Simula

1.6K 37 11
                                    

"Thank you, everyone. I can't wait to start our discussion next week. Again, I'm Engr. Andrei Cervantes and I will be your instructor in Calculus."

Kinuha ni Drei ang eraser saka binura ang pangalan niya sa white board. Pagkatapos ay napasulyap siya sa may pintuang nasa likuran.

"I have to go. Next meeting ko pa kayo pahihirapan," biro nito saka mahinang tumawa.

Napalingon naman ang mga estudyante sa kanilang likuran habang tumatawa. Ngunit ang ngiti sa kanilang mga labi ay bigla na lang naglaho lalo na ang kay Drei. Nakita nila doon si Ralf na nakasandal sa frame ng pinto; nakasuksok ang kaliwang kamay nito sa bulsa samantalang may hawak naman itong laptop sa kanang kamay. His military buzz-cut hair was as shiny as his eyeglasses. He was wearing a white polo shirt that was tucked inside his gray pants, and he paired them with brown loafers. Everything suited his tanned skin, which envies the eyes of others.

Napangisi na lang si Drei nang makitang halos hindi na maiguhit ang mukha ng mga estudyante. Takot na takot ang mga ito kay Ralf. Paano ba naman kasi? Kilala itong si Ralf sa electrical engineering department bilang terror. At kung paramihan lang ng binagsak na estudyante, tiyak na panalo na ito. Behind Drei's smile was the courage it took for him to glance at Ralf and make a joke in front of his students. If he could only show what he truly felt in front of his students, he would.

Sa harap at pinakamalapit na pinto dumaan si Drei ngunit laking gulat niya nang doon din dumaan si Ralf. Nagkasalubong sila at parehong napahinto sa labas.

"Palabiro ka pa rin pala," bulong ni Ralf. Magkadikit ang balikat nila, pero nakatuon sa magkabilang dulo ang kanilang mga tingin.

Ngumiti lang si Drei saka nagsimula na siyang maglakad palayo. Samantalang si Ralf ay nanatili nang ilang segundo sa labas, naghintay na lumingon sa kaniya si Drei. Pero hindi lumingon si Drei. Diretso lang itong pumasok sa engineering office.

Ito ang unang araw ni Drei bilang part time instructor. Sa totoo lang ay hindi na siya makapaghintay na magturo kahit pa may kabigatan ang mga subject na hahawakan niya. Noon pa man ay alam na ni Drei na babalik siya rito sa Don Placido Institute of Technology niya para magturo. Maliban sa offer at ilang tawag sa kaniya ng dating instructor at ngayon ay dean na ng College of Engineering, gusto niya rin talaga magturo.

Hindi naman na siya nahirapan pang makisama sa mga katrabaho dahil ang ilan dito ay dati niyang instructors at nakasabayan noon sa pag-aaral. Ngunit ang iniisip niya ay si Ralf. They have had things happen in the past. Ang ilan ay mahirap na balikan at ang iba naman ay mga tanong na naghahanap ng kasagutan.

"How's your first day?" Napasulyap si Drei sa kaniyang kanan kung saan nanggaling ang tanong at nakita niya si Shamille na nagbubukas ng laptop nito.

Tulad niya, isa ring industrial engineer si Shamille. Nagpang-abot din sila noong mga estudyante pa lang sila dahil dalawang taong lang na nauna si Shamille sa kanilang batch. Senior talaga ni Drei si Shamille, pero matalik na magkaibigan si Shamille at Ralf dahil magka-baranggay lang ang mga ito.

Drei cleared his throat. "Ayos lang naman, Ate Sham," giit ni Drei. Hanggang ngayon ay ate pa rin ang tawag niya kay Shamille.

May bahid ng hiya ang pakikipag-usap ni Drei kay Shamille. He hinted that Shamille knew something about him and Ralf. Bagay na dapat sana'y ay nanatili lamang sa kanilang dalawa ni Raf.

"Nagkita na ba kayo ni Raf?"

Napalunok na lang si Drei. Hindi niya alam kung may nais bang ipahiwatig si Shamille sa tanong nito sa kaniya. Napalingon siya sa paligid niya bago sumagot.

"Oo."

Ganoon na lamang katipid ang sagot niya. Shamille pouted and nodded.

"I just asked kasi close na close kayo noong college."

Naiilang na tumawa si Drei saka kinuha ang kaniyang cellphone saka dumiretso sa isang social media. He scanned through the list of people that he had blocked.

Nandoon ang pangalan ni Ralf.

*****

Nagkulay orange na ang kalangitan at ganoon na rin ang puting pader ng ilang building na makikita mula sa engineering building. Nagsimula na ring magsiuwian ang ilang estudyante. Hindi maiwasang mapangiti ni Drei habang nakatingin sa mga estudyanteng iyon lalo na sa mga estudyanteng hula niya ay magkasintahan.

His arms rested on the railings, and his body was slightly bent. Wala na siyang klase at dapat sana ay kanina pa siya umuwi. Ngunit naisipan niyang magmasid-masid din muna. Isa pa, wala naman siya masiyadong gagawin pagkauwi niya.

Drei felt the vibration on the railings, and a silhouette started to appear in his peripheral vision.

"Hinihintay mo ako?"

Drei grimaced and took three steps away from his side. Hindi siya sumagot. Itinuon niya lang ang atensyon sa mga estudyante.

"Galit ka pa-"

"Stop wasting your saliva by asking what shouldn't be asked, Ralf," pagputol nito kay Ralf.

Napahinga na lang nang malalim si Ralf. Ang init ng kaniyang hininga ay hindi sapat para pawiin ang lamig ng hangin na namamagitan sa kanila ni Drei.

"Akala ko okay na tayo kasi ngumiti ka pa nang nakita mo ako kanina," Ralf casually said it as if Drei hadn't cut him off a while ago. Kinuha niya ang kaniyang salamin saka pinunasan iyon bago isuot ulit.

"You always believe what you think. Akala mo kasi ganito, akala mo kasi ganiyan," sagot naman ni Drei saka tumalikod na sa mga estudyanteng masaya niyang pinagmamasdan kanina.

Kinuha niya ang backpack na nakapatong sa isang upuan sa labas. Isinuot niya iyon saka nagsimula nang maglakad palayo.

Ilang hakbang na ang nilakad niya at kaunti na lang ay malapit na siya sa may hagdan nang hawakan ni Ralf ang kamay niya. Napatitig siya sa kamay ni Ralf na mahigpit ang pagkakahawak sa pulsuhan niya.

"Why do you always run?"

Napangisi si Drei saka tinanggal ang kamay ni Ralf. There was so much force in the way he removed Ralf's hand. Like a swing's seat that was pushed to achieve its farthest reach. Bigla niya ring kinuwelyuhan si Ralf saka inilapit sa kaniya.

"Why do you always play the victim?"

Mahina niyang tinulak palayo si Ralf saka tinitigan ito nang masama. Halos magtagpo na ang dalawa niyang kilay.

Nanatiling kalmado si Ralf. Inayos niya ang nagusot niyang damit. Bagamat hindi siya tinatanong, tumango siya nang tumango. Pilit niyang iginuhit ang ngiti sa kaniyang labi saka tumalikod kay Drei.

"Ano ba talaga ang nangyari sa atin?"

Ralf asked and took two steps forward.

"Why did we end up being like this? Hindi naman ganito 'yong binuo nating future noon."

Napahawak si Drei sa may hagdanan saka mahinang tumawa. Magkatalikod na naman sila sa isa't isa. Napalitan na rin ng dilim ang matingkad na kulay ng kalangitan. Nagsimula na ring buksan ang ilang ilaw sa kabilang building.

"It's been years, Ralf. Registered Master Electrician and Registered Electrical Engineer ka na. Matagal na taon na ang nakalipas. Inside those years, hindi ka man lang nag-isip?"

Pakiramdam ni Ralf ay ilang taong hinasa ni Drei ang mga salitang binibitawan niya. Bumabaon ang bawat salita sa kalamnan ni Ralf. Nag-iiwan ng sugat, dugo, at kirot. Ang isang salitang dumadaplis sa bibig ni Drei ay katumbas ang isang libong bala na nanunuot sa katawan ni Ralf.

"Hindi ka dapat nagtatanong kung ano ang nangyari sa atin." Humakbang na rin si Drei. Isang ikot na lang ng hagdan ay nasa baba na siya. Nag-angat siya ng tingin kay Ralf ngunit ang nakatalikod na katawan ni Ralf ang nakikita niya. "Dapat mong tinatanong kung bakit mo iyon ginawa."

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon