CL Chapter 7
Bridge's POV
Hindi ko pa rin sya nakakausap.
Chinicheer-up naman ako ni Matt pero pinangungunahan talaga ako ng hiya.
Kahit gustung-gusto ko na syang kausapin, 'di ko talaga kaya.
Muntik na nga akong iuntog ni Matt sa pader eh.
Ba't ba ang torpe ko?
Ba't ba ang duwag ko? :(
Hayyy,, nag-iisip ako ngayon kung pano makausap si Jennie Bee. Ang layo na nga nang narating ng isip ko eh. Hahaha. Katatapos ko pa lang maglunch.
"AAARRRAAYYY!!"
Ay timang! Nabangga ko at natumba ang isang babae sa hallway. The hell Bridge, tatanga-tanga ka na naman! Nakatayo naman agad sya kaya pinulot ko na lang yung mga nahulog na notebooks ng babae na puro pink dogs ang cover. May mga ilan-ilang napunit na pages kasi naapakan ko pa. Lagot!
"Miss, sorry. Hindi ko sinasadya. Eto na oh." Tapos inabot ko sakanya yung mga pink dog notebooks nya. Hinila nya naman agad ang mga yun sa akin. Grabe.
"TUMINGIN KA KASI SA DINARAANAN MO! ANG SAKIT NG PAGKAKATUMBA KO AT TINGNAN MO TULOY NANGYARI SA MGA NOTES KO! ALAM MO BANG PINAGPAGURAN KO ANG MGA YAN?!!"
"Ahm, Miss, sorry talaga. Kung gusto mo ako na lang magrerewrite ng mga napunit na notes. Para naman makabawi ako sa'yo."
"WAG NA! BAKA MAS LALO PANG DUMAMI ANG MAPINSALA MO! TSE!"
"EDI 'WAG!"
Tapos umalis na yung babaeng super sungit.
Ako na nga itong nagmamabuting-loob na tulungan sya. Pero maganda yung babae. Engineering ang uniform nya.
Pagdating ko sa room ng next class ko, nandun na si Best Matt. Sya pa lang narito. Haha.
English nga pala namin ngayon kaya kaklase ko sya kahit di pareho ang course namin. During Filipino at English ko lang sya kaklase kasi mixed courses sa subjects na 'to. Kaklase ko rin dito si Jennie Bee na long-time crush ko.
"Best!" Tawag ko sa kanya. Busy kasi sa pagkalikot ng CP nya.
"Oh, Best. Aga mo ata ngayon? Tara tabi tayo."
Umupo naman ako sa katabing upuan sakanya.
"Uhh, badtrip nga best eh. May babaeng galit na galit sakin. Sana nga 'di na ako makilala eh."
"Bakit naman nagalit? Uy best, ikaw huh!"
Tapos ngumiti sya ng nakakaloko.
"Heh! Wag kang green. Nabangga ko kasi sya tapos may mga napunit sa notes nya kasi naapakan ko. Ayun, nag-offer akong irewrite yung mga napinsala ko kaso highblood talaga."
"Susme. Wag mo na yang problemahin. Nangyari na eh. Pero, teka, bakit mo nabangga? Anyare?"
"Ang lalim kasi ng iniisip ko. 'di ko napansin na may makakasalubong akong babae sa hallway."
"Best, hallway yun. Malamang may dadaan dun at ano naman pala ang iniisip mo aber?
"Nag-iisip kasi ako ng paraan para makausap si *Jennie Bee*."
Author's note: Yung nakaenclosed po sa asterisks that means whispered o pabulong na sabi. Yun lang po. :))
Ibinulong ko na lang sakanya kasi medyo madami na ang nasa room. Pero wala pa naman si Jennie Bee at yung kasama nya lagi na lalaki.
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Novela JuvenilI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER