CL Chapter 41
Chris' POV
"Sorry na kasi oy!" Sabi ng bakla.
"Huwag mo nga akong kausapin. Galit ako sayo!"
"Chris naman. Binibiro lang kita. Grabe naman. Ilang araw mo na akong hindi kinakausap eh."
"Ayoko makipag-usap sa bakla. Alis nga dito Bridge!"
Nakakainis ang baklang 'to. Wait, erase that! Kinikilig ako sa panunuyo nya saken.
Oo na. Inaamin ko na po. Nagpapakipot lang ako sa kanya. Hehe. Ginagantihan ko lang sya. Kasi naman eh. Lagi akong inaasar. Lalo
tuloy akong naiinlove sa kanya. >///<
Nagpapanggap akong naiinis sa kanya pero deep inside kinikilig ako.
Masama bang mainlove sa kapwa ko lalaki? Haha. Joke lang. Babae po ako.
Kahit kilos-lalaki ako, sa babae pa rin ang katawan at puso ko noh.
Kaya nga hindi ko alam kung magugustuhan din ako ni Bridge eh. Hindi ko alam kung maiinlove din ba sya saken.
Ang duwag na yun. Hmp. Duwag na yun magmahal dahil na-trauma kay Jennie na labis nyang minahal. Speaking of Jennie, nagseselos ako
kapag binabanggit ni Bridge ang pangalan nya kahit na ang tawag pa nya sa kanya ay 'Bee'.
Nevermind of that. Hay, i can't believe that I fell inlove with a coward. Tsk. I'm being a coward lover.
"Edi aalis na!" Nagwalk-out yung bakla. Tingnan mo nga naman ang humihingi ng sorry na yun. Akala ko pa naman susuyuin nya ako
hanggang sa bumigay ako. Nawala tuloy yung kilig ko.
Pero kinikilig pa rin ako kasi nag-effort pa talaga syang pumunta rito sa amin makahingi lang sa akin ng sorry. Hay. Napapangiti
tuloy ako.
"Nginingiti-ngiti mo? Para kang lokaret dyan."
Si Kuya talaga kahit kelan panira ng moment. Hmm.
"Wala yun, may naalala lang ako. Ay, happy 20th birthday nga pala Kuya. Kumusta ang gising mo?"
Yup, today is his 20th birthday. Baka magdate na naman sila mamaya ni Ate LJ. Haha.
"Oh, thanks, dear sister. Kumusta ang gising ko? Haha. Ampanget nga eh. Nagising kasi ako ng dalawang boses na nag-aaway. Yung isa
yata ay boses ni Bridge?"
"Huh? Baka nanaginip ka lang? Hindi si Bridge pumunta dito."
"Ows? Hindi naman ako bingi noh. Pansin ko lang, lagi mong iniiwasan si Bridge. Ano ba pinag-awayan nyo?"
"Hay naku Kuya. Hindi kami nag-away noh. Tsaka huwag mo nang isipin yun. Ang isipin mo, yung almusal natin. Gutom na kasi ako eh."
"Nice ah. Ako pa talaga ang magluluto. Pwede magpaexcuse? Birthday ko naman eh."
"Walang excuse-excuse, walang birthday-birthday. Gutom na ako kaya magsimula ka na." Tapos pinush ko pa sya papuntang kusina. Hindi
na rin naman sya umangal. Haha. Ang bait kong kapatid eh. Hehe.
___
Author: BridJen (Bridge+JennieBee)?
----
Bridge's POV
Naknang lampaso naman oo! Ayaw nya ng sorry ko di wag. Tsk. Masyado namang mahirap suyuin si Chris. Hay. Pano ko na lang sa kanya
aaminin ang nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Teen FictionI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER