabi kasi ng mga kapatid ni Aikz, magtagalog naman daw ako kasi nasa Pilipinas ako. Parang si Chris lang, ayaw ng nag-Eenglish ako. Pero hindi na ako pinapakialaman, haha.
Pero, magtatagalog na talaga ako. Englishero daw kasi ang tawag sakin ni Aikz eh.
Naramdaman ko na ang pagpunas nya sa katawan ko. Pero syempre yung mga natatakpan hindi nya na ginagalaw. Kapag nakapasok na sa boundary that's a sign na may gusto sya sakin at pinagnanasaan nya ako. Haha. Joke lang yung pinagnanasaan.
Alam ko, pagkatapos nya akong punasan, didiretso na sya sa school.
"Hoy Ate! Ang sipag natin dyan ah. Magkano naman sweldo mo? Haha." si Allen ata yun.
"Tse! Alis na nga. Mag-aral ka nang mabuti. Hindi kung anu-ano inaatupag mo." sagot naman ni Aikz.
"'to naman, hindi na mabiro." si Allen ulit.
Pinupunasan nya na ako ngayon sa mukha.
"Hoy Englisherong mayabang. Alam mo, gwapo ka sana eh. Ang sama at ang pangit lang ng ugali mo. So, ang conclusion, pangit ka. Hahaha."
Kinakausap ako? Samantalang ang alam nya eh wala pa akong malay. Baka alam na? Pero hindi pa naman siguro. Edi sana galit na sya sakin ngayon. Sabi kasi ni Allen, kapag okey na ako, babalik na ang galit nito sakin.
Syempre hindi ako sumagot.
Pinupunasan na nya ako ngayon sa may baba ng ilong ko.
Then.....
"HHAAACCCHHHHOOOOO!!" I sneezed. Pero nakapikit pa rin ako.
Medyo nakiliti kasi ako sa ilong eh. Hmp.
Tumagilid ako ng higa.
Alam ko na iniisip nyang may malay na ako at natutulog na lang.
Naramdaman kong paalis na sya.
Minulat ko ang mga mata ko.
Kalalabas nya lang ng kwarto.
I admit it.
She's sexy.
She's beautiful.
Pag nakatalikod lang.
Hehe. Joke. Maganda naman talaga sya. Nakasira lang ng konte ang buhok nya at yung nerdy glasses.
Ayusan lang siguro 'to nang konte pwede na.
"Alam nyang may malay ka na."
Si Tita Alia pala. Yung Mama ni Aikz.
"Ahm opo. I sneezed kasi kanina eh. Hmp."
"Ah kaya naman pala. So, pano mo sya kakausapin mamaya?"
"Ewan ko nga po eh. Bahala na."
Aikz' POV
Kararating ko lang sa bahay. Hmp. 6pm na. Natraffic kasi. Kainis.
Nakita ko agad si Englishero. Kumakain ng tinapay.
Napansin na ako ng mga tao sa bahay. Pati sya.
He smiled at me..
Ganito.
^________^
CHHHAAARRR!!! OH EM GEE!!!
Nakakairita.
Akala nyo naman kikiligin ako.
As if.
Inirapan ko lang sya. Wala pang-inis lang.
"Hi Aikz. Meryenda ka na, akin na gamit mo. Ako na magdadala sa kwarto mo." sabi nya. Seriously? Ang bait yata? Anong lason ang nainom nito?
"Salamat na lang." sabi ko. Haha. Suplada effect ang lola nyo.
"Asus, ang taray natin. Kelan pa yan?"
"Ngayon lang!"
"Galit ka pa ba sakin? Uy. Sorry na please?"
"Teka nga? Tumatagalog ka na ah. Weeehh?? Oo, galit pa rin ako. Ang pangit mo kasi. Tsaka kung hihingi ka ng tawad, tagalog dapat."
"Ehh, mga brothers mo kasi. Dapat daw tagalog ang sinasabi ko kasi I'm in the Philippines. Tsaka, ang gwapo ko kaya. Hmp. Sige po. Ahmm, Aikz, pasensya ka na sa mga kasalanan ko sayo huh? Hinding-hindi na kita aawayin. Promise! Ay este, pangako! Bati na kasi tayo oh. Ano tagalog ng please? Hehe."
Napapangiti ako sa lalaking 'to. Ewan ko kung bakit. Hahaha.
"Papatawarin nya na yan. Ayeeeee!!" sigaw ni Allen at JR.
"Hay naku Aikz. Patawarin mo na yan si Gwapo. Nangako na nga oh." suggestion naman ng dalaga este ni Mama.
"Kayo naman masyadong pinangungunahan ang desisyon ko. What if sabihin kong ayaw?"
Lumungkot yung mukha ni Melbourne.
"Pero what if sabihin kong, oo, pinapatawad na kita Melbourne?"
"Talaga?"
"Oopss. Tanong lang yun."
"Hay, akala ko..."
"Kung inaakala mong pinapatawad na kita, pwes, tama ka! Pinapatawad na kita. Basta yung pangako mo huh?"
"YEEHHEEEYY!! Thanks Aikz. Oo, pangako yun."
"Wooohh. Papatawarin lang naman pala." sabi ni Mama.
Milbx' POV
Huwwweeehhh!!!
Bati na kami ni Aikz.
Akalain nyo yun?
Haha. Ang bait talaga ng taong 'to.
Andito kami ngayon sa kwarto nya.
Kakapasok lang namin.
Madilim.
Meron akong gustong gawin. Hindi ko kayang pigilan pa. Madilim eh. Kating-kati na akong gawin yun.
Oops, gusto ko lang po pailawan. Hehe.
Takot kasi ako sa... Ahh, nevermind.
So ayun, pinailawan ko na.
"So, Aikz. Since bati na tayo. Pwede ba ako sayong magtanong?"
di ba sabi ko marami akong dapat sa kanyang tanungin?
"Hindi pa tayo close." sagot nya.
"Naman eh." sabay pa ako nag-pout.
"Haha. Anong itsura yan? Sige na, di ka na mabiro."
"Hmp. So, pano mo ako.. Ay teka, asan yung CP at wallet ko?"
Naalala ko bigla yung CP at wallet ko. Hehe.
"Aba malay ko. Wala naman sa bag at bulsa ng pantalon mo."
"Huh? Kainis naman. Eh yung kotse ko pala?"
Yung kotse ko nga rin pala. Tsk. Kainis. Di pa nga sakin isang buwan eh.
"Kinuha ng mga lalaki."
"Sinong mga lalaki?"
"Hmm, sila siguro yung mga bumugbog sayo eh. Kirk ata yung pangalan nung isa."
"Sh*t! Kakainis sila. San ko na ngayon yun hahanapin."
"Hindi ko nga yun nakita pang muli sa school eh. Bakit mga ano mo ba yun?"
"Ah, ano kasi. Mga fraternity boys yun. Yung si Kirk ex-classmate ko at gusto nya akong sumali sa frat nila kaso tinanggihan ko. Edi ayun, ang parusa sakin bugbog-sarado. Buti hindi ako namatay. Pero, pano mo pala ako nahanap?"
She gave me a flashback.(refer to Chapter 23, Aikz' POV if di nyo na maalala.)
"Ang swerte ko pala sayo. Thanks talaga huh? Siguro kung iba ang nakarinig hindi sila mag-aaksayang hanapin ako."
"Hehe, wala yun. Naku, kung alam ko lang na ikaw yun, hindi na sana ako nag-abalang tumulong. Haha."
"Grabe naman. Hmp."
"Joke lang. Hindi naman masama ang ugali ko. Di tulad ng iba dyan. Haha."
"Uy, ang bait ko kaya."
"Saang parte?"
"Sa mukha. Hehe."
"Wew, asa boy!"
