CL Chapter 21 & 22

220 3 1
                                    

CL Chapter 21

Aikz' POV

Tinawagan ako kanina ni Rhay. Birthday nya pala ngayon. Hmp. Ako napili nyang idate. Haha. First time ko mamaya makipagdate.

Wala pa pala akong regalo sa kanya. Tanungin ko kaya si Bridge kung anong pwede.

"Ei Bridge, ano pwedeng iregalo kay Ryan?"

"Ooh, ewan, kahit ano. Haha. Ayie, close sila."

"Bakit hindi ba sya pwedeng maging close sakin?"

"Pwede. Haha."

---

I didn't informed Bridge and Matt about sa "date" namin ni Rhay. Nahihiya ako eh. :P

So heto ako ngayon sa mall. Bibili ako ng gift for him. Buti may pera akong naipon.

4pm pa lang naman. Napaaga nga ang dismissal namin eh.

Window shopping muna ang peg ko ngayon. Kapag may type ako, edi yun na ang iregalo ko.

"Miss may color blue po ba nito?" tanong ko sa saleslady. Nakahanap ako ng polo shirt. Kulay white sya na may green. Gusto ko blue kasi nakablue si Rhay nung una kong makita. :)

"Ahm, meron po Miss. Teka, kukuha lang po ako."

---

>Villamero Restaurant, Looney. 6pm.

"Happy Bornday Rhay!!" bati ko sa gwapong creature na ka-date ko ngayon.

"Hehe, iba pa rin pala ang impact kapag binati ng personal. Thanks ulit Aikz."

He smiled. Ang cute rin talaga ng taong 'to. Hawig syang konte dun sa masungit na taong nakaaway ko, haha. Oops. Wag na natin syang pag-usapan. ^^

Sabi nya kahit alin daw na gusto ko ay maaari kong orderin hangga't kaya pa ng pera nya. Nahiya naman tuloy ako sa kanya. Haha. Edi tatlong klase lang ang inorder ko. Beefsteak, shredded chicken at choco-caramel sundae. ^__^  At syempre naman, may kanin.

After 100 hours, natapos din kami kumain. hehe.

"Ahm, Rhay, gift ko nga pala." I hope magustuhan nya.

"Ngek, nag-abala ka pa. Hehe. Hindi naman ako humingi ah. Anyways, thank you."

"Syempre, ang kuripot ko naman kung hindi kita regaluhan."

"Sabagay, kaso ikaw lang naman ang nagregalo sakin na unexpected eh."

"Haha? Ganun. Sino lang nagregalo sayo?"

"My family. Sya nga pala. Kapatid ka pala ng bestfriend ko ah."

"Sino?"

"Si Allen. Bakit meron ka pa bang ibang kapatid?"

"Talaga? Bestfriend mo si Allen? Oh, ayos ah. Hmm, yeah. Meron pa akong kapatid na isa. Si JR, fourth year din sya. Hindi mo kilala?"

"Ahh, hindi eh. Hindi sakin naikwento ni Allen ang about sa family nyo."

"Uhh, sige. Mas bata si JR kaysa kay Allen. Sabay lang sila nag-aral. Junior si JR ng papa namin. Estilito Padilla Jr. sya."

"Ok, ikaw? Ano pala full name mo? Hindi ko pa alam eh."

"Aikz Erika Padilla."

"Wow, parang male version mo lang si Allen Erick, haha."

"Oo nga eh. Hehehe."

Milbx' POV

It's been a week ago since nagising ako mula sa aksidenteng sinapit ko. Kakauwi ko lang sa condo unit ko.

Coward LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon