Kabanata XI

152 3 0
                                    

Ralf took a deep breath. He held it for a few seconds, and when he exhaled, his tears started to flood his cheeks. Tinanggal niya ang kaniyang salamin saka pinunasan ang kaniyang mga mata gamit ang likod ng kaniyang kanang kamay na may hawak na cellphone.

Kaagad niyang ipinasok sa bulsa ang cellphone at dahan-dahang kinuha ang mga gamit sa mesa para ipasok sa bag. Ramdam niya ang bigat sa kaniyang kamay habang kinukuha ang mga iyon. He was holding himself while packing his things, not letting a single sound of lamentation escape through his mouth. He didn't want to get the attention of his colleagues. He wanted to leave in silence, but how could it be possible when his emotions inside were so loud?

Napansin ni Sir Osmeña ang pagliligpit niya. Sa pagkakaalam nito, may isang klase pa si Ralf. At isa pa, hindi talaga ito masiyadong umuuwi sa kanila kapag magtatanghalian na. Hindi nito makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya rito.

“‘Di ba may class ka pa mamaya?”

He paused and thought for a few seconds. He cleared his throat.

“Hindi muna ako papasok,” sagot nito nang hindi lumilingon kay Sir Osmeña.

Drei overhead everything, and the moment Ralf's voice registered in his ears, he knew that there was something wrong. Napatayo siya at nakitang isinuot ni Ralf ang bag nito.

When Ralf glanced at him, he knew he's right—something happened. Hindi namumula ang mga mata nito pero nakita niya ang pamamasa no'n. Gusto niyang lumapit, ngunit mas pinili niyang manatiling nakatayo at pagmasdan si Ralf na lumabas.

*****

Diretso lang ang tingin ni Ralf habang binabaybay ang daan papunta sa labas. Wala na ring luha ang lumalabas sa kaniyang mga mata, ngunit nandoon pa rin ito sa kaloob-looban niya, naghihintay ng tamang pagkakataon. May ilang instructors na tinawag siya, ngunit nagpanggap siya na para bang hindi niya sila narinig.

Nang malapit na sa exit gate si Ralf, tinawag siya ng grupo ng mga estudyante na nakatambay sa lilim ng malaking puno.

“Sir, magkaklase ka ba mamaya?”

Kaagad na sinita ng kasama nito ang nagtanong. “Ano ka ba? Kailan pa ba um-absent si Sir?”

Ralf composed himself. He smiled and answered them. “Hindi.”

“Bakit, Sir?”

It's when Ralf realized that he had to go. He forced a smile for the second time and ignored the question. Kumaway na lang siya at patuloy na naglakad papunta sa labas.

Napansin ni Ralf na wala pa ang mga traysikel ang naghihintay sa labas. Kung sa bagay, hindi pa naman labasan. Wala siyang pagpipilian. Kahit wala siyang dalang payong, kailangan niyang maglakad papunta sa may sakayan. Bagamat may kalayuan, makakaya naman iyon lakarin. Minsan, nagsisisi siya na hindi pa niya ipinapaayos ang motor niya. Pero mas may importanteng paggagamitan ang kinikita niya.

Habang naglalakad ay nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon saka sinagot.

“Ate, pauwi na ako.”

Nagpatuloy sila sa pag-uusap ng kapatid niya. Pareho silang seryoso, walang humahagulhol, walang umiiyak.

Kaagad niyang isinilid sa bulsa ang cellphone pagkatapos ng kanilang tawag. Basang-basa na siya ng pawis ngunit hindi niya iyon alintana. Kahit ang mainit na panahon ay parang wala na lang sa kaniya.

Mas binilisan niya ang paglalakad nang makita na ang sakayan. Ngunit napahinto siya sa tapat ng isang bangketa na nagbebenta ng mga kakanin. Madalas siyang mapahinto at bumili rito kapag nagre-request ang nanay niyang bilhan siya nito.

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon