CL Chapter 44
Chris' POV
T@ng inang babaeng yun! Grrrrhhh!! Di na tuloy ako makakapaglaro. Bukod sa dumugo yung ilong ko ay napilayan pa ako sa isang paa dahil sa maling pagkakatumba ko. Arggghh! She'll pay for this. Inagaw nya na nga saken si Bridge eh!! Tapos ako na nga yung titira ng bola, nakipag-agawan pa sakin. Psh.
Nandito ako ngayon sa isang clinic. Hinihintay ko sina Aikz at Frances na dumating. Sila kasi ang bibili ng crutches ko. Hindi ko kasi talaga kayang maglakad kung walang saklay. Huhu.
Hindi man lang nga nagsorry yung Bee na yun eh. Ang sama talaga. :v
Tumawag saken kanina si Kuya dahil nalaman nya ang nangyari saken. Si Aikz daw ang nag-inform sa kanya.
Maya-maya ay dumating na sina Aikz at Frances na dala yung crutches na binili. Yung coach namin ang nagdonate ng pambili. Alam nya naman kasi ang status namin sa buhay.
"Chris, kaya mo na bang tumayo? Gusto mong sumama samin kina Milbx? Sila daw kasi ang panalo eh." Sabi ni Aikz. Well, pwede na rin naman akong umalis dito.
"Oo. Sasama ako. Ang boring kasi eh. Ilang minuto rin akong nakatunganga dito. Tsaka pagod ang mga yun. Baka hindi nila kayanin maglakad papunta dito. Malayu-layo pa naman ang clinic na 'to sa court."
"Ah sige. Pero aalalayan ka pa rin namin ni France."
"Naku. Kahit wag na. Para saan pa ang biniling crutches na 'to?"
"Sige. Ikaw bahala. Pero pag napagod ka, just tell us. Malayo pa ang lalakarin natin."
Then nagsimula na kaming maglakad-lakad. Medyo mabagal nga ako maglakad eh. Tsk. Mahirap pala maging pilay. Psh.
"Kaya mo pa ba Ate Chris?" Napansin ni Frances na tumigil ako kaya tumigil din silang dalawa. Tsk. Kainis kasi ang Bee na yun eh.
"Tulungan ka na namin." Then lumapit sina Frances at Aikz sa akin at inalalayan ako. Ang swerte ko sa mga kaibigan kong 'to.
Sa di kalayuan ay may natanaw akong nag-PPDA. Ewan ko kung nakita rin nina Aikz.
Kumalas sa yakap yung babae.
Sabi na eh! Yung magkayakap kanina ay sina Bridge at Bee. Tapos nagpapalitan pa sila ng tawa. Hindi naman ganyan kung tumawa si Bridge noon ah? Tapos naglakad na yung dalawa nang magkaholding hands. Tsk. Ouch lang ah? I'm here!!!! Uminit yung mukha ko at batid kong anytime ay papatak ang luha ko.
"Chris, alam kong masakit para sayo ang nakita mo." Sabi ni Aikz. So, nakita rin nila? At mukhang alam na talaga ni Aikz na mahal ko si Bridge.
Hindi ko na napigilan pang umiyak at mapayakap kay Aikz.
Bakit ganito? Akala ko ba si Jason lang ang mananakit saken? Akala ko ba sya lang ang iiyakan ko noon? Bakit pati si Bridge ay iniiyakan ko na rin? Akala ko kapag nagpakatomboy ako ay hindi na ako masasaktan ng lalaki? Hayzt, bakit?!!
After ng pag-iyak-iyak ko kanina ay ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.
At ngayon ay nandito na kami sa kinaroroonan nina Matt at Milbx.
I congratulated them for their win. Tapos napansin nila ang mata ko na kagagaling lang sa pag-iyak.
Kinuwento naman ni Aikz ang nakita namin. Syempre nagpaalam muna sya saken kung isasabi nya ba ang nalalaman nya. Sinang-ayunan ko naman sya at sinabi nya na nga kina Matt, Milbx, Frances at Allen ang nararamdaman ko kay Bridge. Nagulat nga silang lahat eh lalo na si Matt. Tapos parang nabatid ko na may gusto rin syang sabihin saken. Pero mukhang wala naman syang balak kaya hindi ko na lang sya inusisa. Pero ano kaya yun kung saka-sakali?
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Novela JuvenilI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER