CL Chapter 31 & 32

192 6 0
                                    

CL Chapter 31

January 24, 20**

Chris' POV

"HAPPY HAPPY BIRTHDAY BEST!!" si Milbx yan.

Today is my 17th birthday at mamayang uwian ay magsho-shopping kami. Treat ni Milbx, haha. Kaming apat ang magkakasama. Ako, si Kuya Jim, si Milbx at si Aikz. Oo, kasama si Aikz. Gusto ko kasing humingi sa kanya ng sorry dun sa ginawa ko sa kanya. Sana nga mapatawad nya ako. Pero sabi ni Milbx, hindi naman daw si Aikz mahirap amuhin, hahaha.

"Thanks Best. By the way, nainform mo na ba si 'Mahal' mo na magsho-shopping tayo mamaya?"

"Hindi pa eh. Sa school na lang. Di ka naman excited 'noh? Hahaha."

"Hmp. Ewan ko sa'yo. Magready ka nga for school. Shoo! Shoo! Shoo!"

"Ahaha. Ok. Ok."

Then, he vanished.

Mas gusto ko talaga si Aikz kaysa dun kay Jennie. She's so mean kasi. Muntikan na si Aikz malunod dahil sa kagagawan nya. She's good in acting din. Tsaka bakit hindi nya kausapin si Milbx nang pormal di ba? Hinusgahan nya agad ang mga bagay-bagay. Teka? Ako rin naman ah. Pero, atleast, naiintindihan ko na ang sitwasyon ngayon. So far, kaming dalawa pa lang ni Milbx ang nakakaalam sa nararamdaman nya para kay Aikz.

"Hoy Utol! Kapanganakan mo pala ngayon. Haha. Akalain mo yun. Akala ko natanggal na sa kalendaryo ang birthday mo, hahaha."

si Kuya pala. Parang kabute naman 'to.

"Tinatamad ako tumawa Kuya. Next time na lang."

"Eto naman. Di ka naman masyadong mabiro. Happy birthday!"

"Ewan ko sa'yo. Magluto ka na. Haha."

"At kelan mo pa ako naging tigaluto?"

"Matagal na. Haha. Sya nga pala, may pupuntahan tayo mamayang uwian. Celebration ng birthday ko."

"Huh? Di ako pwede. 10 pm ang uwi ko."

"What? Bakit naman?"

"Practicum namin."

"Ah ok. Good luck na lang. Pasarapin mo ang lulutuin mo ah."

"Aba'y syempre naman."

Siguro mas OK nga na wala si Kuya mamaya. Atleast di nya na malaman yung ginawa ko kay Aikz.

Aikz' POV

Uwian na namin ni Matt. Si Bridge mamayang 6pm pa ang uwi.

"Matt, Matt, Matt, may pupuntahan ka?"

"Ah? Wala naman. Why?"

"May pupuntahan kasi ako eh."

"Ah ok. Lagi naman. Hmp."

"Importante kasi."

"Oo nga. Whatevah!"

"Ok. Thanks Mattie." ^__^

Sinabihan kasi ako kanina ni Milbx na magsho-shopping kami ngayon. Birthday daw ni Chris. Hindi naman sana ako interesado kaso mapilit si Milbx kay pumayag na lang ako. Papunta na nga ako dun sa engineering department eh. Hinihintay na siguro ako nung dalawa. Ok, kasasabi ko lang.

"Kanina pa kayo Milbx naghihintay?"

Nakasalubong ko sila.

"Ah oo. Mga 5-6 minutes siguro."

"Kinausap ko muna kasi si Matt. Sorry."

"OK lang yun."

Nagsmile lang ako. Then, binuksan ni Milbx yung kabilang door sa unahan.

Coward LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon