CL Chapter 47
Chris' POV
Araw ng mga patay ngayon. Tsk. Parang gusto ko nang mamatay. Huhuhu. Bakit ka ba kasi Bridge nagbago? Ano ba ang wala saken na meron si Bee? Eh puro kamalditahan nga ang alam nun eh. Grrrh! Bitter na ba ako? Oo yata eh? Hayzt! Eh ako? Ba't daw ba ako inlove kay Bridge? Bukod sa gwapo sya, maganda na ang boses, magaling pa maggitara. Saan ka pa? Nakakainlove kasi ang mga boys na magaling sa gitara eh. Pero dapat walang dahilan ang pagmamahal mo sa isang tao, right? If yes, kalimutan nyo na yung mga nabanggit ko sa itaas. Basta iba ang kabog ng puso ko kay Bridge eh. Kaya ayun, ang tanga-tanga ng puso ko katulad ng taong naglalaman sa kanya at ako yun. ToT
BRIDGE!! Ako na lang kasi please???? Mahal na mahal kita, alam mo ba yun? Iwan mo na ang Bee na yan. Panira lang sya sa pagmamahalan natin eh. Alam mo bang pilit ka nang kinakalimutan ni Matt? Pero ako, hinding-hindi kita kakalimutan. Alam kong may pag-asa pa tayong dalawa.
By the way, magaling na ang mga paa ko!! :))
Pwede na ulit akong maglakad na lalaking-lalaki. Hihihi.
"Chris, siguro konte na lang ang tao dun sa sementeryo. Magbihis ka na dahil dadalawin na natin sina Mama at Papa."
"Opo Kuya!"
Hayzt! How I wish na nabubuhay pa sina Mama ta Papa ngayon. :(
Para makilala nila nang personal ang lalaking nagpalambot ulit ng puso ko.
Sa tingin nyo may pag-asa pa ba kami ni Bridge? Think positive lang, meron pa di ba? Pero kung sakaling magkaharap muli kami, ano kaya ang magiging reaksyon ko?
Frances' POV
WAAAAAAAAHH!! Tapos na ang pinakamamahal kong sembreak. >.<
May pasok na naman bukas. Second semester na. Sana enjoy rin sya tulad ng nakaraang semester. By the way, hindi ko na talaga kaya. Gustung-gusto ko na talagang sabihin kay Ryan ang nararamdaman ko para sa kanya. Tapos kapag ok na, bebreakan ko si Allen tapos magpapakasal kami ni Ryan tapos magkikiss tapos magkakaroon kami ng mga anak. Waaaaah! Ang saya naman ng ganun. :D
Hay, naayos ko na ang mga gamit ko. Off to bed na!
---
Nakakaexcite namang pumasok. :_)
Wait, ano kaya kung sasabay saken si Allen? Nasa waiting shed na ako para maghintay ng masasakyan papuntang university. This day ko na sasabihin kay Ryan na mahal ko sya. Practice nga muna ako habang wala pang nadaan dito. Hmm. Ok, deep breath!
"HAAAAAAAAAAAAH!"
Here we go.
"Ryan, mahal kita!"
Tama ba? Parang mabibigla naman yung tao kung yun agad ang sasabihin ko. Ok, take two!
"Ryan, ahm, may gusto sana ako sayong sabihin. Matagal ko na 'tong itinatago sayo. Ryan, I love you. Mahal kita Ryan!"
"Totoo ba yan?!"
Huh? Who's that? Lagot, may nakarinig. Oh my! Siomai! Dahan-dahan akong lumingon sa bandang gilid ko.
"Allen??"
"Nagulat ba kita?"
"Ahm....oo eh."
"So totoo ba yang pinapractice mo dyan?"
"Sorry." Sabay yuko ko naman. Then lumapit sya saken.
"Tinatanong kita. Totoo ba ang mga narinig ko huh?!" Pagalit nyang sabi habang nakahawak sa balikat ko at yinuyugyog ako.
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Teen FictionI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER
