Kabanata X

216 8 0
                                    

Makalipas ang isang linggong opening ng month-long celebration ng charter day, balik sa pagtuturo na naman ang mga instructor. Samantala, mabigat naman sa kalooban ng mga estudyante dahil ang buong akala nila, isang buwan talagang walang pasok.

Tahimik lang na naglalakad si Ralf habang masayang nagkukuwentuhan ang mga second year industrial engineering students na hinahawakan niya sa subject na Advanced Mathematics for Industrial Engineering. Mas naging kapansin-pansin ang pangingitim at pag-umbok ng ibabang bahagi ng kaniyang mata.

Papasok na sana sila sa room ngunit hindi sila tumuloy nang makitang naroon pa sa loob si Drei at ang mga first year student. Under din ang mga iyon kay Ralf sa subject na Mathematics in The Modern World, ang pinakamadaling mathematics subject sa kolehiyo ika nga nila. Dapat sana ay hindi siya hahawak no'n ngunit dahil nga sa kakulangan ng instructors, sa kaniya iyon naipasa.

Isa-isang kinokolekta ni Drei ang answer sheets ng kaniyang mga estudyante. “For those who already submitted their papers, you may go now.”

Napasulyap si Drei sa labas at nakita niya si Ralf na nakasandal railings. Kaagad siyang napatingin sa kaniyang relo. May limang minuto na lang bago matapos ang kanilang oras. At sa bawat klase, gusto ni Ralf na matapos nang eksakto o hindi kaya ay hindi lumagpas sa class schedule niya.

“Bilisan niyo. I will no longer accept late papers.”

Nagsitayuan ang mga estudyante at habang naglalakad papalapit ang mga ito sa kaniya, nagsusulat ang mga ito sa papel habang may ibinubukambibig na sila lang ang nakakaintindi.

Nagsilabasan na ang mga estudyante at naiwan sa loob si Drei. “Pasok na kayo,” saad nito habang inaayos ang papel ng mga estudyante.

Nauna nang pumasok ang mga estudyante samantalang naiwan lang sa labas si Ralf dahil hinintay talaga nitong lumabas muna si Drei.

Nang iluwa si Drei ng pintuan, kaagad siyang naglakad papunta sa kung saan dumaan si Drei. Nakatingin lang si Drei sa malayo samantalang sinigurado niya namang hindi siya titingin dito dahil sa baba siya nakatingin.

“Take some rest. Ang itim-itim na ng mata mo,” wika ni Drei. May kalakasan iyon kaya kahit patuloy ang paglalakad ay narinig niya iyon nang malinaw.

Kahit pala napayuko na siya, napansin pa rin ni Drei ang kaniyang mata. Kung puwede lang talaga siyang magpahinga o hindi kaya'y matulog tulad ng dati kapag nakauwi na, ginawa na niya. Kaso hindi. May mas inportante siyang gawain sa kanilang bahay na nangangailangan ng malaking oras niya.

Hawak ngayon ni Ralf ang marker at nakatutok na iyon sa white board samantalang ang isang kamay niya ay nakapatong sa mesa.

“Last meeting, we discussed the different forms of complex numbers, right?” malumanay niyang tanong. “What are those?”

May isang estudyanteng nagtaas ng kamay. Sa halip na tawagin iyon sa apelyido nito, tumango lang si Ralf.

“Rectangular, Trigonometric, Polar, and Exponential form, Sir.”

Tumango lang ulit si Ralf bilang senyales na tama ang sagot ng estudyante.

“By the way, to remind you again, an imaginary number or square root of negative one is represented by letter ‘i.’ But in electrical engineering, we're using the letter ‘j.’ Even though hindi kayo electrical engineering students, as your instructor, we are to use the letter ‘j’ to represent it.”

Sanay naman ito sa pagsasalita si Ralf. Pero pakiramdam niya ay naubusan na siya kaagad ng laway pagkatapos iyong sabihin. Huminga siya nang malalim at inilibot ang tingin sa mga estudyante.

“And we also did a board work and quiz wherein you converted an imaginary number into its different forms. Madali lang iyon kaya there's no need to discuss it again.” Tinanggal niya ang cap ng marker saka humarap sa board.  Pagkakuwan ay nagsulat siya roon. “For now, let's move on to addition and subtraction of imagiry numbers. Huwag kayong mag-alala dahil madali lang ito.”

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon