CL Chapter 33 & 34

194 4 3
                                    

CL Chapter 33

After 1 month..

April 26, 20**

Red's POV

"HAP--"

"Oops! Huwag mo akong babatiin."

"Huh? Bakit naman Bee? Birthday mo kaya ngayon. Debut mo pa nga eh."

"Basta ayoko. Ayoko na cinecelebrate ang birthday ko."

"Eh bakit nga? Kaya ba konte lang ang nakakaalam ng birthday mo?"

"Basta nga."

Meron pa pala akong di alam sa kanya. Akala ko talaga kilalang-kilala ko na sya.

"Dahil ba--"

"Ok. Sasabihin ko na. Huwag ka nang maingay."

"Ok."

Flashback>>

"Happy 6th birthday mga anak."

"Thanks Mommy."

"Blow the candles na."

"Ako muna mauuna Jennie huh?"

"No. Ako na muna Janna."

"Mga anak wag na kayo mag-away. Sabay na lang kayo magblow."

We blew the candles at the same time.

"Oh eto yung gifts namin ng dad nyo. Jennie this is for you and Janna this is for you naman."

"Thanks Mom." We both kissed Mom's cheeks.

"Oh sige na. Pumasok na kayo sa kwarto nyo at magsipagligo na. Aayusan pa kayo mamaya for your party."

"Yes Mommy."

We both entered our room.

"Janna, Janna. Look oh. Kulay blue ang dress ng doll ko. Ang ganda noh?"

"Oo nga noh? Pero maganda naman siguro 'tong doll ko. Pink nga lang ang kulay ng dress nya."

"You're kidding Janna? Eh mas maganda pa nga yan kaysa saken eh. Palit tayo. Akin na yan."

"No! This is mine Jennie!"

"Akin na sabi eh."

*KABLAAAM*

"Janna, Janna! Mommy! Si Janna!"

*foot steps*

"Diyos ko. Anong nangyari Jennie?"

"Nabagok po ang ulo ni Janna. Nahulog po kasi sya sa kama eh."

end of flashback.

"Kaya ayokong icelebrate ang birthday ko kasi yun din ang araw ng kamatayan ng kakambal ko. At dahil yun sa kagagawan ko. Huhuhu. Simula noon, itinago nila ang tungkol sa kapatid ko. Pinalabas nilang unica iha ako at hanggang ngayon ay hindi nila alam na ako ang may kasalanan ng pagkamatay nya."

"Ang lungkot naman pala. Tsk. Pasensya ka na kung kinulit kita huh?"

"Ok lang yun. Kaya nga ayaw ko ng may kaagaw eh. Baka magawa ko na naman ang bagay na ayaw ko nang maulit pa."

"Hayaan mo na. Si Milbx at Aikz na naman ba ang iniisip mo?"

"Oo, tama ka. May mga bago na naman kasi silang kakampi. Tsk."

"Eh ano naman? Meron ka rin namang kakampi. I'm heeeeeere!"

"Haha. Alam ko. Kaya nga bestfriend kita eh."

Coward LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon