CL Chapter 5
Christine's POV
First day of school ngayon. Hmm, wala akong kilala dito sa mga Chemical Engineering students except sa ex ko. Eh, nationwide kasi ang school na 'to. Tsk. Kainis din kasi nag-usap kami na pareho dapat kami ng course. Hayyy, kahit hindi ko 'to gusto, dito ako nag-enrol kasi dito gusto ng J*s*n na yun. Speaking of him, absent ata? Mabuti naman. Sana lagi syang absent. >:D
"KKKYYYAAAAHHH!!!"
Ay, siopao! Nagulat naman ako sa tili na mga babae rito. Buti hindi lalaki ang mga tumili. Haha.
May pumasok pala kasing lalaki na cheese ang ulo este blonde ang buhok.XD
Medyo maangas sya tingnan kaya hindi ko na tiningnan.
"Classmate natin yung blonde ang buhok na gwapo, yaahhhooo!!"
Tsk. Lalandi ng mga babae rito. 'wag kayong magpakahangal sa mga lalaki, lolokohin lang nila kayo. Hehe. Bitter ba?
"CAN YOU PLEASE SHUT THE F*CK UP?!! IS THIS YOUR FIRST TIME SEEING A PERSON WITH F*CKING BLONDE HAIR??!!"
Sumigaw yung cheese ang ulo kaya natahimik yung room. Tama naman sya kaso may mga bad words nga lang, haha!
"Ay, Bad Boy pala mga 'te. Hayaan na natin sya!!"
May bumasag na ng katahimikan.
Maya-maya napansin kong may nakatitig sakin. Paglingon ko si cheesehead pala. Parang nagulat sya nang tiningnan ko, hindi naman ako multo ah?
Inalis nya ang tingin nya sakin tapos lumipat sya ng pwesto, yung malayo sakin.
Hindi ko na lang sya pinansin.
Dumating na kasi yung professor.
Collecting of classcards lang naman.
Dinismiss agad kami pagkatapos.
Tiningnan ko ulit si Cheesehead.
Aba't nakatitig pala sakin.
Kumaripas sya nang takbo palabas nang tiningnan ko sya.
Ano bang problema nya sakin? Tss.
Bahala na nga lang sya. Nagkibit-balikat na lang ako.
Lumabas na rin lang ako. May next subject pa kasi ako mamaya.
"Pssst."
"Ay kapre!!"
"Kagwapo kong kapre."
"Kuya naman, ba't ka nangugulat?"
Nakakaasar ang ngiti ng lalaking 'to,psh!
"Sinitsitan lang, nagulat agad?"
"Ay hindi kuya, hindi. Grabe, tuwang-tuwa nga ako eh. Tadyakin kaya kita dyan."
Cullinary Arts ang kinuhang course dito ni Kuya. 3rd year college na sya.
Sad to say, wala na kaming mga magulang. Kaya todo sikap si Kuya. May part time job sya tuwing gabi at ang kanyang kita ay sapat na upang makompleto namin ang tatlong meals.
Dito kami nag-aral dahil nakapasa kami sa scholarship ng may-ari ng school na 'to. Meron naman kaming bahay malapit dito. Maliit lang sya pero kasya na ang mga gamit namin.
"Oh sige, kasi naiihi na ako, nadaanan lang naman kita rito."
"Go! Shoo! Shoo!"
Haha, tabuyin daw ba? Umalis na rin naman sya.
Kung 'di nyo pala maitatanong, love na love ko 'yan si Kuya. Napakasipag kasi eh.
Hindi nya nga pala alam na wala na kami ni J*s*n. Hindi ko pa sa kanya naikwento.
Ayoko na nga siguro?
Sya kasi ang nagpakilala kay J*s*n sa akin. Baka sisisihin nya pa ang sarili nya sa ginawa sakin ng X kong yun.
'wag na nga nating pag-usapan si ex. Kakawalang-gana eh.
Hmm, teka, tingnan ko nga next sched. ko.
(scanning whiteform)
Nat. Sci. 1, LH 7, MT, 1-2:30 pm
9:57 am pa lang naman, tsk. Ang haba naman ng break.
Makauwi na nga muna ng bahay.
Nagtricy ako kasi nitatamad ako lumakad.
Pagdating ko sa bahay natulog na muna ako. Eh, sa wala akong magawa?
Melbourne's POV
SYA NGA!!
Oo, sya nga!
Nakakainis! What a small word?! Maging classmate ko ba naman ang taong muntikan ko ng masagasaan. :(
Hala, baka ipakulong ako nito, hayyy. Madali pa naman ako makilala dahil sa buhok kong blonde, tsk tsk.
Napansin nya sigurong tinititigan ko sya kaya sya lumingon sa akin. Nagulat ako dun ah. Pero parang nagtataka sya sakin. Hindi nya ba ako nakilala?
Inalis ko yung tingin ko sakanya at lumipat ako ng upuan na malayo sakanya. Mahirap na, baka makilala nya ako.
Maya't maya pa ay dumating na yung professor.
Collecting of classcards lang naman.
Dinismiss agad kami pagkatapos.
Tinitigan ko nang mabuti yung babae. Alam ko sya talaga yun. Pero bakit kaya 'di nya ako makila-kilala? Oh, well! Mas mabuti na nga yun.
Bigla syang tumingin sakin. Ang lolo nyo ay natakot kaya kumaripas agad ako ng takbo palabas. Baka naaalala nya na ako. Oh no! Same course pa naman kami. Aisht!
1 pm pa naman ang next kong class kaya tatambay na muna ako kung saan. Kaso, baka magkagulo na naman dito?
Pumunta muna akong CR kasi naiihi na 'ko. Epekto 'to ng takot ko dun sa babae. Haha!
Pagkatapos kong magjingle syempre lumabas na ako. Mapanghe there eh.
*bzzt bzzt*
May nagtext. Hmm,
(opening message)
*Paaakkk!!*
*Blaagg!!*
*Aww!*
Nakabanggaan ko ang isang lalaki. Medyo matangkad sakin ng konte. Konteng-konte lang naman.
Ang CP ko, ayun sa sahig. WHAT THE????!! SA SAHIG ??!! My gosh!! Nagkalat ang mga parts, huhuhu.
"HEY! LOOK WHAT YOU DID!!"
Sigaw ko sa lalaki. Tapos pinulot nya naman isa-isa yung mga parte-parte.
Wow, naayos nya.
"Tol oh? Pasensya ka na. Bigla mo kasi akong binangga eh."
He gave me my CP. Wait, ako ba yung bumangga?? Hala, shette. Dapat ako mag-apologize. Pero, nahulog naman CP ko kaya quits na kami.
"Its ok."
Lalabas na sana ako nang..
"Bro, teka!"
Tinawag ako ng lalaki kaya lumapit ako sa kanya.
"Why?"
"Christan Jimmy de Guzman pala, Bro. At your service. ^___^"
Then, he extends his hand to me.
"I'm Melbourne Paolo Guttierez."
(shake hands)
Mabait ako ngayon? Haha.
"Geh, Bro."
"Bye."
He looks like someone. May kamukha sya eh. 'di ko lang maalala kung sino.
Tsk, bakit ko ba sya pinoproblema?
Yung text pala kanina 'di ko pa nabasa.
(hablot ng CP sa bulsa)
From: Dad!
How are you?
---end---
Ngek? Yun lang ang text. Masyado namang importante. Hiyang-hiya ako kay father.XD
Ignore na nga lang.
Napasyal ako sa canteen.
I mean, mag-eearly lunch ako.
Wala naman akong ibang gagawin. Walang dota rito eh. Sa labas meron pero ayoko munang lumabas. Alam nyo na.
Pagkatapos kong kumain pumunta na akong room para sa next subject ko.
Ako ang unang dumating. Inub-ob ko na lang yung ulo ko sa table ng arm chair kaysa naman kausapin ko yung blackboard.
Mga ilang minuto pa lang ay nakatulog na ako nang 'di ko namamalayan.
May naramdaman akong kumalabit sakin. Tsk. 'wag naman sanang multo. Takot ako dun eehh. :(
Patuloy pa rin akong kinakalabit kaya napatayo na ako dahil sa takot.
"MUL--"
"Hindi ako multo, ok?"
"AAAAAHHHHHHHHH!"
"Hoy, ano bang problema mo sakin?"
She caught my right arm.
"None of your business!! Let go of me!!"
Nabitawan nya ako kaya tumakbo agad ako palabas ng room. Naiinis ako. Bakit kelangan nya pang lumapit nang lumapit sakin?
Curious kayo kung sino yun?
Sya yung muntikan ko nang masagasaan. Everyday ko syang iniiwasan. Siguro nga talaga hindi nya alam na ako yung lalaking makakasagasa sakanya. Linalayuan ko sya para 'di nya malaman.XD
CL Chapter 6
Jennie Bee's POV
5 days ko nang kasama ang lalaking 'to.
Sya lang naman ang nakakausap ko rito eh.
Mabait naman sya, kaso isip-bata talaga masyado.
Lagi nyang sinasabing bata pa sya. Pero sabagay, 15 years old pa lang sya.
"Hoy Pula, kanina ka pa dyan walang imik?"
45 minutes break kami ngayon kaya natambay kami sa bench.
I'm expecting him to answer kaso wala.
"Hello? Busy ang network ng RED mobile?"
Nakakainis! 'di man lang naimik.
*CHING!*
Ayaw sumagot huh.
Boooogsh!
"Awww! Bakit ka ba nanunulak huh, Babe? Nahulog tuloy ako."
He loves calling me Babe. Naikwento ko kasi sakanya ang tungkol sa past ko.
Sya na lang daw ang tatawag sakin ng "Babe". Pero ayoko pa rin.
"Eh, kasi po Mr. Red Lopez. Hindi ka man lang sumasagot dyan. Your brain is flying somewhere in the universe. Tsaka, wag mo nga akong tinatawag na Babe. Kainis ka."
"Gusto kong yun ang itawag sayo, bakit? Eh bestfriend mo naman ako. And Babe, may iniisip ako, ok?"
"Bestfriend ka dyan. Of course you're not my bestfriend."
"Hindi raw. Wala naman syang ibang kasama." *pout*
"Hey, stop pouting! You're not cute."
"Ikaw kasi, sabi mo hindi mo ako bestfriend. And, I admit, I'm not cute. Cause I'm handsome and hot."
I rolled my eyes. I'm speechless to him!! >.<
Then suddenly,
"Hey! Where are you going?"
Iwanan daw ba ako?
Hindi sya lumingon, nakakainis.
"Red!!!!!!!!!!!!!"
Hindi pa rin sya lumilingon. :(
Dire-diretso lang sya.
What the hell is his problem?
"RED WAAAIITTT!!!!!"
I'm chasing him now.
Hindi pa rin sya lumilingon o kahit hintayin man lang ako.Tss.
"Red, ano ba?!!!"
Finally, naabutan ko na rin sya. Hinarangan ko pa nga eh.
"Ano ba? Bakit 'di mo ako pinapansin?"
"I do not know you. Stay away from me!"
Aba?!
"Uy, anong kasalanan ko?"
Walanghiyang 'to. Nakakababa ng pride. psh!
"My mom told me not to talk to strangers, so please evaporate in front of me."
Lokong 'to. He's really childish. I know the reason behind. Bababaan ko na nga ang pride ko. Hay naku, kung meron lang akong ibang makakasama, hindi ako magtitiis sa lalaking 'to. =___=
Hingang malalim.
"Ok. I'm sorry. You can call me "Babe" and yes, you're my bestfriend. Happy now?"
"Nakain mo?"
"Ano? Sinasabi mo bang ayaw mo? Sige, binabawi ko na."
"Ano ka ba, Babe? Binibiro lang kita. Tara na nga. Hehehe. Thanks, by the way."
Sabi ko naman sainyo di ba? He's very childish.
"Uhh, Red, ano pala iniisip mo kanina at hindi ka maistorbo?"
"Pwede "Babe" din itawag mo sakin Babe?"
"Daming favor. Oo na, Babe!"
"Good. Ang iniisip ko lang kanina ay kung ano ba talaga si Jollibee? Bubuyog ba talaga sya o langgam? Ikaw Babe, alam mo ba?"
Alam nyo yung feeling na gusto nyong mambatok? Yung batok na malakas na malakas?
Sakyan na lang natin, kawawa naman.
"Oo Babe. Alam ko langgam sya eh."
"Kung gayon, dapat Jolli-ant ang pangalan nya."
Naniwala naman,psh.
"Naniwala ka naman sa sinabi ko. Are you crazy? Jollibee is just a mascot ok?
"Ah, 'di ibig sabihin may tao sa loob ng katawan nya?"
"Oo!"
Para syang walang utak. Nagmedicine pa sya. Ahaha. Joke lang.
"Ahh, alam ko na! Ikaw ang tao sa loob ni Jollibee. 'wag ka ng magdedeny! Malakas ang ebidensya Babe. Bwahahahaha!"
"Oh, ano naman ang ebidensya aber?"
"Pangalan mo."
"Loko ka talaga."
"Hep, hep, hep! Hindi pa ako tapos. According to my computations, si Jollibee ay isang langgam na mascot at hindi sya bubuyog. Nangyari lamang na tinawag syang Jollibee dahil sa taong nasa loob nya. Jennie Bee ka kaya naging Jollibee si Jolli-ant. Oh di ba Babe tama ako?
"Ewan ko sayo! Oo na nga lang."
"'wag ka na kasing magdeny."
"Oo nga sabi. Tara na nga."
Pumunta na kami ng room namin sa Biology.
Sakto pagdating namin, dumating na rin yung professor.
Redden's POV
Author's note: First time ko, este nya mag-POV. :)
Samahan natin ang PINAKAMABAIT na character ng story, hehehe!
Biology class namin ngayon ni Babe. Kilala nyo naman si Babe di ba?
Ok. Aaminin ko sainyo. She's my crush since 3rd year. Ngayon nya lang ako nakakausap nang matagal. Nung highschool hanggang hiraman lang kami ng notebook. Hindi ko expected na magiging classmate ko sya ulit ngayong college eh. Sya nga unang namansin nung first day of school. :)
Ang saya-saya ko nga pag kasama ko sya eh. Kanina ko lang sya napapayag na maging bestfriend, hehehe. Dinaan ko pa nga sa tampo, buti nga kumagat sya,XD
Pano ko ba aaminin ang nararamdaman ko sakanya kung nahihiya ako sakanya?
Dinaraan ko ang lahat sa mga biro para hindi nya mahalata. Tsaka baka layuan nya pa ako pag nalaman nya.
"Babe, may naresearch ka tungkol sa Cell Theory?"
Katabi ko sya sa upuan. Ang kada dalawang upuan dito ay magkarugtong. Kapag gumalaw ako sa kinauupuan ko madadamay sya. :) Mapagtripan nga 'to mamaya. *evil grin*
"Wala. Bakit Babe?"
"Ahh, ako Babe meron. Ito oh."
Tapos pinakita ko sakanya yung niresearch ko.
"Sipag ah."
Hand-written kasi yun, hindi printed.
"Hehehe, naman! Ako pa."
"Pakopya huh?"
"Sure. Sulat ka na."
Mahaba-haba na rin yung nasulat nya nang naalala ko yung plano ko.
Pasimple kong niyuyugyog ang upuan ko na konektado sa upuan nya.
"Uy wag kang malikot, nadadamay ako."
Patuloy pa rin sya sa pagsulat. Pinipigilan ko ang pagtawa ko dahil baka mapagalitan ako ng professor.
"Eh, sanay kasi ako nang ganito. Usog mo upuan mo kung gusto mo."
Hahaha. 'di nya naman mauusog kasi nga connected sa upuan ko. Natatawa na talaga ako dito.
"Haha, sige nga. Pano naman Babe? Ganito ba?" Tapos ilinalayo nya naman kuno yung arm table ng chair kahit hindi naman talaga nagagalaw.
At hala? Tumawa rin sya? Seriously? Pero yung tawang patago. Alam nyo yun? XD Sinasakyan nya naman ang mga kalokohan ko. ahaha.
"Hindi, lalagariin natin Babe. Ganito oh." Then, dinedemonstrate ko sa kanya na parang linalagari ng kamay ko yung boundary ng upuan namin.
"Ahaha, loko ka talaga Babe."
Tumatawa kami na nakatakip ng notebook ang bibig. Baka mahuli ni prof. eh. XD
"'di naman 'to matutumba kasi may mga paa parehas. Next time magdala ka ng lagari Babe huh?"
"Bakit ako?"
"Hahaha. Eh ikaw naman ang may ayaw na katabi ako."
"Hey, wala akong sinabing ganun? Sabi ko lang wag mong yinuyugyog ang upuan mo kasi damay 'tong akin."
"Pareho na rin yun. Kaya nga umusog ka na dyan. Haha"
"Kakatawa."
"Lagiriin na lang nga kasi, dala ka basta Babe next week."
"Oo na nga lang Babe. Tapos na pala ako oh."
"Class, what other similarities of cells can you give except from DNA is their genetic material?"
Teka, meron ata ako nun ah.
Scan.
Scan.
Yun!
I raised my hand.
"Yes, Mr. Lopez."
Wow, kilala ako ni Prof. :)
"Ahm, all cells have plasma membrane."
"Ok, correct. All cells posseses plasma membrane."
Tapos todo recite kami ni Babe. Tinawanan ko nga sya kasi hindi naalala ng professor yung apelyido nya samantalang akin ay tandang-tanda. Hehe. Halos lahat atang tanong kami ang nagrecite. Nalilito na nga si Prof kung sino ang tatawagin nya sa amin. Pero meron namang ibang nakakapagrecite din. Pero kadalasan talaga kami, XD
"Organelles are functional unit of the cell."
"Size of the particle or particle size."
"Electrical charge."
"Lipid solubility."
Pagkatapos ng discussion ay nagkulitan pa rin kami.
"Babe, bakit mas maluwag ang upuan mo?"
Tapos sinukat-sukat ko yung upuan nya gamit ang dalawa kong kamay saka ko hinambing sa upuan ko.
Mas maluwag talaga yung upuan nya.
"Haha, ano yang ginagawa mo Babe? Parang kay Mr. Bean."
"Oo yata. Yung paggawa nya ng bagong bintana."
"Haha, kaya nga. Uy, kasya ata tayo dito pareho Babe."
"Oo, sakto yung sukat."
Tapos tinabihan ko sya. Saktong-sakto talaga. Hahaha.
"Oh di ba? Kasya tayo Babe."
"Hehe, next time Babe, share tayo dyan sa upuan mo huh?
"Ahaha. May saltik ka talaga."
Grabe, nakakaenjoy ang araw na 'to. Haha. Syempre dahil kay Babe na bestfriend ko. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/3086799-288-k239989.jpg)
BINABASA MO ANG
Coward Lover
Fiksi RemajaI'm coward , but I love her. He's a coward, but I love him. COWARD LOVER