"Asa girl! Haha. Nga pala. Milbx na nga lang itawag mo sakin. Yun kasi ang tawag sakin eh."
"Ah, ok, sige."
"So friends na tayo ner-- este Aikz huh?"
"Opo lolo."
"Lolo ka dyan, hmp."
"Hahaha."
CL Chapter 26
Bee's POV
Naiinis ako kay Red.
Dahil sa kanya hindi ko nakita ang mahal ko. Tsk.
1 week ko na syang hindi kinakausap at pinapansin. Lagi ko lang na kasama sina Bridge at hilaw na hipon.
Si Aikz, yung bestfriend nilang babae bihira ko lang makita. Sayang nga eh. May kaibigan na sana akong babae.
Sabado ngayon. Wala namang pasok. Gusto kong puntahan si Bridge sa unit nya. Kaya heto, papunta na ako sa front portion nitong condominium. Doon kasi ang mga boys.
Room 220 kay Bridge.
Nasa 229 pa lang ako.
228.
227.
226.
*door opens*
"Hahaha. Toinks ka talaga Milbx."
Napatingin ako sa kanila.
Si Milbx at si....
Aikz.
Tsk. So sa babaeng yan nya pala ako ipinagpalit. Kelan pa? Mukhang bumaba ang criteria nya sa babae?
Hayzt! Nakakabadtrip.
So, kaya sya nawawala dahil nakipagtanan sya sa babaeng yan?
Hmm, kaya pala bihira ko na rin lang nakikita ang Aikz na malandi na 'to.
"Oh, Bee. Ikaw pala? Bakit ka narito?" Aikz.
Hindi ko sya pinansin. Tiningnan ko si Milbx.
"Jennie?" si Milbx yan.
Pumatak yung luha ko. Hindi ko na naman napigilan.
"May pa-Jennie-Jennie ka pa dyan. Manloloko ka! Bakit mo naman ako niloko? Alam mo namang mahal kita di ba? Binigay ko naman lahat ng gusto mo. Pa'no mo ba kasing gustong mahalin ka huh?"
[courtesy: endless love kids]
Hindi ko na hinintay ang mga reaksyon nila. Tumakbo na ako pabalik sa room ko.
Magsama silang dalawa.
Tsk.
Nung nakita kong ang saya-saya nila, grabe talaga ang bigat ng dibdib ko.
Hayzt!..
Ilang taon ko syang hinintay at hinanap.
Nandito lang pala sya. At ang masaklap pa. Ipinagpalit nya pa ako. Sa di naman masyadong kagandahan. Tsk.
Nasa room na ako. Gusto kong ilabas ang lahat.
Dito lang ako. Ayoko na munang lumabas.
Mali, aalis muna ako dito. Baka masundan nila ako. Ayoko syang makita ngayon.
Hahanap muna ako ng pwede kong matuluyan.
Tama, sa bahay na lang ng pinsan ko.
Sa pinsan kong si Judy. Nakatira sila sa Montana.
Milbx' POV
Sabi ng Mama ni Aikz, pwede na raw ako na bumalik dito sa Looney.
Syempre tuwang-tuwa ako.
So, narito kami ngayon sa condo unit ko. Namiss ko 'to. Isinama ko si Aikz.
Anyway, today is Saturday naman. Gusto nya daw makita 'to eh. Haha. Linilibot nya nga ngayon itong room ko eh.
"di ka ata naglilinis dito ah?"
"Uy, oo kaya."
"Bakit masyadong maalikabok?"
"Ewan ko, dala mo siguro mga yan. Haha."
"Sapatusin kita you like? Hmm, nga pala asan mga magulang mo?"
"Nasa America. May business sila dun eh."
"Ah ok."
"Uy, papakilala kita sa bestfriend ko. Tsaka sa Kuya nya. Dali."
"Ok."
"Ano kaya kung dito ka na lang tumira para may maid na ako? Haha."
I opened the door.
"Hahaha. Toinks ka talaga Milbx." sagot ni Aikz.
Napatigil kami.
May nakatitig kasi sa amin eh.
"Oh, Bee. Ikaw pala? Bakit ka narito?" tanong ni Aikz. Teka, kilala nya si.....
"Jennie?" yan lang ang nasabi ko.
di ko ineexpect na makikita ko sya dito. Gustung-gusto ko syang yakapin.
Nakita kong pumatak yung luha nya.
"May pa-Jennie-Jennie ka pa dyan. Manloloko ka! Bakit mo naman ako niloko? Alam mo namang mahal kita di ba? Binigay ko naman lahat ng gusto mo. Pa'no mo ba kasing gustong mahalin ka huh?"
Tsk. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Bigla syang tumakbo palayo.
Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. At yun yung iniwan ko sya noon. Pero, hindi ko naman sya niloko. Sya pa rin naman ang laman ng puso ko.
Sya nga ang may kahalikang iba eh. Ni hindi ko pa nga sya nahalikan noon eh.
Teka, kilala sya ni Aikz.
"Anong nangyayari Milbx? di ko gets."
"Pasok muna ulit tayo Aikz. May pag-uusapan tayo."
Then, pumasok ulit kami sa room ko.
Aikz' POV
Hindi ko gets ang mga nangyayari ngayon. Magulo.
Tulala lang si Milbx matapos syang pagsalitaan ni Bee at takbuhan.
May nakaraan sila ni Bee? Manloloko si Milbx?
"Anong nangyayari Milbx? di ko gets." I asked him.
"Pasok muna ulit tayo Aikz. May pag-uusapan tayo." he said.
Then, pumasok ulit kami sa room nya.
"So, may past between you and Bee?"
He gave me a flashback.(refer to Chapter 2, Melbourne's POV if di nyo na maalala.)
"Ahh, so ngayon lang ulit kayo nagkita?"
"Oo eh. Hindi ko nga alam kung bakit naging manloloko ang tingin nya sakin eh. Akala nya ipinagpalit ko sya. Eh sya lang naman ang laman ng puso ko hanggang ngayon. Tsaka sya nga ang may kahalikan noon eh. Nakita ko sila sa park ng lalaki nya."
"Huh? Sinong lalaki?"
"Hindi ko kilala. Aksidente nga kaming nagkita noon sa mall. Nagbanggaan kasi kami eh. Tinakbuhan nya nga ako bigla eh."
"Ooh, describe mo nga?"
" Medyo bata pa ang itsura."
"Ahh, si Red."
"BF nya?"
"Oo, BF. As in Bestfriend."
"What? Bestfriend lang? Eh bakit sila naghahalikan?"
"Well yan ang hindi ko alam."
"Haixt. Teka, pano mo pala nakilala si Jennie eh hindi mo naman kaklase?"
"Ahm, liniligawan kasi sya ni Bridge eh. Then nung birthday ni Bridge, ipinakilala nya sakin si Bee."
"What? Manliligaw nya ang duwag na yun? Sh*t naman. Bakit ang dami ng karibal ko sa kanya? Samantalang sya, nag-iisa sa puso ko."
"Sana magkaayos pa kayo."
"Pano naman? Hindi ko nga alam kung asan sya eh."
"Baka alam ni Bridge kung saan? Nandito rin ata sya eh. Doon sa 220 ang room ni Bridge. Tara puntahan natin sya."
"Kaaway ko yun. Tsaka ayaw ko sa tulong nya. He's my rival too."
"Sus, ok. Bahala ka. Tara na nga sa bestfriend mo."
"Ay oo nga pala."
So ayun, papunta na kami doon sa house ng bestfriend nya.
Bee's POV
Naglagay lang ako ng powder, eyeliner and small amount of lipstick.
Syempre dapat maganda pa rin ang tingin ng mga tao sakin kahit na galing ako sa pag-iyak.
Kumuha ako ng mga ilan-ilang damit, etc.
Pinagkasya ko sila sa white kong shoulder bag na medyo malaki.
----
Mr. Author's note:
See pic on the side.
----------------------------------------------------------------------------------->
Si Bee na nasa harap ng bahay nina Judy.
Ang ganda nya noh? <3
Hehe.
Yun lang. :)
-------
Nandito na ako sa harap ng bahay nina Judy. Buti tanda ko pa. Haha.
Ang cute ng color ng house. Light blue.
Hindi naman sarado ang bahay nila kaya pumasok na ako.
"Tao po? Judy si Jennie 'to." Kung maka-tao po naman ako parang nasa labas pa ako. Haha.
Then may narinig akong footsteps papunta sakin.
"WAAAAHHHH!! JENNIE!!!" sabay hug nya sakin.
"Namiss kita couz. Sobra." Magkayakap pa rin kami.
"Ikaw din. Namiss talaga kita. Ilang years din tayo di nagkita at nagkasama eh. Lalo kang gumanda ah."
"Hehe. Kaw nga rin eh. So, asan pala si Tita?"
"Ah, namalengke. Hehe."
Pareho kami Unica Iha. Tsaka kami lang ang magpinsan. Haha. Wala nga pala syang daddy. Iniwan sila nung 3 years old pa lamang sya.
"So bakit ka pala naparito? Asan sina Tito at Tita?" she asked.
"Long story couz. Basta dito muna ako huh? May mga dala akong damit. Hehe. Nasa Japan ang parents ko. May company kasi sila dun."
"Ah ganun ba? So kung hindi ako nagkakamali, nagboboard ka?"
"Hindi. I have a condo unit at Looney."
"Ooh, iba na talaga pag mayaman. Haha."
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan.
Nalaman kong may boyfriend sya. Jimuel daw ang pangalan.
Nainggit tuloy ako. Tsk.
Naalala ko bigla sina Milbx at Aikz.
Tsk. Kailangan ko syang makuha muli sa babaeng yun.
Humanda sakin ang Aikz na yun. Arggh!!
"Anak, nandito na ako."
"Si Mama na yun Jennie. Tara."
Lumabas na kami sa kwarto nya.
Nakita ko si Tita na ilinalabas yung mga pinamili nya.
Sinenyasan ako ni Judy na tumago muna.
"Mama, may bisita po tayo. Sigurado akong matutuwa ka."
"Talaga? Sino naman?"
"Labas ka na." sabi sakin ni Judy.
Lumabas na ako muli sa pinagtaguan ko.
"Jennie? Ikaw na ba yan? Dalagang-dalaga ka na ah. Sobrang ganda mo pa. Kumusta ka naman?"
"Hehe, thanks po. Ahm, mabuti naman po. Kayo po?"
"Naku, mabuting-mabuti iha."
--fast forward..
Nasa room kami ngayon ni Judy.
Done pa lang kami mag-dinner eh.
"Alam mo couz, dalawa lang kayong babae na close ko maliban kay Mama."
"Ahh, sino yung isa?"
"Dito rin sya sa Montana nakatira. Aikz ang name nya."
Huh? si Aikz? Baka naman kapangalan nya lang?
"Aikz? Maganda rin ba sya tulad ko?"
"Ahm, yeah. Kaso nerd sya eh."
Tsk. Sya nga yun. Grabe lang. Sa dami ng babae sya na lang lagi ang kaagaw ko.
"Ganun ba? Saang part ang bahay nila?"
"Bakit? Gusto mo syang mameet?"
"Yeah, sort of."
"Ok, 5 houses ang pagitan ng house nila mula dito sa amin. Yung white ang paint ng house. Yun lang naman ang house dito na puti ang kulay."
"Ahh, okey. Puntahan ko sya bukas. Huwag ka nang sumama."
"Bakit naman?"
"Basta."
Be ready Aikz, my dear. Matitikman mo talaga ang galit ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/3086799-288-k239989.jpg)
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Teen FictionI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER