CL Chapter 42

149 3 0
                                    

CL Chapter 42

Milbx' POV

Pumunta ako sa room ng current class ni Aikz. Pero sabi ni Matt, nasa clinic daw si Aikz. Sya kasi ang nakaschedule dun ngayon sa practicum slash training nila as a nursing student. Hmp. Ang layo pa naman ng clinic. Dun pa yun sa malapit sa education department. Kainis, baka may lumandi sa kanyang lalaki dun. Ay ano ba 'tong pinag-iisip ko?

Bakit nga pala ako sa kanya pupunta?

Wala lang, gusto ko lang syang makita. Di na ako makapaghintay ng lunchbreak kasi 2 days ko syang hindi nasilayan eh. Nagpaalam pa akong masakit ang ulo kaya ako nakalabas ng room namin. Naloko ko naman yung professor eh. Haha.

Teka?

Chance ko pala syang makasama ngayon nang matagal. Hehe. Tama! Ako na lang ang magiging pasyente nya. Haha. Kanina kasi, ang goal ko ay makita at makausap sya kahit konting oras lang.

So eto, binabaybay ko ngayon ang daan papuntang clinic. Tss. Mga babaeng nakaupo sa benches kung makatingin sa akin parang wala ng bukas. First time kong pupunta dun. Hmp. Take note, solo flight lang ako ngayon.

"ANG GWAPO NYA OH!"

"OO NGA! PAPABLE!"

"KOYA! ANO PANGALAN MO?!"

"PWEDE MAKUHA CP NUMBER MO?!"

Sige sumigaw lang kayo. Wala akong time sa inyo.

"KOYAAAAAAAAAA!!"

Binilisan ko na ang lakad ko bago pa man ako malapitan ng mga yun. Hmp.

And finally, nasa loob na ako ng clinic. Saang room kaya si Aikz pumasok?

"Pero Rhay?"

Nadinig ko ang isang boses.

Then may lumabas sa isang kwarto. Si Ryan pala. Tapos, napadako ang tingin nya sa akin. Pero binawi nya agad ang tingin nya at nakatungo sya habang naglalakad palabas. Syempre dumaan sya sa akin. Nakita ko ang mga pasa sa mukha nya. Nangyari dun?

And wait? Hindi kaya kay Aikz yung boses kanina? Tumakbo ako papunta dun sa kwartong pinanggalingan ni Ryan.

Tama, si Aikz yung nagsalita kanina. Nasa may bintana siya at nakatingin sa malayo kaya hindi nya ako napansin. Nakasuot sya ng uniform na pangnurse talaga at bagay na bagay sa kanya. Teka, bakit parang malungkot sya?

Linapitan ko sya at sa wakas ay napansin nya na ako.

Nagpunas naman agad sya ng luha nya at pilit na ngumiti.

Bakit sya umiiyak?

"Why are you here?" Tanong nya saken.

"Ano, ahm. Masakit ang ulo ko." Tapos humawak ako sa tiyan ko.

"Huh? Eh bakit ka nahawak sa tiyan kung ulo ang masakit sayo?"

"Oo nga, masakit ang tiyan ko. Hehe."

"Ay ewan ko sayo. Go, higa ka na dyan sa hospital bed. Kung ano pa man yan na masakit sayo ay kelangang malunasan agad. Tsaka dapat lang na alagaan kita kasi...kasi..."

Kasi ano naman kaya? Kasi gwapo ako? Kasi mahal nya ako? Tama, yun nga siguro ang dahilan kung bakit nya ako aalagaan. Hehe. <3___<3

"Kasi ano?" Tanong ko sa kanya nang nakaganito. ^__________^

"Kasi grade ko ang nakasalalay dito. Go, higa ka na."

Ganun? Yung ganito ko

^__________^   naging

Coward LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon